Aray! ano ba yan?! Nang-aapak ka naman ehh-- birong kantiyaw ni Tin ky Slater.
Tintin naman eh, alam mo naman di ako magaling sumayaw ehh.
Hala! Malay ko bang di ka marunong sumayaw, noh! Eh kung alam ko lang di na sana kita sinagot at boyfriend ngayon. hahahah-- pagbibiro ulit ng dalaga na ikinasimangot naman ni Slater.
Grabeh ka Tintin, ayaw mo na sa akin dahil hindi ako marunong sumayaw? ganun ba yun?- nagtatampong tanong ni Slater.
OO! hahahha --natatawang sagot ni Tin na biglang nahinto sa pagtawa pagkakita sa binatang nalungkot. " Joke lang! Ano ka ba?! hahah , Halika na nga balik na tayo sa mesa at baka mamatay pa lahat ng kuko ko kakaapak mo. hahah '" pahabol na biro ni Tin at kinindatan si Slater sabay hatak sa kamay nito.
Tintin talaga. -nangingiting sabi nalang ni Slater.
Oi! Ang bilis niyo naman, di manlang kayo pinagpawisan dun sa dance floor kaloka kayo!-kantiyaw ni Pamu kela Tin at Slater na ginatungan namna ni Tin.
Oo nga ehh! Kawawa naman kasi mga kuko ko baka paglamayan. Sobrang galing sumayaw ng partner ko eh.
Grabeh ! Nag salita ang magaling!- Bawi naman ni Slater na ikinatawa nilang lahat.
Jess and Pamu punta muna tayo sa washroom. Retouch retouch lang.-ani Tin sa mga kaibigan.
Tara!-sabay na sagot nila Pamu at Jessica na ikinalingon naman ni Slater.
Anong tara?
Punta muna kaming washroom at baka wasted na mga etchura namin, mahirap na at baka may poging dumaan.--biro ni Pamu.
Ahh, oo balik kami agad Slater. Dito ka lang be good at wag ka masiyado mag-iinum, k?-sabat naman ni Tin.
Okay, bilisan niyo ahh? -ani Slater.
Jess sa washroom kayo pumunta ahh sa washroom?-- pahabol na bilin ni Jerico sa mga dalaga.
Oho tang sa washroom ho ang tungo namin at wala naman po ditong mall para mag window shopping.-korning banat ni Pamu na ikinatawa naman ni Kevin na sobrang babaw ng kaligayahan.
Naiwan sila Slater, Kevin at Jerico sa mesa nila nang biglang may lumapit sa kanila.
Hi guys!-sabay-sabay na bati ng malalanding dalaga.
Oh hi ladies!-bati naman ng mga binata.
Where are your dates?-tanong ng matangkad na babae.
Nagpunta sa washroom.-tipid na sagot ni Slater.
ohh, i see, paupo ha?-sabi ni Deniesse na naupo na sa tabi ni Slater.
Nabigla si Slater sa ginawa ng kanyang kakalasi kaya't bigla siyang napa-usog sa dulo.
Ohh bakit ka lumalayo Slater? Mabaho ba ako? Grabe ka ah!--pagpapacute ni Deniesse.
Ahh mainit kasi eh, nakainum na ata kayo ahh.
Konti lang.-tipid na sagot ni Deniesse na bigla na naman umusog at inaya ang isa pa nilang kaibigan na si Kylie.
Baks Dito ka maupo ohh .-turo ni Deniesse sa tabi niya at umusog pa lalo sa Tabi ni Slater.
Asan nga pala si Carlo?--tanong ni Wendy na nakatingin ky Slater.
Nandito na yun for sure, baka kasama ni Yayey.-ani Slater.
Sinong Yayey?-nagtatakang balik tanong ni Wendy.
Date niya.-tipid na sagot ni Slater.
Pabalik na sila Tin sa pinag iwanan nila sa mga kadate ng may mapansin silang mga babae na nakitable kela Slater , at nainis na naman si Tin dahil nakilala niya yung babaeng katabi ni Slater.
Aba, at ang landi talaga ng isang yun ohh, sa Slater ko pa talaga tumabi ahh.
May sinasabi ka Tin?-tanong ni Jessica sa kaibigan.
Ahhh kaya naman pala may mga mahaharot na babae sa table natin Jess look ohh--sabat naman ni Pamu.
Who are they?-tanong ni Jessica.
Alam ko classmate ni Slater yung Matangkad at yung babaeng katabi niya.-sabi naman ni Pamu.
Familiar saakin ang mga yan, hmmm.. let me think!.... ayy Alam ko na. Friends yan ng ex-gf ng Slater mo sis!-ani Jessica sa kaibigang si Tin.
Talaga? di ko sila nakikitang magkasama ahh.-tanging nasabi ni Tin.
I think sa mga gimik magkakasama sila.-Sabat ni Pamu.
Hmmmm..Whatever! Tara girls , puntahan na natin at baka kung ano pa gawin ng mga yan. --pag-aaya ni Tin sa mga kaibigan.
Uhmmmm! Excuse us, Table ba namin to?-sarkastikang tanong ni Tin.
Oh Tintin jan na pala kayo-Biglang tayo ni Slater at agad na nilapitan at inakbayan ang girlfriend.
Oo dito na kami.-pagtataray ni Tin.
Ahh, girls si Christine Patrimonio girlfriend ko.-proud bf lang ang peg ni SLater habang ipinakikilala ang nobya. "at sila Pamu at Jessica mga friends niya date nila Kevin at Jerico".
Ohh Hi!-maarting sabi ni Deniesse pero di pa rin umaalis sa pagkakaupo.
Ahh, wala ba kayong sariling mesa?--pagtatanong ni Pamu kela Deniesse.
Ohh, Sorry sa inyo nga pala to. Sigee Slater alis na kami balik na kami dun, nice meeting you Christne ,enjoy the night! --ani Deniesse na halatang nang-iinis ky Tin at umalis na.