Chapter 14: Subjects

38 0 1
                                    

Ashley's POV

Pinagpatuloy ko ang pag-iikot ko rito. I'm looking. Looking for info's that might help me with my mission.

I scanned the whole room and a frame caught my attention. I walked closer and held the edges of it. Sinubukan ko itong hilahin paharap at gumana naman. Para itong pinto at sa likod nito ay may isang pulang folder na nakadikit sa dingding. May kakapalan ito pero nakalubog ito sa may dingding kaya hindi halata na may nakatago sa likod ng painting kung titignan mo mula sa labas.

Maingat ko itong kinuha at inilabas. "What's that?" Rinig kong tanong ni Kurt.

Nag-shrug ako at sinimulang buksan ang folder. Sumalubong sa akin ang isang mahabang listhan ng pangalan ng ilang estudyante dito.

Sinimulan kong halungkatin ang laman ng folder at nanlaki na lang ang mga mata ko sa nakita. It's a record. Record of every student here in this university. Everyone's background is in this folder. What makes me confused are the marks on some papers. Some are red, and the others are either black or green. I scanned them once more and I gasped when I saw mine.

'Ashley Kim. Heiress of the Kim Industries as well as their mafia. An assassin hired to kill tons of people.'

There was more of me in this one sheet of paper. Even my lovelife is included in this piece of shit. And there's a black mark that says 'Pending' in the center of my picture.

I looked at the other pieces of paper and my eyes widened when I saw my brother's and cousin's profile.

Nabigla na lang ako nang may humablot ng mga papel na hawak ko. Nangunot ang noo niya habang binabasa ang nakasulat. "What the hell is this?" Gulat niyang tanong at naghalungkat na rin ng mga papel.

" I don't know. But one thing's for sure," tinigan ko siya sa mata. "We're human test subjects." Pinakita ko sa kaniya iyong unang papel na nakita ko.

Nakasulat dito ang ilang pangalan ng mga estudyante na sa tingin ko ay wala na rito dahil sa mga marka na kulay pula na nagsasabing,

'Test subject failed'

It seems to me that they are cooking up some drug in a laboratory inside this university. I wonder what kind of drug is it? And where is that laboratory located?

Biglang may nag-flash sa gilid ko at nakita ko na lang si Kurt na pinipicturan ang bawat papel. "What are you doing?"

Hindi niya ako nilingon, "Securing some information."

Napatango na ako at tumulong na rin sa kaniya. Hinati namin ito dahil hindi niya ito matatapos kung siya lang mag-isa. Napakarami kaya ng mga estudyante rito.

Saktong pagsara ko ng frame ay ang pagbukas ng pinto.

Iniluwa nito ang nurse kanina. May bitbit itong folder at medicine kit. Bumalik ako sa pwesto ko kanina, sa tabi ni Kurt na nakahiga na ulit sa kama.

Lumapit sa amin iyong nurse sa amin. "Okay na ba siya?"

Tumango ako, "So far medyo nawala na iyong pamamaga. Pwede na ba kaming bumalik sa dorm?"

"Sige, tapos na rin naman ang mga klase ngayong araw." Tumayo na si Kurt at nagpasalamat na kami sa Nurse.

Palabas na kami nang tawagin niya kamj ulit, "Siya nga pala Mister Meneses, pinapatawag ka ni Sir Erobos sa opisina niya."

Nakita ko ang pag-ngisi ni Kurt bago siya tumango at hinila ako palabas ng tuluyan.

"Mauna ka na sa dorm. May pupuntahan lang ako." Hindi ko alam kung ano yung pupuntahan niya pero tumango na lang ako.

Lumakad na ako papunta sa dorm namin ngunit napahinto ako ng makita ko si Tyler na naka-busangot habang naglalakad mag-isa. Pft. Ang pangit niya tignan.

"Hoy! Pinsan kong alien!" Tawag ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang umirap bago tumingin sa direksyon ko. "Anong kailangan mo tanda?" Ako naman ngayon ang napa-irap.

"Wala lang. Nagugutom ako. Tara kain!" Aya ko sa kaniya. Kanina pa kasi ako hindi kumakain at gutom na ako. Nagliwanag naman yung mukha niya nang marinig niya ang salitang 'kain'. Tsk.

"Wah! Sige tara kain." Sabi niya sabay takbo palapit sa akin at inakbayan ako. Napa-iling na lang ako sa kaniya. "Kaja!" [Trans: Let's go!]

Pumunta kami sa may mall dahil sawa na kami sa pagkain sa cafeteria. Medyo malayo iyong mall sa mismong university para maiwasan daw ang pagsi-skip ng classes ng mga estudyante. Pero I doubt that that will work.

"Saan mo gustong kumain? Libre ko." Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "Oh my god! Tyler ikaw ba iyan?!" Halos pahysterical na tanong ko sa kaniya. Bihira kasi siyang manlibre unless may nangyaring masama or maganda. Dati nga nilibre niya kami dahil lang sa kinausap siya ng crush niya noon. Pero base sa hitsura niya kanina nung nakita ko siya ay hindi maganda ang nangyari sa kaniya.

Nag-tsk naman siya, "Ayaw mo? Edi 'wag. Madali akong kausap tanda."

Napa-ayos ako ng tayo, "Eto naman. Hindi mabiro. Tara na nga." Nakangiting ani ko.

"Tss. Basta sa pagkain pinapakita mo yung totoo mong ugali, huh?" Napawi naman yung ngiti ko sa sinabi niya.

Pinalo ko yung braso niya sabay pout. "Susumbong kita kay Kuya E."

"Tss. Edi sumbong mo. Samahan pa kita eh." Sabi niya bago nagsimulang maglakad. Ngumuso na lang ako bago sumunod sa kaniya. Pumasok kami sa isang fast food chain.

Umupo kami sa isang table, "The usual?" tanong niya. Tumango ako. Madalas kasi kami kumain nitong pinsan ko dito kaya alam na niya ang palagi kong kinakain dito.

Tumayo na siya para umorder kaya tumingin tingin na lang ako sa labas. Dito kami pumesto ni Tyler sa may glass wall para madaling makita ang bawat galaw ng mga taong nakapaligid sa amin. 

Nakuha ng isang babaeng nakatingin sa direksiyon ko ang aking atensyon. Lumingon-lingon ako sa gilid ko dahil baka sakaling assumera lang ako pero sa akin talaga siya nakatingin. May lumapit naman sa kaniyang lalaki. Nakatalikod sa akin yung lalaki kaya hindi ko makita yung mukha niya pero parang nag-uusap silang dalawa nung babae.

Maya-maya pa ay nginisian ako nung babae sabay lakad nila paalis nung kasama niya. Saktong pagbaling ko naman ng tingin sa harap ko ay andun na si Tyler at inilalapag ang binili niyang pagkain.

-End of Chapter-

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon