| GUIDANCE OFFICE |
*glare*
*glare*
Aba! Naghahamon ng laban tong ugok na to ah! Laser beam activated +_____________+
"Ehem."
Naks naman. Hindi talaga siya papatinag! Hindi ako susuko sayo noh. Asaness.
"Eheeeeeem."
Shatap kung sino ka man! Hindi ako susuko hangga't di ko natatalo tong kupal na to. Kaya ko to.
"MR. PEREZ AND MS. SALAZAR, CAN I TAKE YOUR ATTENTION NOW?!" Bumalik ako sa realidad ng naisip kong nasa guidance nga pala kami. Ano ba yan! Kainis ah.
"Sorry po/Sorry mam." sabay naming sabi habang nakayuko. Nahiya naman kasi ako kay principal noh. Ewan ko lang dito sa isa! Malay mo, walang hiya pala to.
"Okay, what happen a while ago? Gusto kong malaman, kung bakit kayo nagbabangayan na para kayong nasa palengke." malumanay pero ramdam ko yung galit sa boses ni mam.
"Mam, Nadumihan ko po yung pantalon niya kanina. Hindi ko naman po sinasadya kaya nagsorry nama--" naputol yung sasabihin ko dahil sa kupal na to!
"But mam, malilinis ba ng sorry niya yung pantalon ko? Ang gusto ko lang naman ay labhan niya to pero aya--"
"Hep hep! Simpleng dumi lang yun noh! Wag kang magdemand na akala mo nabuhusan ko ng putik yang pantalon mo. Tsaka ang arte ar---"
"Miss palengkera, wala akong pakialam kung konti o madaming dumi ang nagawa mo, basta nadumihan mo. Linisin mo!" sabi niya. Sobra na to ah.
"Hoy! Ang kapal naman ng pagmumukha mo! Akala mo kung si--." Ayy bastos! Hindi na naman ako pinatapos! Asar.
"Shut up both of you! Pinapainit niyo ulo ko!" sabi ni principal. Ano ba yan! Nawala na naman sa isip kong nandito nga pala kami sa guidance. Ituktok mo nga sa kokote mo yan Vanilla!
"Ahm, sorry po talaga mam. Hindi na po ito mauulit. Sorry po talaga." Grabeng kahihiyan na to.
"Dapat lang, Ms. Salazar. And how about you, Mr. Perez?"
"Im sorry mam." Simpleng sorry lang talaga? Kainis.
"Gusto niyo bang ipatawag ko pa ang mga parents nyo?" Oh shoot! Wag naman.
"Ayy wag na po mam/No need mam." sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami. Pero nag-iwas din agad kasi baka mag-riot na naman kami nito.
"So, kailangan hindi na ito maulit. Dahil kung hindi, ipapatawag ko na talaga yung parents niyo."
I feel relief ng marinig ko yun.
"Sige, lumabas na kayong dalawa. Go back to your class. At ayokong may maririnig akong bangayan sa labas. Ok?" Tumango naman kaming dalawa.
Pagkalabas namin..
"Hoy kupal! Ikaw lang nagpalaki nito eh!" Mahina kong sabi pero may galit at inis syempre.
"It's not me. It's you, kung pumayag ka lang labhan to, edi sana tapos na ang usapan!"
"Psh! Asa ka. Kala ko pa naman, silent type ka. Yun pala, parang armalite yang bunganga mo!" bulyaw ko.
"Kala mo lang yun! Kung ako armalite, ikaw naman tripleng machine gun! Bratatatat ka ng bratatatat!" Aba! ayos din to ah.
"Ewan ko sayo, ang hirap makipag-usap sa walang kwenta." Sabi ko sa kanya. Ang bata ko pa para magka highblood sa taong to.
"Mas mahirap naman makipag-usap sa palengkera, ang sakit sa tenga!" Ayy hindi papatalo ah!
"Kesa naman sayo, walang kwenta!"
"Palengkera!"
"Walang kwenta!"
"Machine gun!"
"Armalite!"
"Epal!"
"Ulupong!"
"Walang hiya!"
"Kupal sa mundo!"
"Epal ka naman!"
"Mr. Perez and Ms. Salazar, We have a class in a few minutes. What are you doing here? Are you cutting my class?" Nagulat naman ako kay mam! Parang kabute lang, bigla biglang susulpot.
"Ahm, papunta na po kami Mam." sabay hila ko kay epal. Syempre baka sabihin niya kay mam na inutusan ko syang magcutting kami. As if namang close kami noh!
Nung dumating na kami sa classroom, umupo agad ako. Grabe! Parang ang daming nangyari ngayong araw ah.
Naging maayos naman yung buong klase namin, hindi na naman nanggulo si Johan tsaka si Kupal.
Pagkatapos ng klase, sabay na kaming pumunta ni Niks sa locker.
"Yannie, ang daming nangyari sayo ngayong araw ah. Worst day mo ngayon." sabi niya habang naglalagay ng gamit sa locker niya.
"Oo nga e. Pahamak talaga yung dalawang magkaibigan na yun." sabi ko habang hinahanap yung susi ng locker ko.
"Pero ok naman si Johan sakin. Mabait siya kaya lang sobrang energetic pero hindi na masama." dugtong ko sabay pasok ng susi sa locker.
"Ayy oo Yannie. Alam mo, crush ko siya." Nagtwinkle na naman yung mata nya tapos nagde-daydream. Lukaret!
"Ewan ko sayo." Kaya binaling ko na yung atensyon ko sa locker. At nawindang naman ako sa nakita ko.
Bakit may regalo na naman?
May medium size na teddy bear. Kulay violet tapos may hawak na maliit na bulaklak.
At dahil, usisesa tong si Niks. Tiningnan niya din yung locker ko.
"Ohmy! Confirmed nga talaga! May secret admirer kana. Congrats." Tapos shinake shake nya pa yung kamay ko.
Kinuha ko yung teddy bear tapos may sulat na naman.
to: vanilla yannie
pasaway ka ngayong araw na to ah. pero ok lang, cute mo ngang tingan eh. Ingat lagi ♥
"Yieeeeeh! kinikilig na siya." pang-aasar nitong babaitang to.
"Heh! Ikaw nga yung kinikilig diyan e."
"Hmm, may idea ka ba kung sino yang admirer mo?" Nagtatakang tanong niya.
Napaisip din tuloy ako. Pero, WALA talaga e! As in WALA!
"Wala nga e. Ikaw ba Niks, meron?" Sabi ko.
"Sa ngayon, wala pa e. Pero mag-iimbestiga pa ako."
Kaya, lumabas na kami ng school. Dala ko na rin yung teddy.
Hanggang ngayon, yun pa din yung tanong ko sa sarili ko. Sino ba yung nilalang na yun? At bakit niya nabuksan yung locker ko? Gulo ah.
Abangan....
-------··
Sino kaya yun? May hula ba kayo? :)
Kung may nagbabasa man nito, thank you :)
vote.comment.
kissline ♥
BINABASA MO ANG
May Secret Admirer Ako?!
ЮморPaano kung magkaroon ng secret admirer ang isang hindi typical na babae? Yung tipong hindi mahilig sa mga patweetums at sabi ng iba, parang boyish daw kung umasta. Sino naman kaya itong matapang na ginoo na ito? And take note! Hindi lang isa ang se...