Maagang nagising si Christine.
Bumangon na si Christine sa pagkakahiga sa kama at nag inat inat. Pagkatapos mag inat ay tinungo ang CR para maghilamos at magsipilyo. Pagkalabas ng CR ay bumaba na para mag almusal at saka dali-dali pumanhik ng kwarto para mag-ayos para makapunta na ng school at may practice pa ng tennis.
Kadarating lang ni Slater sa Campus ng may biglang umabresiete sa kanya.
"Good m0rning Slater! Ba't bigla kang nawala kagabi?"
"Sumama pakiramdam ko e. Sorry di na ako nakapagpaalam ng personal sa inyo."
"0kay lang yun. Tara punta na tayo sa classroom."
"Ah Deniesse mauna kana maaga pa naman eh, may daanan muna ako."
"ahh okay." tipid na sagot ng naiinis na dalaga.
Nasa locker room si Christine kakatapos niya lang magpalit ng damit, tapos na practice niya ng tennis ng makaramdam siya ng gutom at mapagdesisyonang pumunta ng canteen para kumain.
Naka0rder na ng food si Christine at naghanap ng magandang pwesto ng biglang may lumapit sa kanyang lalaki.
"Pwede makishare sa table?"
"oh Slater, upo ka." masiglang paanyaya ng dalaga.
"Thanks ah.. Ang aga naman ng lunch mo.?"
"Kakatapos ko lang kasi magtennis nagutom ako kaya heto tayo ngay0n kumakain..hehe ikaw? Ano nga pala ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?"
"Meron pero my 30mins pa ako bago magstart yun."
Biglang katahimikan
At biglang binasag ni Slater.
"ahh Christine, ..." hindi matuloy-tuloy ni Slater ang sasabihin.
"Ano?" ani Christine
"hmmm. May gagawin ka ba tonight? Baka puwede kang imbitahang magdinner or?" lakas loob na pagaya ni Slater.
"Ahh wala naman.. Sige what time ba? Total Saturday naman na bukas."
"Talaga? Thanks! Kita tayo after class hintayin kita sa parking lot."
Tapos na kumain si Christine.
"May pasok pa ako. Mauna na 'ko sayo Slater kita nalang tayo later." nakangiting sabi ni Christine
"Hatid na kita Christine." at sinabayan sa paglalakad si Christine.
Sa harap ng Classroom nila Christine.
"Sige thank you Slater pasok na ako"
"Sige Christine see you later. Hintayin kita dun ahh."
"0o na..hehe"
Pumasok na si Christine at naupo sa tabi ng mga matalik na kaibigang Pamu at Jessiba.
"Wow huh! Ano yun Tin?" ani Pamu.
"Yung alin?" nagtatakang sabi ni Christine.
"Bakit mo kasama si Slater? Hinatid ka niya?" ani Jessica.
"Nagkasabay lang kami. At nagtanong ng direksyon." pagsisinungaling ni Christine.
"Asuuss maniwala kami sayo!" birong sabi ni Pamu.
"E di wag kayo maniwala. As if naman pipilitin ko kayo noh! Hahaha"
Sa kabilang Classroom.
"Oh Tol san ka galing?" -Carlo.
"Sa canteen."-Slater.
"Ano ginawa mo dun?" ani Carlo at Anthony.
"E ano ba ginagawa sa canteen? Kumain syempre! Naglaro kana ba ng basketball sa canteen? Malling nagawa niyo na?" sarkastikong saad ni Slater.
"Nagtatanong lang Tol wag kang Hot! Hahaha" natatawang turan nila Carlo at Anthony.
"hahaha mga sira! Wag na nga kayo magulo at anjan na prof natin." ani Slatin.
After Class*
Around 6pm ng mapaalam si Christine sa mga kaibigan na kasalukuyang tinatapos ang rep0rt sa loob ng classroom..
"Tapos kana?" ani Pamu
"Oo, mauna na ako sa inyo ahh may lakad pa ako e." ani Christine.
"Okay. Take care bff. Txt us when you get home ah." -Jessica.
"Oo. Cge txt txt nalang. Bye girls love you!" at umalis na si Christine.
Dumaan muna ng CR si Christine para tingnan ang sarili pagkatapos ay diretso na siya sa usapan nila ni Slater.
Sa parking lot.
Nakasandig si Slater sa pinto ng kotse niya ng makitang papalabas ng building ang kanyang hinihintay.
"Hi Christine!" nakangiting bati ni Slater sa dalaga.
"Hello!" nakangiti din ang dalaga.
"Akala ko di kana darating.hehe" ani Slater habang binubuksan ang harapang pinto ng kotse para sa dalaga.
"Ganun? Haha Thank you!"
Sumakay na din si Slater at pinaandar na ang kotse.