Jennie's POV
Sinugod ako ng suntok ni Katherine pero mabilis ko itong nasalo gamit ang aking kamay.
Umakto akong humihikab dahil sa ginawa niya kaya naman mas nagalit ito at sinubukan akong sipain. Agad ko itong nailagan. Napangisi ako bago siya sikmuraan ng hindi niya napapansin.
"You bitch!" Hiyaw niya at muling sumugod. Walang gana ko siyang tinignan dahil sa mga naging pagsugod niya. Ni hindi man nga ako natamaan eh.
"Is that all you got?" Pang-aasar ko na umubora naman. Susuntukin niya pa sana ako kaya lang biglang bumukas ang pinto ng cafeteria.
"Yah! Oo na! Bitawan mo na iyong tenga ko! Masakit!" Halos lahat ng nasa may hallway ay napatingin doon at napahinto sa mga ginagawa.
Nakanganga kaming lahat habang pinapanood yung dalawa sa may pintuan ng cafeteria.
"Anong bitiwan? Kulang pa 'yan sa'yo boi!" Mas diniinan niya pa yung pagkakapingot sa kaniya.
Kaniya-kaniyang reaksyon ang mayroon kaming lahat habang pinapanood silang magbangayan.
"Wow." Tanging nasabi ko.
"Grabe." Iiling-iling na saad ni Ivan.
"Sino siya?" Maarteng tanong ni Katherine.
"Oh my god." Pabulong na sabi ni Irish.
Nagtuloy-tuloy sila sa paglalakad habang pingot-pingot ni Ash si Kurt.
-END OF POV-
Ashley's POV
Umupo ako sa isang table. After kasing magpacute ni Kurt eh iniwan ko na siya doon. Feeling niya naman kasi bagay niya tsk.
Nandito ako ngayon sa cafeteria. Katatapos ko lang umorder kaya umupo na ako.
Pinagmasdan ko lang yung paligid habang kumakain dahil wala akong maka-usap. Makalipas ang ilang sandaling katahimikan ay nabulabog ako dahil may dumating na isang aso.
"Ba't mo ako iniwan?" Naka-pout nitong sabi. Napa-make face naman ako sa ginawa niya.
"What the hell Kurt?! Hindi ka pa rin ba tapos sa trip mo na 'yan?" Iritang tanong ko. Gigil niya ako!
Umiling ito. "Hindi naman ako nantitrip ah!" Pacute pa rin nitong sabi. Okay! That's it.
"Yah! Lumapit ka dito!" Sigaw ko bago ko siya pingutin sa tenga. Dumaing naman siya sa ginawa ko.
"Aray! Shit! Tigilan mo 'yan!" Mura niya sa akin. Anong akala niya? Hindi ako gaganti? Pwes lintik lang ang walang ganti.
Hinila ko siya patayo at palabas ng cafeteria. "Ano uulit ka pa?" Tanong ko sa kaniya.
Desperado naman itong umiling. "Yah! Oo na! Bitawan mo na iyong tenga ko! Masakit!"
"Anong bitiwan? Kulang pa 'yan sa'yo boi!" Hanggang mamaya ko siya pipingutin. Hahaha akala niya ah.
Hinila ko pa siya ulit paalis doon sa may pintuan ng cafetria. Patuloy lang siya sa pagdaing hanggang sa makarating kami sa may main building.
"Yah! Tama na!" Sigaw niya pa. Binitawan ko na iyong tenga niya. Naawa naman ako sa kaniya. Namula iyong tenga niya.
Tinignan ko siya. Nakabusangot ito habang hinihimas-himas ang tenga.
"Sorry." Tipid kong saad.
Tinanguan niya lang ako kaya napabuga ako ng hangin. "Lapit ka sa akin." Mahinahon kong sabi sa kaniya. Agad naman siyang tumalima sa sinabi ko. Takot na ata siyang mapingot.
Maingat kong hinawakan iyong tenga niya. "Masakit ba?"
Tinignan niya ako. "IKAW KAYANG PINGU—" Hindi niya na itinuloy yung sinasabi niya dahil tinignan ko siya ng masama. Tumikhim siya, "I mean, hindi gaano."
Paano ba mawala iyong pamamaga? Naawa ako sa kaniya. Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Ano? Tatayo na lang tayo dito?" Napatingin ako sa kaniya. Ngumuso ako lalo.
"Tigilan mo 'yan!" Saway niya sa akin pero hindi ko sinunod.
"Ano bang pwedeng gawin para mawala 'yang pamamaga?" Nakangusong tanong ko.
Kinagat niya iyong labi niya bago nag-iwas ng tingin. "W-wala. H-hayaan m-mo na l-lang muna." Nauutal niyang wika.
Hinawakan ko iyong kamay niya kaya napatingin siya sa akin. "Bakit?" Tanong niya.
"Samahan kita. Punta tayong clinic." Naka-pout ko pa ring sabi. Tumango naman siya saka dali-daling nag-iwas ng tingin. Ano bang problema nito?
Nagkibit-balikat na lang ako at sinimulang maglakad habang hila-hila siya. Tinignan ko siya at halos matawa naman ako sa hitsura niya. Para siyang natatae na ewan. Napa-iling na lang ako.
-END OF POV-
Kurt's POV
Pinaupo niya ako sa isang kama bago kinausap iyong nurse. Tumingin sa akin iyong nurse bago natawa ng mahina. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan ng paglunok niya at pamumutla.
Linapitan ako ulit ni Ash at umupo sa tabi ko. "Remind me again why I'm here?"
Bumuga siya ng hangin bago nagsalita, "Kailangan mawala niyang pamamaga ng tenga mo. Napasobra ata iyong lakas ko." Naka-pout na naman siya. Bakit ba siya nagpapout? Natetempt ako eh!
Iniwan kami ng nurse dahil kukunin niya daw iyong record log sa may faculty pero naghabilin siya kay Ash ng gagawin.
"Hoy Abo ano ng gagawin natin?" Inip na tanong ko. Pero imbes na sagot ay isang malutong na batok ang natamo ko.
"Aray ko!" Angal ko sa kaniya. Namamga na nga iyong tenga ko magkakabukol pa ata ako sa ulo.
"Anong abo?! Gusto mong maging abo, ha?!" Galit niyang tanong sa akin. Agad naman akong umiling.
"Good. Umayos ka! Humiga ka diyan!" Utos niya sabay turo sa kama. Humiga naman ako.
"Patagilid!" Tila naiinip niyang sabi. Gusto kong mapa-irap kaya lang pinigilan ko at sinunod na lamang siya.
May pinatong siyang ice pack sa tenga ko na pinigot niya pagkatapos ay kumuha siya ng upuan at umupo sa tapat ko.
"Hindi ba malalagyan ng tubig iyong tenga ko niyan?" Baka kasi matuluan.
Umiling siya, "Hindi naman daw sabi nung Nurse." Napatango na lang ako. Baka ano pang masabi ko at mabatukan na naman ako.
Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo at nagikot-ikot dito sa loob. "Anong ginagawa mo?"
"Naglalakad." Pabalang na sagot nito. Hindi ko na lang pinansin ang pamimilosopo niya dahil sanay na ako.
"Bakit ka naglalakad?"
"Kasi trip ko."
"Bakit mo trip?"
"Kasi wala akong magawa."
"Bakit wala kang magawa?"
"Kasi kasama kita."
"Bakit mo ba ako kasama?"
"Kasi ang bobo ko—Yah!" Biglang sigaw niya na nagpangisi sa akin. Akala mo ha!
Napabuntong-hininga siya bago umirap at tumingin sa akin. "Tsk fine. I'm looking, okay?" At naglakad-lakad siya ulit.
Umupo ako, "Looking for what?"
Tumingin siyang muli sa akin. "For a truth untold of this university."
-END OF CHAPTER-