Tyler's POV (Eto yung nangyari nung lumabas sila Jennie ng cafeteria)
Nagtaka ako nang hilahin ako ni Jennie palabas. Kailangan nito?
Dinala niya ako sa may likod ng mga school buildings. Do'n ko lang din namalayan na nakasunod pala si Rose sa amin.
"Anong gagawin natin dito?" Wala kasing katao-tao dito. Oh no! Don't tell me...
"Waahh! Marami pa akong pangarap sa buhay please 'wag!" Sigaw ko saka tinakpan gamit ng kamay ko yung katawan ko.
Nakatanggap naman ako ng batok galing sa kanilang dalawa.
"Sira! Sinama mo pa ako sa kalandian niyo ni Jens." Taas kilay na sabi ng pinsan ko.
"Gago!" Sigaw naman ni Jennie sa kaniya. Binalingan ako ni Jennie at inabutan ng tubig. Hindi pa nga pala ako nakaka-inom. Kinuha ko na lang 'yon saka ininom. May tiwala naman ako sa kaniya na walang lason 'to.
"Anong kailangan niyo at dinala niyo pa ako rito?" Tanong ko pagkatapos kong uminom. Tiningnan naman ako ni Rose na para bang hindi siya makapaniwala.
"Don't tell me nakalimutan mo?!" Pasigaw na tanong ni Rose sa akin. Napatakip na lang ako sa tenga dahil sa lakas ng boses niya. Grabe maka-high pitch eh. Pwede na sa tawag ng tanghalan!
"Anong nakalimutan?" Takang tanong ko.
Marahas na napabuntong hininga si Rose bago inis na tumingin sa akin.
"You know what I mean." May pagkabanas na sabi niya. Ha? Hakdog!
Ano? Ah! 'Yon ba yung sinasabi nila? Bakit hindi nila sinabi agad?
Inilabas ko sa bulsa ko yung flash drive also known as 'usb' sa mga may hindi alam diyan at hinagis kay Rose.
"Ayan na. CCTV files ng mga hallways malapit sa mga Laboratory. Pero I doubt na may mahahanap kayo diyan."
Pina-hack kasi nila sa akin ang security systems ng university at pinakalap lahat ng CCTV videos malapit sa mga laboratory para raw makapag-imbestiga sila. Ewan ko lang kung may mahanap sila diyan. Parang napaka-obvious naman kasi no'n.
"Aba malay ko ba kay Ash. Alam mo naman 'yon." Sabi niya habang ibinubulsa ang flash drive.
Si Ash kasi ang nag-utos sa kanila tapos pinasa sa akin. Galing diba? Hindi naman ako maka-hindi kasi panigurado tigok ako sa kanilang dalawa.
"Sige una na ako nang makapag-solo naman kayong dalawa diyan. Ciao~" Eh? Anong makapag-solo?
Naweweirduhan kong tiningnan si Jennie at gano'n din ang tingin na ibinibigay niya sa akin.
"So," nag-iwas ako ng tingin. "Saan tayo?" Lakas loob kong tanong. Mukha naman kasing wala man siyang pakialam do'n sa ginawa ko kahapon. Ako lang ata ang nabobother do'n kaya bakit pa ako mahihiya?
Bored niya lang akong tiningnan, "Saan lang walang tayo."
"Ha?"
"Hakdog!" Sumilay ang isang pilyang ngiti sa mga labi niya bago maglakad palayo.
It took me a moment to realize what she said.
"What the heck?!" Nginisihan niya lang ako at nagsimula ng maglakad.
"Hoy! Seryoso kasi!" Sigaw ko saka humabol sa kaniya. Ang bilis niya maglakad grabe.
"Aba malay ko sa'yo." Irita niyang sagot sa akin. Well at least ay humahaba na yung mga pinagsasabi niya, diba? Pero kahit na! Hustisiya naman para sa akin! Masyado akong nabuburn! Andwae!
-END OF POV-
Rose's POV
Iniwan ko na yung dalawang 'yun dahil for sure ay maiipit lang ako sa sagutan nung mga 'yun. Hays, ayoko namang maging third wheel ano!
Yinakap ko ang sarili ko habang naglalakad. Ang creepy kasi ng daan dito sa likod ng mga buildings. Sabayan mo pa ng malakas na ihip ng hangin na hindi ko alam kung saan galing.
"Ang lamig naman!" Reklamo ko pero agad ding napahinto nang may marinig akong kaluskos. Parang may sumusunod sa akin.
Inilibot ko ang paningin ko at pinakiramdaman ang paligid.
"Hmph. Wala naman eh," bulong ko sa sarili ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
Napalingon ako sa gilid ko nang makarinig na naman ako ng kakaibang ingay. Sinundan ko kung saan 'yun nanggagaling at halos mapamura ako nang makita ko ang dahilan ng ingay na 'yon.
"Shit." Mahinang mura ko. Masyadong nakakapangilabot ang eksenang nasa harapan ko ngayon. Mas malala pa 'to sa tuwing nakikita ko si Ashley na pumapatay.
Nakatalikod sila sa akin pero sigurado ako sa nakikita ko.
May isang babaeng nakapatong sa lalaki na wala ng buhay. At batay sa nakikita ko ay kinakain niya ito. Puno ng malagkit na dugo ang damit ng babae na dumaloy sa lupa. Umaalingasaw ang matinding amoy ng dugo na sa tingin ko ay galing sa lalaki.
Umatras ako ng bahagya at kung minamalas ka nga naman, nakatapak pa ako ng sanga ng puno. Pigil ang hininga ko nang makita kong lumingon lingon ang babae sa paligid. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya.
Kulang na lang ay maging pula ang buong mukha niya dahil sa dugo na siguro ay galing mula sa lalaki. May tumutulo-tulo pang iilang patak ng dugo mula sa kaniyang bibig. At ang mga mata niya. Pawang isang pingpong ball dahil sa puti na lamang ang nakikita sa kaniyang mga mata. Nagsilabasan din ang mga asul na ugat sa kaniyang katawan.
Nanginginig na ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot, pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko at tumakbo. Para bang nakadikit ang mga paa ko sa lupa at ayaw akong paalisin. Mas kinilabutan ako nang tingnan ako ng babae. Tinagilid pa nito ang ulo niya na para bang sinusuri ako.
Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Hindi ako dapat matakot dahil isa akong assassin pero iba pa rin ang kabang nararamdaman ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko na para bang nakikipagkarera sa kabayo. Wala akong dalang kahit na anong aramas na siyang nagpadagdag sa kabang nadarama ko.
Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod at tinakpan din ang bibig ko.
"Shh. I'm here." Sabi nito at naglabas ng baril. Itinutok niya ito sa babae at agad pinaputukan.
Mukha namang nagalit ang babae dahil bigla na lamang itong tumakbo papalapit sa amin. Napakabilis niyang tumakbo kaya hindi ko maiiwasang hindi mapatili't mapapikit ng mariin.
"Fck." Narinig kong mura ng katabi ko bago pinaputukan ng maraming beses ang babae. Pagkatapos no'n ay agad niya na akong hinila palayo. Natulala ako sa mga nangyari kaya hindi ko na alam kung saan niya ako dinala.
Pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko. Inalalayan niya naman akong maupo sa bench.
"Hey, okay ka na?" Tanong niya. Nag-angat ako ng tingin para makita ko siya.
"Y-yeah. I think." Nahihirapang sagot ko. Hindi pa rin kumakalma ang pagpintig ng puso ko.
"Who—no! What was that creature? Bakit may ganong klase ng nilalang sa loob ng university?" Tanong ko sa kaniya. Naguguluhan ako.
Ang sabi ni Ashley ay naka-engkwentro na rin siya ng ganong uri ng nilalang pero ang sabi niya ay nasa labas lamang sila at pagala-gala. Kaya bakit may isang nakapasok sa loob kung nakasarado lahat ng pwedeng labasan at pasukan sa university na 'to?
"Mas mabuti kung wala kang alam dahil baka mapahamak ka lang. Hayaan mo na lang na sila Kurt at Ashley ang gumawa ng trabaho. Maski ako hindi ko pa alam ang tungkol sa mga iyon." Mababakas mo rin sa ekspresyon niya na maging siya ay naguguluhan.
Huminga ako ng malalim bago magsalita, "Salamat nga pala Marx."
"No prob." Sabi nito at ginulo pa ang buhok ko. "Basta mag-ingat ka na lang sa susunod."
-END OF CHAPTER-