Nagretouch at nag-ayos ng buhok si Christine pagkatapos ay dali-dali lumabas na ng CR at tinahak ang daan pabalik sa pwesto nila ng makita niya si Slater na nakatingin sa kanya. Pero di na niya pinansin at baka assumera lang siya kaya dumiretso ng lakad at naupo sa tabi ng kaibigang si Jessica na kausap naman si Jerico.
"Hey i'm back bff! Saan si Pamu?" -Christine
Nandun sa dancefloor hataw kung hataw parang wala ng bukas. Bakit ngayon ka lang Tin? Ang tagal mo ahh, ano bang meron sa CR?haha" -Jessica
"Madami gumagamit e" tipid na sagot ni Christine.
Nakakailang bote ng beer na si Slater ng bumalik si Anthony sa table nila.
"Oi bro, okay ka lang? Sino tinitingnan mo jan?" ani Anthony sabay sinundan ang tingin ni Slater .
Nakilala ni Anthony kung sino ang nasa kabilang table kaya't agad agad na nilapitan ito.
"Wait bro kilala ko yan eh. Puntahan ko lang ah." dali-daling naglakad at binati ang kabilang group.
"cge" ang tanging lumabas sa bibig ni Slater at nilagok na ang natitirang laman ng beer.
"Hi Christine, Jess!"
"Hello!" sabay na bati ng mag bff.
"Ang swerte ko ahh,"
"Swerte? Bakit?"
"kasi nandito ka. Nagmamadali ka kasi kanina kaya't di na tayo nakapag-usap"
"ahh,'yon ba? Hehe. Oh sige simulan mo na magkwento ng may mapag-usapan tayo." natatawa si Christine sa binata kasi magaling umarte eh alam niya naman at kilala niya ito sa pagiging babaero.
"Nagustuhan mo ba yong bigay ko sayo?" ani Anthony.
"ahh yon ba? Oo salamat ahh masarap daw e sabi nila Pamu.. Nga pala bakit ka ba bigay ng bigay ng mga ganun sakin?"
"Gusto ko lang. Normal lang naman na magbigay ako sa taong gusto ko diba?"
"Kasi Anthony friends lang talaga eh. Ayaw kitang paasahin lalo na kung alam ko naman sa sarili kong wala kang aasahan." ani Christine.
"So basted pala ako nito Christine?" nahihiyang tanong ni Anthony.
"Gwapo ka at mabait Anthony mas maraming babae na magkakandarapa sayo. Wag ka masiyadong seryoso jan. Ikaw pa e chickboy ka." nakasmile na turan ni Christine.
"Hehe.. Thank you Christine. Sige balikan ko lang bro ko sa table namin. Enjoy your night ladies.!" ani Anthony na nagawa pang mag smile sa dalaga.
"Oh Anthony anyareee sayo? Busangot ka jan. Badtrip ba?" ani Carlo nakababalik lang sa table nila.
"Wala naman. Walang mapagtripan e." ani Anthony at napatingin sa kaibigang si Slater.
Sinundan naman ito ni Carlo "Slater! Tol type mo? Mukhang di matanggal titig mo sa magandang chick na yun ahh!"
"Baliw ka Carlo anong titig pinagsasabi mo jan?" ani Slater
"oo nga eh pansin ko dito sa kaibigan natin kanina pa nakatingin ky Christine. Ligawan mo bro." turan ni Anthony na medjo pikon pa sa pangbabasted sa kanya ng dalaga.
"Oo nga Tol! Pustahan tayo di mo yan mapapasagot! Hahaha" sabi ng natatawang si Carlo
"Pag yan napasagot mo Tol. Lahat ng iutos mo susundin ko sa loob ng isang linggo.hahaha" pahabol ni Carlo.
"Magsitigil nga kayo. Uwi na ako. Nakalimutan ko wala pala si manang sa bahay ngayon nagleave. Ikaw Carlo kina Anthony kana muna umuwi at gusto ko masolo ang bahay." natatawang turan ni Slater.
"Sige bro ingat sa pagdadrive at nakainum ka." ani Anthony.
"0o sige, bye!"-Slater.
"Pinauuwi na ako nila mama, Jess importante daw. Sabihin mo nalang kina Pamu nauna na ako ah." ani Christine.
"Wala kang sasakyan. Tawagin ko si echo para sabay na tayong lahat umuwi." -Jessica
"No, don't bother i'll just take a cab. Wag mo na din ako ihatid sa labas i know my way out Jess." may ngiti sa mga labing sabi ni Christine sa kaibigan.
"You sure?" nagaalalang tanong ni Jessica.
"Oo. Sige alis na ako. Enjoy the night! Bye!" ani Christine at tinungo na ang daan palabas.
Walang makuhang taxi si Christine sa labas ng bar kaya't naglakad-lakad siya nagbabakasakaling mayroon siyang makuha sa unahan medjo madami na din kc nag aantay sa pwesto niya.
Nang bigla may lumapit na dalawang lalaki sa kanya "Hi miss pwede makipagkilala?" ani ng isang lalaki at hinawakan siya sa kamay na agad naman niyang tinampal.
"aba lumala..." hindi na natapos nung isang lalaki ang sasabihin ng may humatak ky Christine "Halika na, isuot mo ang helmet at sakay ka." madiing sabi ng lalaki na ikinatalima naman ni Christine at agad sumakay sa motor.
"Ano bang ginagawa mo sa lugar na yun ng mag-isa?"
"Nag aabang ng taxi."
"Buti nalang pala at napadaan ako dun."
"oo nga eh. Salamat kung di dahil sayo baka kung napano na ako."
"Ihatid na kita sa inyo."
"Salamat ulit Slater." sabi ni Christine ng nasa tapat na sila ng bahay nila.
At nag paalam na si Slater "Sige, uwi na ako Christine. Goodnight!"
"Thanks Slater, goodnight din. Ingat sa pagdadrive!"