ATHENA 1

1K 23 7
                                    

"Athena! Psst! Hey!"

Pagkabukas ko ng mga mata ko, I saw that we landed already. Rachel was getting our things nung pagkatingin ko sa kanya.

"Andito na tayo?"

"AY WALA PA PO! Syempre andito na tayo. Gising gising din Athena."

Ay nako napakapilosopo talaga nitong si Rachel.

When we got off our private plane, dumiretso naman kami sa Mercedes na hinanda nung agency ko. Dahil nga sa higpit ng security, nakasisiguro daw silang safe ang magiging trip ko sa Pilipinas.

But that was the least of my problems. Seven years. Seven years ng nakakalipas ng huli akong tumuntong sa Pilipinas. Ang totoo nyan, halos nakalimutan ko na ang itsura ng mga lugar na pinupuntahan ko noon, yung mga gawi dito at pati na rin yung mga taong iniwan ko.

Kaya....ewan ko. Kinakabahan ako. Parang, nagbago na ang lahat simula noon.

"Rachel, can you buy me flowers? Yung...pinakamagandang makikita mo.", sabi ko dito habang nasa byahe kami.

"Flowers? Bakit? Para san?"

"Basta. May dadalawin lang ako."

Tumigil nga kami sa isang flower shop. While Rachel was busy buying for me, kinuha ko yung iPad ko at binalikan ko ulit yung article na nabasa ko sa net.

Founder of the Ramisses Corporation, Died at the Age of 90

Hindi nga ako nagkakamali. It was true then.

Tinignan ko yung mga picture sa article. Merong litrato noong mukang bago pa lang yung Ramisses Corp., meron din yung parang recent picture lang na nakikipagkamay siya sa mga business tycoons.

Pagka-scroll ko naman ulit, parang nag-iba yung takbo ng paligid ko. Nakita ko si Mr. Walter, katabi ang tagapagmana ng Ramisses Corp.

Si....Theodore. Theodore Ramisses.

Halos nagpanic naman ako ng bumukas na yung pinto. Tinago ko agad yung iPad ko ng bumalik na si Rachel with a pot of beautiful white roses.

"Oh, okay na ba ito?", tanong ni Rachel.

Bago pa ko nakasagot eh kailangan ko munang gisingin yung sarili ko. Ugh, ano ka ba Athena! Wake up you silly girl!

Ngumiti na lang ako kay Rachel. Paborito ko ang white roses, actually. Nakakalungkot alalahanin na ibibigay ko siya for someone na hindi ko man lang alam na wala na pala.

I told our driver to drive us to Eternal Gardens. Kahit na kinukulit ako ni Rachel kung bakit kami andito, I just didn't answer her. Dahil nga hindi ko alam kung asan yung puntod, nagtanong-tanong na lang kami. Good thing he was famous at hindi kami nahirapan na hanapin siya.

When we found the mausoleum, I immediately paid my respects. Nagsindi ako ng kandila at binaba ko na nga doon yung bulaklak na dala ko. Rachel was just beside me, takang taka pa din sa ginagawa ko.

"Walter Theodore Ramisses III? Kamag-anak mo ba yan???", pagtatanong na ni Rachel.

I just gave her a smile. Buti na lang at naka-shades ako. I wouldn't want her to see me tearing up. Baka magduda siya.

"Huy! Tinatanong kita!", pangungulit pa ni Rachel.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sabihin na nating...isa siya sa mga taong hindi ko makakalimutan."

Mukang gulong-gulo pa din tong si Rachel. But that didn't matter, all I was thinking is the last conversation I had with with Mr. Walter. Napakabait niyang tao, di ko ineexpect na ganun ang magiging pakikitungo niya sa akin despite of all the things that happened between me and his family.

"Wag mong sabihin....yan ang tatay mo?!"

"Rachel. Pwede ba, hindi no. Halika na nga, puro ka kalokohan eh!"

I took one last look sa puntod ni Mr. Ramisses. Siguro kung andito pa siya...hindi niya hahayaan tong mangyari.

Siguro nga, I had to face this one way or another.

Habang nasa kotse kami, I checked my sns. I have one notification.

I'll miss you. Come back very soon!

"Sino yan???", biglang tanong naman ni Rachel.

"H-ha?? Wala, wala. Ano? Nacontact mo na ba si Mr....."

Hindi ko matandaan yung surname. Ano nga yun?

"Ahh! Oo naman no. He scheduled a meet-up tomorrow in Edsa-Shangrila. We have to be there by 10 am sharp."

"Hmm....okay."

Pagkarating namin sa hotel, I decided to take a rest for a while. Masyadong naging hectic din yung schedule namin sa London tas ayun nga, diretso na dito sa Manila. Hay, talagang mahirap na nga kumita ng pera ngayon.

"Athena, umamin ka nga sakin. Sino ba talaga yung dinalaw natin sa sementeryo kanina???"

Rachel invaded my room again. Palibhasa kasi share kami sa kwarto kaya eto, libreng libre siyang gulu-guluhin ako.

"I told you, it's no one."

"Concerned lang naman ako. Syempre....baka malaman nila na----"

"Rachel. We came here for business. Not talk about my personal life."

I didn't care if naging harsh ako sa nasabi ko. Ayoko lang kasi talagang pag-usapan. Saka, in a few days, aalis na rin naman kami dito. There's no point in bringing everything up again.

Pinatong ko na lang yung braso ko sa ulo ko. Itutulog ko na lang talaga lahat to.

"Okay, fine. Basta bukas, I want you in your best shape. Maliwanag ba yun?"

"Hmmmm."

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon