CHAPTER 2

598 5 3
                                    

"Hindi! Hindi pweding iwan na lang natin ng ganito ito. Kung gusto mong tapusin ngayon, huwag mo akong paalisin ng walang dahilan." -Slater

"Ayokong saktan ka," mahinang sagot ni Darleen.

Ginawa mo na. Congratulations, gustong. .isagot ni Slater pero iba ang lumabas. " May iba?"

Gustong sakalin ni Slater si Darleen. Kung papalitan din lang siya nito, dapat lang mas higit sa kanya pero sino ba sa buong eskwelahan ang pweding humigit sa kanya na wala pang girlfriend. Hindi ba nakikita ni Darleen kung sino ang kaharap niya, si Slater ito. Slater Young! Siya na isang Hot shot , engineering student , matalino at pinagpapantasyahan ng mga babae at narito ang isang nilalang na mula sa kung saang lupalop ng Guam, ipinagpalit siya sa kung sinong Ponchio Pilato?

"Sino?" sinusubukan ni Slater na hindi sumigaw sa galit na nararamdaman sa kaharap.

"Jome Deyobalo."-Darleen

"Sino 'yon?"-Slater

"Si Jome Deyobalo hindi mo kilala!?"-Darleen

Sa tono ni Darleen, pakiramdam ni Slater ay dapat siyang bitayin dahil hindi niya kilala ang isang Jome Dey....kung sino man iyon. Nag-isip si Slater. Saan nga ba niya narinig ang pangalang iyon?

"Si Jome Diablo?!"-Slater

"Deyobalo!"- Darleen

"'Yong Artista?"-Slater

Ngumiti si Darleen na parang nagmamalaki. Sa kabila ng galit at sakit na nararamdaman, parang gusto niyang tumawa. "Susme! Bold star 'yon, ah!"-Slater

"Excuse me, hindi siya bold star, sexy star. Stepping stone lang iyon para mapansin ang talent niya."- Darleen

Tuluyang gumuho ang pagkakilala ni Slater sa babaing galing ng ibang bansa. Akala niya mas matatalino ito kumpara sa mga babaing sa Pilipinas lumaki dahil mas mabilis ang pamumuhay sa Estados Unidos. Wala pala iyon sa kung saan lumaki, natural yatang may mga taong pinanganak na mas kulot ang utak kaysa iba. Ang hindi matanggap ni Slater ay nagmahal siya ng babaing wala yatang katinuan sa utak.

"Liwanagin lang natin ito," sambit ni Slater,"Mabait ako, magalang, mapagbigay, iginalang kita at lagi akong nasa tabi mo kapag kailangan mo ako. Pero makikipaghiwalay ka sa akin dahil artista siya. Bold star at ako hindi."-Slater

"Importante sa akin iyon, eh. Huwag kang magagalit pero mas malayo na ang narating sa iyo ni Jome."

Umakyat lahat ng dugo ni Slater sa ulo niya.

"Ang babaw mo."- Slater

"Anong sinabi mo?"-Darleen

"Sige, sabihin mo sa akin na hindi ito ang pinakamababaw na desisyong ginawa mo sa buhay mo."-Slater

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Bihirang dumating sa buhay ko ang ganitong pagkakataon. Noong nasa Guam pa ako, walang pumapansin sa akin, dito lang naman ako napapansin ng mga lalaki. Si Jome, nabibigyan niya ako ng lahat ng gusto ko."

Gustong sumabog ni Slater sa naririnig. Hindi niya minsan man naisip na ito pala ang tunay na kulay ng babaing minahal. Walang lalim. Ngayon ay maliwanag na maliwanag na ang lahat. Ang importante lang kay Darleen ay ang mababaw na bagay. Kaya siya ang pinatulan nito ay dahil sikat siya sa eskwelahan.

Nagustuhan lang siya ni Darleen dahil gwapo siya, mayaman, matalino pero ngayon ay nakakita ito ng isang lalaking mas "higit" kay Slater kaya parang basurang itinatapon ng babae ang lahat ng pagmamahal na ibinigay niya. Ang pinakamasakit nito, alam niyang sa kabila ng lahat, ni minsan ay hindi siya minahal nito. Pitong buwan din siyang nagpaloko. Ilang tao kaya ang magtatawa sa likuran niya ngayon?

"Sana maging masaya ka sa napakatalinong desisyon mo. Panatilihin mo ang magandang ugali mo. Uunlad ka niyan. Goodbye."- Slater

Halos umapoy si Slater sa galit. Hindi niya lubos maisip na ilang sandali lang ang nakakaraan ay hindi magkandatuto sa pamimili ng bulaklak na ibibigay kay Darleen. Pati bestfriend niya ay inabala niya. Pero wala na lahat, parang bulang naglaho ang kanilang pinagsamahan. Tapos na lahat, ayaw na niya. Hindi na muling mangyayari ito.

Nakarating si Slater sa motor niya. Ni hindi maisuot ni Slater ang susi ng motor. Ilang beses itong nalaglag. Nanginginig ang buong katawan niya at mainit na mainit. Umalog ang buong motor. Ngayon lang naramdaman ni Slater ang ganito. Daig pa niya ang namatayan. Para siyang ipinagkanulo ni Judas. Parang binubutas ang dibdib niya at dinudukot ang puso niya. Ibinasura siya ni Darleen. Wala na siyang kabuluhan sa likod ng klase. Wala na siyang kasamang lalabas tuwing biyernes. Wala nang tatawag sa kanya bago siya matulog sa gabi. Wala ng hahalik sa kanya pagdating niya sa eskwelahan sa umaga.

Habang nakaupo si Slater sa motor ay sinisisi niya ang sarili sa katangahan. Siguro ay hindi nga siya minahal ni Darleen. Masakit mang aminin, ginamit lang siya ng dalaga. Hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi niya nahalata ito kahit minsan. Nagpabulag siya sa isang babaing walang kakwenta-kwenta.

Isa itong masamang panaginip. Isang bangungot na nagkakatotoo.

PUSTAHAN (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon