CHAPTER 1

840 6 0
                                    

"PUTI ba o PULA? Ano sa palagay m0?" hawak ni Slater ang mga r0sas sa magkabilang kamay niya.

"Tol." 'Tol ang tawag ni Carlo sa lahat ng kausap nito, mapalalaki,mapababae. "'Ke puti,pula,asul,kahit na itim, pare-parehong rosas 'yan. Dalian m0 na lang pumili at baka may makakita pa sa atin dito, matsismis pa tay0ng bakla."

Isinuot ni Carlo ang shades nito na parang nagtago sa mga tao. Subalit sa etsura ni Carlo, siguradong lahat ng makakita sa kanila ay makikilala ang makulit na bestfriend ni Slater.

Hindi na matandaan ni Slater kung kailan niya nakilala si Carlo. Bata pa lang kasi sila ay magkaibigan na. Sa katotohanan nga, mula ng maghiwalay ang mga magulang ni Carlo ay lalo silang nagkalapit."'Tol naman. This is important." Umikot pa muli si Slater sa loob ng flower shop upang tumingin ng iba pang bulaklak. Malapit na ang JS PROM at gusto niyang pormal na imbitahin si Darleen, girlfriend niya, para maging date sa espesyal na gabing ito.

Si Darleen Hoppkirk, fil-american. Dumating ito na parang bagyo sa eskwelahan nila, ng school year na iy0n. Yuko ang lahat sa kagandahan at kaseksihan ng dalaga. Kung tutuusin ay alangan ang dalaga sa lahat ng tao sa eskwelahan nila. Angat talaga ito sa iba.Nagmumukhan katulong ang sinumang tumabi ky Darleen lalo na kapag nakaladlad ang mahabang buhok nito na daig pa ang sampaguhta sa bango.

Maliban ky Christine Patrimonio na isang kilalang Tennis player at deans list ay wala ng nakakaangat sa ganda ni Darleen.

Hindi kataka-takang maging pinakapopular na estudyante si Darleen sa school. Kinaiinggitan ng mga babae at pinagpapantasyahan ng mga lalaki kilala din sa larangan ng pag rampa dahil isa itong ramp m0del. Noong una, akala niya ay popormahan ni Anthony , isa pang barkada ni Slater, si Darleen. Lahat ng babaing gustuhin ni Anthony ay nakukuha nito. Mabuti nalang at nanjan si Christine Patrimonio ang tanging babae na kinahihibangan ni Anthony hanggang ngay0n e barado pa rin sa dalaga.

Kaya hindi nag-aksaya ng panahon si Slater. Porma agad! Bagaman kabado siya noong una, sa tulong ni Carlo at ni Anthony, napasagot niya si Darleen.

Isa siya sa mga hinahangaang lalaki sa Campus dahil sa looks at pagiging matalino bilang siya ang nangungunang estudyante sa kors0ng Civil Engineering at di lingid sa mga estudyanting habulin rin siya ng mga babae gaya ng mga barkada niyang sila Carlo, Anthony at David.

"Bakit nga ba kita nasamahan pa rito?" tanong ni Carlo sabay tingin sa wristwatch, na galing din ky Slater.

"Makisama ka naman," sabi ni Slater sa matalik na kaibigan. " Pumili ka ng kulay. Pula ba o puti o dilaw o asul?"

"Bilhin mo lahat. Pagsama-samahin mo na lang."

"0o nga, ano? " sambit ni Slater

Maganda naman ang pagkakaayos ng saleslady. Ibinalot ito sa espesyal na papel at naningil na napakamahal. Hindi ininda ni Slater ang presyo. Hindi problema ang pera sa binata. Sustentado kasi siya ng mga magulang na nasa US na nakatira dahil sa mga negosy0 nila kaya mag-isa lang siya sa bahay na ipinangalan na sa kanya bilang regalo ng mga magulang dahil sa magandang perf0rmance sa school. Kaya si Carlo na tinuring niyang pamilya at inampun na din niya pinatira sa bahay para may kasama naman siya.

Ngay0n , inaalok siya ng magulang na sumun0d sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang kolehiyo. Noong una pinag íisipan niya ngunit ngay0ng nakatagpo siya ng babaing pag-aalayan ng kinabukasan, bakit pa siya aalis?

Naghiwalay sila ni Carlo matapos manggaling sa flower shop. Lumakad si Slater papunta sa kanyang itim na motor, Harley Davidson. Siya lang ang nagmumotor sa buong Campus ng HARLEY DAVIDSON. Nakakadagdag pa ito sa kanyang appeal. Mayroon din siyang kotse ngunit bihira niyang gamitin, Honda Civic at BMW.

PUSTAHAN (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon