Chapter 18: Kuto sa buhok ng Ilong

44 3 1
                                    

Soyeon's POV (Isa po siya sa mga O. G. >o<)

Papunta na ako ngayon sa cafeteria dahil lunch na. Gutom na ako eh. Hindi ko naman mahanap si Jennie Unnie. Iniwan ako. Pumunta ako sa room niya kanina pero sabi ng mga kaklase niya nauna na siya dito sa cafeteria.

Binuksan ko na yung pinto ng cafeteria at halos manginig ako dahil sa aura na bumabalot sa lugar na 'to.

Halos lahat ng estudyante dito sa loob ay nakatingin sa iisang table. Tumingin ako doon. Maingay yung table nila pero parang wala lang sa kanila.

Ang table nila Kurt at Ashley. Biglang umalis yung dalawa at lumabas kaya gumilid ako para hindi makaharang sa daan. Halos pigilan ko yung paghinga ko dahil sa kaba na hindi ko alam kung saan galing.

Ramdam ko ang kakaibang lakas ng bawat isang naka-upo doon. Nakakapanindig balahibo. Para silang mga demonyo na nagsasalo-salo. Mukha silang mga anghel dahil sa taglay nilang kagandahan at kagwapuhan pero, kapag kinalaban mo ang isa sa kanila, tigok ka na kinabukasan.

Napangisi ako. May mas malala pa pala sa amin.

-END OF POV-

Marx's POV

Naiirita na ako sa dalawang nasa harap ko. Kailan pa naging madaldal si Jennie? May himala bang nangyari at ganiyan siya?

"I know it's irritating so just shut up. Baka ikaw pa ang pagbalingan ng dalawa na 'yan" tiningnan ko yung katabi ko na Rose daw ang pangalan. Paano ko nalaman yung pangalan niya? We have our own ways. Nakita ko na rin kasi siya nung isang araw sa mall. Pinagbintangan pa nga akong stalker niyan eh! Hindi naman siya gano'n kagandahan! Ay wait. Mali.

Maganda nga siya. Sexy din siya. Pwede na siyang isa sa mga flings ko. Pero...

Nakakatakot yung kuya niya. Parang mangangain ng tao.

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kaniya. "Oh?"

"Soyeon!" Tawag ko sa kaniya pero nagtaka ako nang nanatili lang siyang nakatayo doon.

"Soyeon!?" Tawag ko ulit and this time tiningnan niya na ako. Pero nagtaka ako nang makita ang mga mata niya.

May kakaiba do'n pero hindi ko alam kung ano.

"She's scared." Biglang sabi ng katabi ko.

Nanatili lang akong nakatingin kay Soyeon na parang wala sa sarili.

"Why?"

"Look around. Everyone's looking at us. I bet she felt scared because of our presence that's dominating the atmosphere here. Imagine eleven demons eating together in a single table. It's like she just entered hell through those doors." Nakangisi niyang sabi.

Scary. Para siyang yung kuya niya. Wah ayoko na.

"Wala bang pantulak diyan?" Biglang sabi ni Samuel. Wala ba siyang biniling inumin? Nagulat na lang kami nang bigla siyang itulak ni Lalice at natawa sa histura niya. Napaupo kasi siya sa lapag at gusot na gusot yung mukha.

"Aray! Ba't mo ako tinulak?"

"Sabi mo pantulak! Oh ayan, tinulak na kita. Happy?" Umirap pa si Lalice no'n.

"Hahahaha. 'Nong ginagawa mo?" Nang-aasar na sabi ni Ethan kay Samuel. Natawa pa kami lalo dahil sa tonong ginamit niya. Ginaya niya yung lalaking nag-viral sa facebook dati. Hahaha.

(A/N: taray diba may facebook si Marx hahaha)

"Shut that filthy mouth of yours!" Gigil na sigaw ni Samuel. Ramdam naming lahat na galit na talaga siya kaya nanahimik na kaming lahat at nagpatuloy sa pagkain.

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon