Chapter 9
Ashley's POV
Napalingon ako sa nagsalita. Nasa isang puno ito at nakatayo sa isang sanga. Hindi ko man lang naramdaman yung presence niya. So stupid of me!
"Kailangan mo?" tanong sa kanya ni Kurt. Tumalon naman mula sa sanga yung lalaki at saktong lumanding sa gilid ko. That was a high jump. Lumapit naman si Kurt sa amin saka ako hinila palayo sa lalaki kanina.
"Possessive." sabi nung lalaki. Parang familiar ito sa akin.
"Matulog ka na nga lang o kaya naman ay hanapin mo yung maliit mong kapatid, baka kung saan saan na naman napadpad yung manyak na 'yon" sabi ni Kurt saka hinila ulit ako. Ano ba 'yan? Lagi niya na lang bang hihilahin yung kamay ko? Maawa naman siya o! Psh.
Tinanggal ko yung pagkakahawak niya mula sa akin saka naglakad palayo. Ay hindi pala lakad. Takbo. Tumakbo ako palayo sa kanya saka dumiretso sa mall. Now, where to?
"Alam ko na!" sabi ko sa sarili ko. Parang may lightbulb pa nga na umilaw sa tuktok ng ulo ko kaya lang napalakas ata yung sabi ko dahil maraming napalingon sa akin. Hindi ko na lang pinansin at naglakad na lang.
"Waaahhh... Ang cute..." Sabi ko sa sarili ko saka nagmadaling pumasok sa loob nung stall. Lumapit naman agad ako dun sa Pikachu stuff toy na nakita ko.
Kukunin ko na sana ito ng may nauna.
"I didn't know that you were this childish." Marahas akong napalingon kay Kurt.
"Ano bang kailangan mo?" Irita kong tanong. Sinubukan kong kunin ito mula sa kaniya. Itinaas niya naman ang kamay. Aish this giant.
"Give it back."
"Only if you kiss me." Ngumuso pa talaga siya.
Hindi ko na napigilan ang sarili at sinuntok ko na siya. Nabitawan niya naman iyong stuff toy kaya agad ko itong kinuha at pumunta sa may cashier.
"300 pesos po." Sabi nung cashier.
Akmang kukuha na sana ako sa wallet ko ng pera ng biglang may nag-abot sa cashier.
"Keep the change." Sabi nito at hinigit ako palabas ng store.
"What's your problem?" I yelled at him.
"Wala naman." Sabi nito at inakbayan ako. Tsansing ka brad ah.
Hinawakan ko yung kamay niyang naka-akbay sa akin at ipinulupot iyon papunta sa likod niya. Wala man lang siyang reaksyon. Psh.
"Pinapagod mo lang sarili mo." Bored na sabi nito at wala man lang kahirap-hirap na binawi yung kamay niya mula sa akin. Geez what's with this guy?
"Puntahan mo na lang yung Jennie na 'yon imbes na guluhin mo ako dito!" Sigaw ko sa kaniya. He was with her during the whole orientation and I don't know why am I acting like this.
Nginitian niya ako ng nakakaloko "Selos ka no? Don't worry safe yung secret mo sa akin." sabi niya at nagsimula na ulit maglakad. Secret?
"Hoy anong secret?" tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya.
"Secret na crush mo ako." sabi niya sabay ngiti ulit. Hala ang kapal!
"Feeling mo no. E mas babae ka pa ata sa akin eh. Ang hilig sa pink!"
"Bakit anong masama sa pink?"
"Ay ewan ko sa'yo." sabi ko at nauna ng maglakad.
Naglibot-libot na lang ako mag-isa sa mall.
"Hay, ang boringgg~" sobrang boringg. Dapat pala hindi ko na lang iniwan si Kurt edi sana may kausap pa ako.
"Hey you bitch!" napadaing ako ng may maramdaman akong humila sa buhok ko.
Agad ko naman itong sinikmuraan dahilan upang mabitawan niya ako.
"Ouch." daing nito.
"Who the hell are you?!" I yelled at her.
Sinamaan muna niya ako ng tingin bago sumagot "FYI ako ang girlfriend ni Kurt kaya layuan mo na siya." maarteng wika nito.
Nagtaka naman ako doon. Wala namang nabanggit si Kurt sa akin na girlfriend. Bakit nga naman niya sasabihin sa akin? I'm just his dormate which turns out to be an assassin ready to kill this slut in front of me.
"Bakit ko naman siya lalayuan?" sabi ko at umaktong nag-iisip "Oh, I know. Do you see me as a threat with your so-called relationship, eh?" I asked her mockingly.
Mas lalong nagdilim ang aura nito at handa ng sugurin ako ng may kamay na bigla na lang na umakbay sa akin.
"That's my girl." sabi nito. Naramdaman ko pang ipinatong nito ang kaniyang ulo sa akin.
Tsk. Boses pa lang alam ko na.
"Tigilan mo ako Kurt. Akin na nga yung binili ko para naman makauwi na ako sa dorm. At ikaw bawalan mo yang girlfriend mo na masyadong insecure." naiinis na wika ko at kinuha na mula sa kamay niya yung Pikachu ko na nasa paper bag.
"Girlfriend? Wala naman ako non ha." sabi nito sa akin.
"'Wag mo akong niloloko." balewalang wika ko.
"Totoo naman eh. Manliligaw pa lang ako no." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
"Pwede ba akong manligaw sa'yo." sabi nito at nginitian ako ng matamis.
Narinig ko naman yung pagsigaw at papalayong mga yabag nung babae kanina. Pft. Pathetic bitch.
Binaling ko naman ang tingin ko kay Kurt "Show's over. Drop the act." simpleng wika ko. Alam ko naman na ginawa niya lang iyon para tigilan na siya nung obsessed na babae.
Sumeryoso naman ang mukha nito at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko "I'm dead serious. I want you to be my girlfriend."
Girlfriend?
-END OF CHAPTER-
Readerss annyeongg!! Binalik ko na siyaaa tadaaa. Actually last month pa ata pero ngayon lang ako nakapag-update. Anyways here ya go.
-PrettySogui