Chapter 15: Very Happy

31 3 0
                                    

Ashley's POV

Tinignan ko kung ano iyong inorder ni Tyler at napangiti na lang. Chicken! Favourite ko kaya 'to!

"Saya mo ah?" Tumingin ako sa kaniya sabay thumbs up. "The best ka talaga insan!"

Nagkibit-balikat lang siya saka nagsimulang kumain. Burger at fries ang inorder niya para sa sarili niya. Paborito niya kasi iyon.

May nakita rin akong ice cream, "Oh? Sa akin ba itong ice cream? Bait mo talaga Ty." Nakangiting ani ko at aabutin na sana ang ice cream kaya lang ay pinalo niya ang kamay ko.

Dumaing naman ako saka siya tinignan ng masama. "Sa akin 'to." Seryosong wika niya.

"Edi sa'yo na!" Tsk. Bakit kailangan niya pa akong paluin? Naman oh! Ang highblood naman ng pinsan kong 'to ngayon!

Tsk. Kailan pa ba siya nahilig sa ice cream?

Pinanood ko lang siya habang tahimik niyang kinakain yung ice cream. Nakapagtataka talaga siya ngayon. Madalas kasi ay maingay itong lalaking 'to pero kabaliktaran ata ngayon. Hindi rin siya mahilig sa ice cream dahil masyado daw itong matamis at ayaw niya nito.

"Quit staring. It's rude." Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot muna kami sa mall.

"Saan tayo pupunta?" Familiar yung boses na iyon. Tumalikod ako at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Kurt na mukhang nagmamadali at kunot noong nakatingin sa akin at si Jennie na iritang irita habang naglalakad.

Hinawakan ni Kurt yung wrist ni Jennie at hinila siya, "Huwag ka na ngang magreklamo!"

Napa-irap na lang ako sa kanila. Tumingin ako kay Tyler. Nagtaka naman ako ng makita ko rin siyang nakatingin kila Kurt. Tinapik ko yung balikat niya kaya napatingin siya sa akin. Nginitian niya ako at nagsimula na kami ulit maglakad.

Pumunta kami sa isang arcade at sa puntong ito, alam ko na iisa lang ang nasa isip namin. Nagkatinginan kami at sabay na tumakbo papunta dun sa may basketball pagkatapos naming bumili ng token.

"Two days lunch, deal?" Pusta ko. Nginisian niya ako, "Make it three." Napangisi na lang rin ako.

Sabay naming pinasok yung token at nag shoot ng unang bola. Mas mabilis siyang kumilos kumpara sa akin pero hindi naman pasok lahat.

Palagi namin itong nilalaro sa tuwing pumupunta kami sa isang arcade. Nakasanayan na rin kasi namin. Dati kasi ay lagi kaming naglalaro ng basketball sa tinutuluyan namin noon. May mga kalaro kaming bata noon na kasing edad na namin siguro ngayon pero hindi ko na matandaan yung hitsura nila. Maski boses nila ay hindi ko na rin matandaan.

"I won." Nakangiting sabi niya. Ngumuso ako. "You owe me three meals, my dear cousin." May halong pang-iinis na dagdag niya.

Dumulas kasi yung huling bola ko kaya natalo ako. Dikit na kasi yung scores namin nung mga oras na patapos na ang game. Pero kung nai-shoot ko yung huling bola panigurado, panalo ako.

Parehas naming na-beat ang mga high scores sa mga ginamit naming machines pero parang wala lang sa amin iyon. Tumalikod na kami at maglalakad na sana kaya lang ay napa-atras kaming parehas sa sumalubong sa amin.

Ang dami na pala ng nanonood sa amin hindi namin namalayan. Sobra kasi kaming nag-focus sa laro kaya nakalimutan namin yung mga nasa paligid.

Naglaro na lang kami ng iba pang games dito at hindi namin namalayan ang oras. Pumunta na kami sa may counter para mapalitan na ang mga tickets na nakuha namin.

Halos mag-ningning naman ang mga mata ko nang may nakita akong Pikachu na mug.  May kasama rin siyang Super Mario na mug. What a weird combo, right? Pero kukunin ko pa rin! Pikachu yun pare!

"Miss yung mug yung kukunin ko," ngiting saad ko habang hindi inaalis doon ang tingin.

"Po? Pero hindi po sapat yung mga tickets niyo." Nawala ang ngiti sa mga labi ko at nanlulumong tumingin sa babae. "1031 lang po ang tickets niyo. 3500 naman po ang kailangan para sa mug." Dagdag niya pa.

Tumingin ako kay Tyler pero inilingan niya lang ako saka pinakita ang isang action figure. Yung one piece ba 'yon? Yung green ang buhok, Zoro ba? Ay ewan.

"Tara na lang. Laro pa tayo. Tapos bumalik na lang tayo, ha?" Pagcocomfort sa akin ng pinsan ko. Tumango na lang ako at lalakad na sana pero biglang may humarang sa akin. Tinulak niya ako ng mahina papunta sa counter at hinarangan gamit ang kamay niya. Lumingon ako sa kaliwa ko at nanlaki na lang  ang mga mata ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. I almost held my breath because of the nervousness he gives me.

"Kukunin namin yung mug Miss. Pakidagdag na lang ito," sabi niya at inabot sa babae yung mga tickets niya.

"Hm, 3000 po yung total ng tickets niyo at kung iaadd natin ang kay Ma'am ay magiging 4031. May iba pa po ba kayong gusto?" Napaharap ako agad sa babae.

"Meron pa ba kayong kahit anong Pikachu?"

Narinig ko ang pagtawa nitong lalaki sa gilid ko. "Sad to say Ma'am pero yung mugs lang po ang Pikachu namin dito. Meron po kami ng mga hello kitty, if you like?" Magalang na tanong nito.

"Ayoko sa mga pusa." Umirap pa ako saka naghanap sa mga display. Nakuha ng isang singsing ang atensyon ko. Stainless siya at yung mismong pabilog kung saan pinapasok yung daliri ay  may "beautiful" na word. Nakapaikot ito.

"Yun na lang kukunin namin Miss." Rinig kong sabi ni Kurt. Agad naman siyang sinunod ng babae. Binigay sa amin nung babae yung singsing pero nagtaka ako ng dalawa ang binigay niya.

"Miss sobra ata."

Nginitian niya ako, "Couple ring po yan Ma'am kaya tama lang po." Tiningnan ko yung isa pang singsing. Mas malaki siya at imbes na "beautiful" ay "handsome" ang nakalagay.

"Here." Nagulat ako nang biglang kunin ni Kurt ang kamay ko at sinuot yung singsing. "It fits perfectly." Ngumiti siya saka tumingin sa akin. Hinarap niya sa akin yung kamay niya. Alam ko na agad kung ano ang gusto niyang mangyari. Hay.

Bumuntong-hininga ako bago kinuha yung isa pang singsing saka sinuot sa kaniya. "There. Happy?"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Very!"

And there he goes again. I hate it when he smiles like that... It makes me fall, without me knowing.





But then...








It makes me realize...








This isn't right...





-END OF CHAPTER-

Thanatos University: Where you kill or get eaten aliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon