BRIX POV
Wow! may POV pala ako.
Oh siya, kilala niyo naman na siguro ako diba? Aba kung hindi, magbasa ka ulit mula simula.
(kissline: Hoy sira ulo ka! umayos ayos ka nga! Baka tanggalin kita dito.)
Hehehe, joke lang naman ^_^v
Lumipat kami ng school ni Johan kasi nagsawa na kami dun sa school namin. Masyadong boooooooring. Matagal na kaming magbarkada ni Johan, actually lima kami e. Ewan ko kung anong nangyari dun sa tatlo. At syempre ako pinakagwapo saming lahat.
Di naman talaga ako tahimik e, asa naman kayong tahimik ako. Badtrip kasi ako nung araw na yun, ewan ko kung bakit.
Alam niyo yung Epal na yun, kilala niyo nman siguro siya diba? Trip ko siya. Hoy! Baka kung anong iniisip niyo diyan ah. Hindi yung trip na gusto, palaban kasi siya e. Kaya ang sarap niyang asarin. Nakakatuwa siya. Nakaka challenge, kumabaga.
Sige na, tama na yung kwento ko.
Magpapagwapo pa ako eh. *wink*
VANILLA'S POV
Maaga akong gumising dahil naalimpungatan ako. Nung sinubukan kong matulog ulit, hindi na talaga ako makatulog kaya bumaba na lang ako.
Naabutan ko sila Manang na naghahanda na ng almusal kaya tinulungan ko na sila.
"Good morning po." Bati ko sa knila.
"Magandang umaga, iha." Ngiting bati ni manang.
Kumain na agad ako tapos niyaya ko na rin muna silang kumain. Para naman masaya.
Pagkatapos kong kumain, naisipan kong umakyat muna sa kwarto ko.
Binasa ko muna yung mga notes ko. Masipag naman ako kahit papaano noh. Hahaha.
Habang nagbabasa ako, bigla may kumatok kaya binuksan ko.
"Iha, may nag-iwan na naman sa labas. Mukhang wala talagang balak magpakita yun. Tsk tsk." sabi ni manang. Pati siya nai-stress na rin dun sa 'admirer' ko. E pano pa kaya ako?
"Ahh salamat po." sabi ko sabay sarado nang pinto.
Kinuha ko yung letter.
to: vanilla yannie
kapag nakakuha na ako ng pagkakataon, magpapakita na ko sayo ♥
E bakit niya pa kailangan sabihin? Dapat magpakita na agad siya para siyang duwag e. Ewan ko sa kanya!
Tapos nung binuksan ko na yung regalo.
Isang unan sya tapos may smiling face.
Hays nakakapagod na rin yung ganito. Ano tingin nila sakin, materialistic na tao?
Kaya iniwan ko na lang yung regalo tapos bumaba na ko. At sakto naman ding pagbaba ni mama.
"Ma, may regalo na naman."
"Nako nak! Sanay na ako." Sabay subo nung kinakain nya. Ay ganun?
Sinabayan ko na lang ulit kumain si mama, nagutom ako kakaisip dun sa admirer na yun.
Tapos pumasok na ko ng school.
Pagkadating ko dun, naabutan kong may pinagkakaguluhan yung mga kaklase kong babae.
Ano na naman yang pinagkakaguluhan nila? At halos tumirik na yung mga mata nila.
ANO KAYA YUN?
Abangan....
-------··
Guess?
Thank you po kung may nagbabasa man nito :)
vote.comment
kissline ♥
BINABASA MO ANG
May Secret Admirer Ako?!
HumorPaano kung magkaroon ng secret admirer ang isang hindi typical na babae? Yung tipong hindi mahilig sa mga patweetums at sabi ng iba, parang boyish daw kung umasta. Sino naman kaya itong matapang na ginoo na ito? And take note! Hindi lang isa ang se...