"Hmm? Kasi inborn na sayo yan?" Sabi ko.
"Hindi." Sabi naman ni Brix.
"Kasi may nakaaway ka tapos hindi kapa nakakapag-higanti?" Sabi ko na naman.
"Hindi pa rin." Sabi naman niya.
Hays ano ba kasi yun? Ang dami ko ng nasabi sa kanya pero lahat naman mali. May topak ata tong lalaki na to e! Pano ba naman kasi, pinapahula niya sakin kung ano yung isa niyang rason. Edi si ako naman, nanghula dahil sa nacu-curious ako.
"Leche to! Pinagloloko mo nalang ata ako e." Sinamaan ko siya ng tingin. Pero wa epek sa kanya.
"Hahahaha!" Tawa lang sinagot sakin ng ugok na to.
"Argh! Sabi na nga ba e." Napahilamos ko nalang yung kamay ko sa mukha ko. Tsk bwisit talaga tong Brix Kupal na to -_-
"Hahaha! Joke lang naman. Naniwala ka naman kasi agad e. Hahaha! Grabe ang uto uto mo. Hahah!" Nagpintig yung tenga ko dahil sa sinasabi niya!
"Anong sabi mo ha? Uto uto ako? Ulitin mo nga!" Sinabunutan ko na siya doon pero tawa pa rin siya ng tawa.
"Hahaha! Inulit mo na nga, uulitin ko pa? Sige, uulitin ko. Uto uto ka. Hahahah!" Ang saya saya pa rin niya. Bwisit.
"Argh. Leche ka talaga! Hindi ka matinong kausap! Bakit ba kasi kinausap pa kita?!" Sinasabunutan ko pa rin siya! Argh! Nanggigil talaga ako sa loko na to!
"Hahaha. Uto uto ka kasi e!" Ayy hindi siya titigil ah? Sinabunutan ko pa rin siya hanggang mapanot yung tuktok niya. Habang siya, tawa pa rin ng tawa. Umiiyak na nga siya sa kakatawa e.
"Teka! Sabi ni Niks kanina, lumipat daw kayo malapit samin? Lumipat ba talaga kayo?" Pagtatanong ko. Ngayon ko lang kasi naalala yung sinabi kanina.
"Hindi mo alam?" Nakataas kilay niyang tanong sakin.
"Hindi ba halata? Bwisit to. Isip muna bago magtanong. Magtatanong ba ako kung alam ko diba?" Sabi ko.
"Malay mo, pinagloloko mo lang din ako." Nakangiwi niyang sagot sakin.
"Makangiwi ka naman diyan. Pero ano nga? Lumipat kayo?" E gusto ko talaga malaman kung totoo e.
"Bakit gusto mong malaman? Yan ah, may gusto ka siguro sakin nuh?" Nabalot ng tahimik bigla yung paligid namin. Parang may ilang libong anghel ang dumaan.
"Pfft. Hahahahahahahahahahah!" Hindi ko na mapigilan e.
"Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tinatanong paba yan?
"Hahahah, oo yung mukha mo. Hahahah! Grabe pre! Ang galing mo mag-joke, huli mo na yan ha? Hahaha!" Nagpatuloy lang ako sa pagtawa.
"Hindi ako taga-dito sa inyo." Napatigil ako sa pagtawa sa sinabi niya. Bakit?
"Huh? Kung hindi ka taga dito, bakit ka nakarating dito samin ngayon?" Nagtataka talaga ako e. Grabe naman siya makapag-lakwatsa kung dito pa siya nakarating samin ng ganitong oras.
Bigla nalang siyang tumayo kaya muntik na akong mahulog sa inuupuan ko. Nasa dulo na kasi ako naka-upo ng hindi ko namamalayan.
Aba grabe naman! Nag-walk out ang loko! Bakit niya iniwasan yung tanong ko? Masama na ba magtanong ngayon? Wala ba siyang masagot kaya umalis na lang siya? Inaantok na kaya siya kaya umalis na siya? Hay bahala na siya. Pero nacu-curious na naman ako. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko e.
BINABASA MO ANG
May Secret Admirer Ako?!
HumorPaano kung magkaroon ng secret admirer ang isang hindi typical na babae? Yung tipong hindi mahilig sa mga patweetums at sabi ng iba, parang boyish daw kung umasta. Sino naman kaya itong matapang na ginoo na ito? And take note! Hindi lang isa ang se...