Chapter 5: Discover

87 3 2
                                    

Chapter 5

Ashley's POV

Napangisi ako at tumingin sa babae. Tsk. Magpapanggap na nga lang halata pa.

Agad akong tumalon para makawala sa pagkakahawak sa akin nung mga lalaki, sakto naman na naglanding ako sa harap ni Miss Nerd. "Ano? Lalaban ka o tutunganga ka na lang diyan?" tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya saka tumingin sa akin na may isang ngiti sa kaniyang mga labi "You found out, huh?" dahan dahan itong tumayo "Impressive".

Sinugod kami ng mga lalaki puro iwas lang ako ganun din naman ang ginagawa ni nerd. Tinignan ko siya at saktong nagtama ang mga paningin namin. Sabay pa kaming ngumisi sa isa't-isa at tumango. Mukhang dadanak ang maraming dugo ngayong gabi.

-End of POV-

His POV (POV toh nung dormate ni Ashley)

Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko kung paano nila ilagan ang mga atake na papunta sa direksyon nila. Napakagaling. Napakagandang pagmasdan. Animo'y sumasayaw sila sa tugtugin habang nakikipaglaban.

Kitang-kita ko kung paano nila tinignan ang isa't-isa saka tumango. Hudyat na kailangan na nilang umatake. Nakita ko kung paano tumalon si Ashley papunta doon sa lalaki at inagaw ang hawak nitong kutsilyo. Agad naman niya itong ginilitan sa leeg. Nakita ko kung paano siya ngumisi nung namutla ang kanyang mga kalaban. Agad naman siyang tumakbo papunta sa isa pang lalaki at walang sabi-sabi ay sinaksak niya ito sa tagiliran. May nakita akong lalaki na papunta sa direksyon niya pero mukhang naramdaman naman ito ni Ashley dahil bigla na lamang itong naglaho at napunta sa likod nung lalaki na papalapit kanina sa kanya. May ibinulong ito sa lalaki saka niya dahan-dahang ginilitan ng leeg.

Lumakad na ako palayo sa bintana. I've seen enough. Naglakad ako papunta sa sofa ko sa kwarto. Sino ka ba Ashley Kim? Napangiti ako sa aking naisip. Agad akong pumunta sa computer ko na may limang monitor at nagsimulang mag-tipa. Para lang sa kaalaman niyo ay isa akong hacker dahil baka sabihin ninyo na baliw ako. Well 50-50 lang naman haha. Anyway isa nga akong hacker, ang pinakamagaling na hacker sa buong bansa pero siyempre nakatago ang true identity ko no. Baka naman maya-maya lang ay pinasabog na itong dorm namin kung alam nila ang totoong ako. Pero hindi naman hahayaang mangyari 'yon ng pamilya ko. Remember isa akong Meneses. Ang babaeng sana ay tutulungan ni Ashley ay ang kaibigan ko. Nagta-trabaho siya at ang pamilya niya para sa akin at sa pamilya ko. Isa rin siyang hacker gaya ko pero siyempre mas magaling ako. (Woooh... Hangin.)

Sigurado ako na konektado ang dormate ko sa blackmarket dahil classified ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Kapag naha-hack ko na ang system agad may lilitaw na bago at mas mahirap i-hack. Napasandal na lang ako sa swivel chair ko. Mukhang magpupuyat ako neto.

-End of POV-

Ashley's POV

"Damn it!" inis na sabi ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa grocery dahil hindi ko alam kung ano itong mga nasa listahan na ibinigay ng dormate ko.

Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil kanina pa ako andito pero wala pang laman ang cart ko.

Napabuga na lang ako ng hangin saka tumingin ulit sa listahan. "Argh... This is so frustrating." ginulo ko na lang ang buhok ko sa sobrang inis. FIRST TIME KO MAG-GROCERY GUYS. Hindi naman ako pupunta dito kung hindi dahil sa lalaki na iyon. Pano ba naman binalack mail ako. Pinicturan niya ako habang natutulog at sinabing ipapakalat niya iyon sa buong university. Ang panget ko pa man din do'n. May tumutulo pa akong laway habang nakanganga.

Tinulak ko na lang ulit iyong cart saka nagtingin-tingin kaya lang hindi pa man ako nakakalayo tumigil ako ulit. "Ihhhh... Ayooko ko naaa" Inilagay ko pa iyong dalawa kong kamay sa may ulo ko. Lagi ko itong ginagawa kapag na-iinis ako or kung nase-stress ako. Mannerism na rin kumbaga.

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon