Ashley's POV
Gusto kong matawa sa hitsura niya. Parang hindi sila sanay ah. Eh kung tutuusin mas marami ng napatay itong si Marx kaysa sa akin eh. Tsk.
"W-hat?" Seriously? Pati si Kurt?
Oh please! If I know parehas lang kami ng misyon. Tsk. Kaya nga siya nagtagal dito eh. Simpleng misyon hindi niya matapos-tapos.
Nagkibit-balikat na lang ako at tumayo. Pumunta na ako sa kwarto ko at humiga. Kahapon lang din binigay ni Kuya E yung misyon ko. What a coincidence diba? Who knew na yung papasukin kong school ang sunod kong misyon? Wala diba?
-END OF POV-
Kurt's POV
Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa pinto ng kwarto niya. Ina-absorb ko pa yung mga nangyari.
So ipinadala rin siya dito para pabagsakin itong eskwelahan na ito?
"U-uh mauuna na ako." Tumingin ako kay Marx na hanggang ngayon ay gulat pa rin sa mga nangyari katulad ko.
Tinanguan ko naman siya pero bago siya lumabas ay tinawag ko siya. "Marx," tumigil siya sa paglalakad at lumingon ulit sa akin. "Walang lalabas sa mga narinig mo, Arasso?" [Trans: Understand?] Matalim kong sabi sa kaniya. As much as possible ay kailangan maging low profile ni Ash. Mahihirapan siyang gumalaw pag-nagkataon.
Tumango siya at walang salitang lumabas ng dorm.
Naglakad-lakad ako habang nag-iisip. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makakakuha ng impormasyon tungkol doon. Kailangan kong malaman ang dulot nito sa tao lalo na't damay na si Ash dito.
Lumabas ako ng dorm at pumunta kay Jennie. Nakita ko siya sa may garden sa labas habang naka-harap sa laptop niya. Laptop na siya mismo ang nagdevelop.
"Any progress?" Agad kong tanong sa kaniya.
Umiling ito kaya naman nainis ako. We've been trying to hack the security systems of this school for almost two years now and yet we're still in square one. It seems that everyday their security becomes tighter.
"Find any help you can get. We need to find out what is that for." Sabi ko sa kaniya. Tumango siya pero bigla niyang sinarado ang laptop niya
"Someone's coming." I know. Tinanaw ko yung mga pigurang papalapit sa amin. Nasa harap ako ni Jennie habang nasa likod niya naman yung mga students na papalapit sa amin.
"They started to move, sir." Seryoso niyang ani. Ganyan naman siya palagi eh. Seryoso. Simula ng nakalimot siya — sila.
Bumuntong-hininga ako. "Just make sure to secure your rank." Simpleng wika ko. Inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ko at sumandal sa lamesang gawa sa bato.
Lumapit sila sa amin. Nagsalita yung parang leader nila. "Wow! It's one of those so-called damned 'Olympian gods'." I can sense the mockery in his tone. Tss. Tignan lang naten kung makapag-yayabang ka pa.
"F*** off." Cold na sabi ni Jennie. Nanatili lang akong nakatayo. Well that's what we always do. I sit while she plays around. Unless dehado na talaga siya doon pa lang ako gagalaw. But I doubt that will happen.
Nag-smirk siya. "Why don't you guys just surrender that rank of yours, huh? In that way no one will get—Ahh F***!"
Nanlaki ang mata ko ng biglang tumilapon yung lalaki palayo sa amin. Gulat akong napatingin kay—
"What the heck Ash?!"
She looked at me like I'm super dumb. "Seriously? A thank you is enough." Sabi niya at nag-flip hair. Napa-iling na lang ako dahil sa kayabangan niya.
Agad akong gumalaw para suntukin yung lalaking may dalang baseball bat na ipapalo sana kay Ash. Tumingin ako kay Ash at mukhang hindi niya iyon napansin dahil busy siya sa pakikipagsuntukan sa mga kasama nung lalaki. Aish. This girl!
-END OF POV-
Tyler's POV
Arghhh naiinip na ako. Kanina pa nagtuturo yung bakla naming teacher sa harap pero boring naman. Tumingin ako sa paligid at halos kalahati ng mga kaklase ko ay natutulog. Isama mo na diyan si Ash at Kurt na tulog na tulog. Tss. May pasa pa sa mukha yung dalawang yon. Napapa-isip tuloy ako kung anong ginawa nila kahapon pagkatapos nung orientation. *3*
Inilibot ko ulit yung paningin ko at napangiti na lang nang dumapo ang tingin ko sa bintana. Nasa third floor yung classroom namin. Hindi naman siya ganon kataas kaya pwede ko naman siguro siyang talunin diba?
Kinuha ko yung bag ko at pasimpleng binuksan yung bintana sabay talon. Nagulat na lang ako nung biglang may babaeng sumulpot kung saan at humarang sa lalandingan ko. Natumba tuloy ako sa kaniya.
Kumurap-kurap ako. Ang lapit ng mga mukha namin. Kitang-kita ko yung mga mata niya kahit na naka-salamin siya. Parang nakita ko na kung saan ang mga mata niya. Saan nga ba? Tumikhim ako at umalis sa ibabaw niya.
"Okay ka lang miss? Sorry " nahihiyang sabi ko habang inaalok siya ng tulong.
Nagtaka ako nung hindi siya gumalaw at tinitigan lang niya yung mukha ko. Oh! Parang familiar siya! Saan ko nga ba siya nakita?
Binawi ko na lang yung kamay kong nakalahad sa kaniya. Sinubukan ko ulit isipin kung saan ko siya nakita.
"Tae..." napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya iyon. Tae? Sino yon?
Ah alam ko na! Inisnap ko yung kamay ko ng maalala ko na siya. "Ikaw yon diba!"
Ngumiti siya. "N-na-aalala mo ako?"
Tumango-tango ako. "Oo. Ikaw yung babae kahapon diba? Yung isa sa mga O. G.? Jennifer Gomez ba?" Masiglang sabi ko pero mukhang nalungkot siya sa naging sagot ko.
"Ah. Oo ako yon." Bigla na lang siyang tumayo at naglakad. Doon ko pa lang narealize na nakaupo pala kami sa damuhan kanina.
Agad naman akong tumayo at sumunod sa kaniya. "Miss, Tyler nga pala." Sabi ko.
Tumingin siya sa akin saglit at tumango. Sumunod na lang ako sa kaniya dahil wala rin naman akong magawa.
"Bakit ka sumusunod?"
"Uhm wala kasi akong magawa eh. Boring masyado sa room namin." Naka-pout kong sabi.
Tumango naman siya sa sinabi ko at hindi na muling nagsalita. Pumunta kami sa may library. Naghanap siya ng mauupuan kaya sumunod ako ulit sa kaniya.
Umupo agad siya ng makahanap siya kaya umupo rin ako sa gilid niya. Napatingin naman siya sa akin na para bang tinatanong kung anong ginagawa ko pero nagkibit-balikat lang ako.
May inilabas siyang laptop at nagulat na lang ako sa nakita ko.
She's trying to hack the security systems of this university.
-END OF CHAPTER-
A/N:
Tae * Pronounced as Tae sa Taehyung. Hindi po siya Ta-e