Tyler's POV
Pinandilatan ko ng mata si Jennie nang nanatili lang siyang nakatayo sa isang tabi. Wala ba siyang gagawin? Nilalandi ng kaibigan niya yung pinsan ko, o!
Lalapitan ko na sana sila Ash nang bigla niya akong hilahin. Hinila niya ako palabas ng arcade at dinala sa isang ice cream parlor.
"Huwag mo na silang abalahin. Busy yung dalawa sa kalandian nila." Biglang sabi niya nang maka-upo kami sa isang table.
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Pero nagtaka ako nang bigla siyang tumayo. "Saan ka pupunta?"
"Mag-oorder," halos manigas naman ako sa sobrang cold ng boses niya.
Tumango na lang ako ulit. Maya-maya pa bumalik siya na may dalang dalawang cups ng ice cream.
"Wow, nag-abala ka pa. Thank you, ha!" Naka-ngiting sabi ko sa kaniya.
Walang emosyon niya naman ako tinignan, "Hindi para sa'yo 'yan kaya 'wag kang mag-feeling."
"Eh, para kanino 'yan?"
Nginitian niya ako, "Sa akin." Saka sumimangot ulit. Tsk. Ano ba 'yan! Hindi ba marunong ngumiti 'tong babae na ito? Lagi na lang siyang seryoso at emotionless. Malaki ba 'yong galit niya sa mundo kaya siya gan'yan? Psh.
"Nakaka-ngalay sa panga kapag laging naka-ngiti. At konti lang naman yung galit ko sa mundo." Nangunot naman ang noo ko dahil doon. Paano niya nalaman yung mga iniisip ko?
Nag-tsk naman siya bago magsalita ulit, "Sa susunod kasi hinaan mo yung boses mo, ha?" What? Ganon ba kalakas yung boses ko? Hindi naman ata.
"Eh, wala bang para sa akin?"
Tinignan niya ako na para bang galing ako sa ibang planeta, "First of all, hindi tayo close. At hindi ako basta basta nanlilibre. Second, may paa at kamay ka naman, kaya bakit hindi ikaw ang bumili? Ano pang silbi niyan? Display ganon? Third, nag-titipid ako. Simple as that." Halos mapa-irap naman ako sa sagot niya. Take note naka-bitch face pa siya habang sinasabi 'yon.
"Tss. Ang dami pang sinabi." Bulong ko sa sarili ko pero sa kasamaang palad ay narinig niya.
"You were the one asking questions. I jut answered them wholeheartedly." I swear I can sense sarcasm in her voice.
"Fine. Fine. Ako nang bibili ng para sa akin." Ngumuso na lang ako bago tumayo at pumunta sa may counter. Pinagtitinginan pa tuloy ako habang nakapila. Naks, iba talaga kapag gwapo.
"Bakit nga pala ang hilig mo sa ice cream?" Tanong ko sa kaniya nang makabalik ako sa table.
Tiningnan niya ako at mababakas mo sa mga mata niya ang sakit. Nag-hesitate pa siya kung sasabihin niya pero sa huli ay sinabi niya rin...
"I don't really know when and why I started liking ice cream. I just know that because of this one person, everything in my world turned upside down." Kung malamig ang tono ng pananalita niya kanina, may mas ilalamig pa pala 'yon.
-END OF POV-
Rose's POV
Tapos na ang mga classes kaya nag-lilibot na ako sa mall. Wala akong mahagilap ni isa sa mga pinsan ko kaya minabuti ko na lang na maglibot mag-isa. Pati nga yung mismong kapatid ko hindi ko mahanap eh!
Pumunta ako sa isang book store. Have I told you guys that I'm into books? I guess not. Well, now you know. Haha.
Hinanap ko yung romance section. Mahilig ako sa love stories eh. Nagbabasa din ako online pero iba pa rin kasi kapag may sarili kang copy ng book. Parang may fulfilment gano'n.