Ashley Kim's Point of View
"Sigurado ka na ba diyan anak?" Napatingin ako sa nagsalita which is obviously my Dad. He looks really worried.
"Dad, ilang beses ko na bang sinabi sa inyo ni Mom na we'll be fine." I assured him and continued packing my things.
Napagdesisyunan kasi naming magpipinsan na lumipat ng school dahil sa mga parents namin. They always treat us like babies even though we can kill tons of people in just a snap.
"Bakit hindi mo muna tapusin ang last year mo diyan sa Athena High?" Tanong ni Dad. Incoming Grade 10 na ako this school year meaning patapos na ako ng Junior High. Grade 9 naman ang nakababatang kapatid ko.
"Dad, don't worry, okay? Kasama naman namin sila insan do'n." Pagpapakalma ko sa kanya 'coz he's really panicking right now.
"Oo nga. Pero alam mo naman kung anong klaseng paaralan iyon, 'di ba?" Napangisi ako sa tanong ni Dad.
Aaminin ko, hindi ordinaryong paaralan ang papasukin naming magpipinsan. Kaya nga ayaw kaming payagan nila Mom at Dad. Walang sinasanto ang paaralang iyon. Wala silang batas na sinusunod. Basta mataas ang grades mo, pasok ka na. Kumbaga sa grades lang umiikot ang paaralang iyon.
Isa rin ang paaralang iyon sa mga kinatatakutan ng mga magulang. Takot silang papag-aralin ang mga anak nila dahil hindi ligtas ang lugar kung saan nakatayo mismo ang unibersidad. Nasa gitna ito ng pinakamalaking gubat sa may mga bulubundukin. Isa ring restricted area ang lugar na iyon pero walang naka-aalam kung bakit. Ngunit hindi naman ito kalayuan sa siyudad. Gayunpaman, hindi ligtas ang paaralang iyon dahil maraming mga sindikato ang nagkalat sa lugar na iyon. Iyon ang sabi ng iba.
"Dad, trust me, okay?" I said to him.
"Fine. Hay nagmana talaga kayo sa nanay niyo. Matigas ang ulo." Umiiling na sabi ni Dad habang naglalakad palabas ng kuwarto ko.
Nang matapos na akong mag-impake tinawag ko ang isa sa mga maids namin at sinabihan siya kung ano ang mga ipadadala kong mga gamit sa school. Ang sabi kasi ni Mom ipadadala niya na lang ang iba pa naming gamit sa mga bodyguards, kaya naman isang sling bag lang at saka maliit na maleta ang dala ko.
Bumaba na ako at naabutan ko si Sam na naka-upo sa sofa habang nakatayo sa harap niya si Mom. Nang makita ako ni Sam ay kaagad itong tumayo at lumapit sa akin.
"Ate ayaw akong paalisin ni Mom." Pagsusumbong nito sa akin. Spoiled din kasi sa akin itong kapatid ko pero mas madalas kaming nag-aaway.
"Ma, okay lang." Sabi ko sa kanya.
"Hay, basta alagaan mong mabuti iyang si Sebastian, ha?" Sabi nito sa akin.
"Mom! Samuel... Samuel is my name." Naiinis na wika ni Sam kay Mommy.
"Oh sige sabi mo eh. Nagmana talaga kayo sa tatay niyo. Matigas ang ulo."
"Familiar yata ang line na iyan ah." Sabi ni Dad na sumulpot kung saan.
Tumingin ako sa relo ko. 6:41 a.m na. It's a four-hour drive from our house so we need to go.
"Dad and Mom, alis na kami. Malayo pa iyong University." Sabi ko sa kanila.
Nagpaalam na kami at sumakay na sa kotse. Aktong sasakay si Sam sa driver's seat ng harangan ko ito.
"Nu-uh ako mag-dadrive." Sabi ko sa kanya. Nakanguso naman itong umikot papunta sa passenger's seat. Napangiti naman ako. Victory is mine. Hahaha.
Pumasok na ako at nagsimulang mag-drive.
Past 12 na nang makarating kami sa school. Marami na rin ang mga tao. Puwede na rin daw kasing maglipat ng mga gamit sa dorm since Saturday na at sa Monday na mag-sisimula ang klase.
Nag-park na ako saka lumabas ng kotse. Isa lang ang dorm dito pero kasya lahat ng mga estudyanteng nag-aaral.
"Second floor ka hindi ba, Noona?" Tanong ni Samuel na tango lang ang isinagot ko.
Nang makarating kami sa dorm namangha ako sa napakaganda nitong disenyo. Klasikal na may pagka-moderno ang interior design. May dalawang grand staircase sa magkabilang dulo at isang elevator sa gitna. Sa harap naman ng elevator ay mayroong parang information desk. May mga staff na nakatoka roon.
Pinili na lang namin ng kapatid ko na maghagdan dahil napakarami ng mga taong nakapila sa elevator.
"Oh buti naman nandiyan na kayo?" Napalingon kami sa nagsalita. Nakaupo ito sa sofa habang nakatingin sa phone. Mayroon din kasing mga upuan dito sa 2nd floor.
Napangiti ako nang makilala kung sino ang nagsalita. Isa siya sa mga sinasabi kong pinsan na mag-tatransfer dito. Ang pangalan niya ay Tyler Mendez. Siya ang pangatlong matanda sa aming magpipinsan.
"Ang aga mo yata?" Pambibiro ko rito. Lagi kasi itong late sa mga lakad namin kaya milagro 'ata dahil maaga siya.
"Ito naman, 'di ba puwedeng nagbabagong buhay? Ikaw tanda, ba't ang tagal ninyo?" Pabirong sagot nito.
"Aba't talaga naman oh!" Binatukan ko siya.
"Matanda pa rin ako sa iyo kaya huwag mo akong sinasagot-sagot." Pag-papaalala ko sa kaniya.
"Hay naku. Kalian ba tatanda ang mga walang kuwentang nasa harap ko." Umiiling-iling na sabi ni Sam saka tumingin sa amin ni Tyler.
"Tara na Ty. Hayaan mo na 'yang si ate. Takot lang nila sa kaniya." Sabi pa nito saka hinila si Ty.
"Mamaya na lang ulit Noona." Sabi ni Ty saka nagpahila sa kapatid ko. Nginitian ko naman sila saka nagsimulang ng tahakin ang daan patungo sa dorm ko.
Tiningnan ko ulit ang kapiraso ng papel kung saan nakasulat ang dorm number ko at kung saan ito.
Napangiti ako ng maalala ang sinabi sa akin ng Faculty Staff nung nagpa-enroll kami "Hay. Mag-ingat ka. Demonyo 'yang kasama mo sa dorm."
Demonyo? Ngumisi ako. Tignan lang natin kung sinong mas demonyo sa atin.