"Miss, pwede bang ma-interview ka lang saglit?" Sabi nung isang babae.
"Tungkol saan naman yang interview niyo?" Sagot ko.
"Ahh tutal malapit na po ang valentines day, kaya tungkol po ito sa pag-ibig." Ngiting sabi naman nung isang babae.
"Ahh tungkol dun? Wag na lang ako, sige bye." Sabi ko naman.
Eh? Echos mo teh! Tapos na valentines noh! Tsaka yun lang naman pala. Eh sakit lang naman yun sa ulo eh. Psh!
"Uy Yannie! Ang kj naman neto! Sige na, interview lang naman eh." Naka-ngusong niyang sabi.
Siya si Nikka Jane Santiago, kaibigan ko since grade 1. Bestfriend na nga kung tutuusin. Classmate kami nung mga panahon na yun. Ako pasaway tapos siya naman e, medyo tahimik. Kaya inaasar ko siya nun, asar talo nga yun e. Pero nang dahil dun naging close naman kami. Weird nga e. Naiinis siya sakin nun pero kinaibigan nya pa rin ako. Kaya eto, hanggang ngayon classmate pa rin kami. Since elementary pinipilit namin yung mga magulang namin na maging magkaklase kami. And boom! Partners in crime na kami. Hahahaha
"E ano naman sasabihin ko, aber?" Sagot ko.
Ako nga pala si Vanilla Yannie Salazar, 4th year student parehas kami ni Niks. Normal na babae lang ako, ayoko yung madami achuchuchu sa katawan sagabal lang yun e. Sabi nila para daw akong tomboy, pero promise. Hindi ako tomboy noh. Mas feel ko lang kasi kumilos ng walang poise, komportable ako.
"Edi kung ano ano lang, sige na Vanilla Yannie." Panunuhol nitong babaitang 'to!
"Ok, sige na nga."
"Talaga po? Salamat." Ngiting sagot naman nila.
Ok na rin siguro to, atleast may naitulong ako para sa kinabukasan nila diba? KPAYN!
"Ok po, start na. Ahm, ano po para sa inyo ang love?" Nakangiting tanong niya.
"Love? Yang love na yan, masyadong komplikado. Sakit lang yan sa ulo, madaming bawal, tapos dapat ganito ganyan ka sa kanya. At sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ng true love." Sagot ko.
Nagulat naman si ate sa sagot ko. E sabi ko naman kasi sa kanila wag na lang ako eh. Kulit kasi. Yan tuloy.
"A-ahh, thank you po." Nag-aalangang ngumiti si ateng. At umalis na agad sila.
"Uy Yannie, parang ang bitter mo dun sa sagot mo. May pinaghuhugutan?" Sabi niya.
"Bitter? Ako? Bakit naman ako magiging bitter? E yun naman talaga ibig sabihin ng love sakin eh. Alangan namang sabihin kong love is chuva chenes, love is kemberlu, love is gold."
"Love is gold?! Hahahah. Ang galing mo talaga magpatawa Yannie! Da best ka." Halos mamatay na siya kakatawa. Baka matuluyan na yan. Joke!
"Yan! Mahilig kana naman mangorrect. Grabe ka talaga! Masyado ka rin eh. Akala mo perfect, di naman."
"Hala, ako pa? E mali ka naman talaga e."
"Hindi rin. Masyado ka lang nagpapaka-perfect. Masyado mo na kong minamaliit yan. Akala mo kung sino ka." sabi ko. Hahaha. Ang sarap magtripan nito.
"Aba kung makapag-salita ka, kala mo ikaw rin kaya. Mas malala ka nga e!" inis niyang sagot.
Iniinis ko lang siya ng ininis hanggang sumabog siya. Tapos na ang klase namin kanina pa, kaya dumaan muna kami sa locker tapos iniwan ko na yung libro ko dun. Meron din naman akong kopya nun sa bahay.
Palabas na kami ng gate nang may sumagi kay Niks, kaya napalingon ako. Aba ang loka! Nakipag-titigan session dun sa lalaki. Ano yun, paunahan silang matunaw na dalawa?
BINABASA MO ANG
May Secret Admirer Ako?!
HumorPaano kung magkaroon ng secret admirer ang isang hindi typical na babae? Yung tipong hindi mahilig sa mga patweetums at sabi ng iba, parang boyish daw kung umasta. Sino naman kaya itong matapang na ginoo na ito? And take note! Hindi lang isa ang se...