Chapter 14-LOVEnat?

54 3 0
                                    

Pagkatapos nung gabing nag-usap kami ni Brix, hindi na ulit siya nagpakita or should I say dumaan doon sa amin banda. Hindi ko sinasabing gusto ko siyang makita ulit dito samin pero kasi gusto ko talagang malaman yung sagot niya e. Pero bahala na! Hayaan na yun.

Natapos na yung tatlo naming klase, kaya break muna namin ngayon. Pero bago pa kami makalabas, may sumalubong sa amin na bata. Siguro, 1st year palang to. Ang liit din kasi niya e.

"Ate, may nagpapabigay po sa inyo." Nakangiting sabi nung bata.

"Aba! Sino nagbigay nito? Sagutin mo ko! Sino?! Sino?! Sino?!" Pagmamaktol nino paba? Sinong baliw paba ang ganyan kung maka-react?

Edi si RYAN!

Binatukan ko nga siya!

"Ikaw ba binigyan? Bakit kung maka-react ka diyan ang o.a." Sabi ko.

"Kasalanan ko ba kung iniibig kita. 'Di ko naman sinasadya, ang mahalin kita~" pagkanta ni Ryan. At feel na feel niya pa yan ah. With matching papikit pikit pa siya.

"Leche! Tinigilan mo nga ako sa kabaklaan mo!" Sabay isnab ko sa kanya.

"Napakasakit, kuya eddie! Ang sinapit ng aking buhay~" pagkanta naman ni Cyrus, Seb, Johan at Niks. Musical na pala kami ngayon?

Pinagtawanan nalang namin si Ryan. Ang drama kasi e. Hahaha! Kaya, kinuha ko nalang yung binigay na box nung bata. Hindi ko muna titingnan, mamaya na. Tapos dumiretso na kami sa canteen.

Oo, medyo close na kami. Maliban lang ulit kay Brix. Balik poker face na naman kasi siya e. Ang tahimik ngayon. Nakakapanibago. Ni hindi nga siya nakitawa at nakiasar kanina e.

"Brix!" Nagulat kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Niks. Muntik na nga akong masamid sa iniinom ko e. Kaya lahat kami napatingin kay Niks.

"Bakit ang tahimik mo? Nakakapanibago e." Dahil sa tanong ni Niks, napunta naman kay Brix yung mga tingin namin. Pero umiling lang siya.

"Alam mo, sabi nang karamihan. Kapag may problema daw ang isang lalaki, tatahimik lang yan. Hindi transparent ang mga lalaki. Hindi tulad ng mga babae." Sabi ko sabay subo ng kinakain ko.

"Hindi lahat ng tahimik may problema." Tapos nag-pause pa si Johan. "Yung iba, natatae lang kaya tahimik." Sabay sabay naming tiningan si Johan.

"Ang baboy mo naman!" Sigaw ko sa kanya.

"Kadiri ka! Eww, nakaka-turn off!" Sigaw ni Niks.

"Grabe pre! Napakababoy mo!" Sigaw nina Cyrus, Seb at Ryan.

"Makakadiri naman tong mga to! Ang arte!" Tinarayan pa kami ni Johan.

"Kumakain kaya kami!" Sabay sabay naming sabi maliban lang ulit kay Brix.

"Ahh. Hehehe." Nginitian niya lang kami ng maalala niyang kumakain pa pala kami. Kaya sabay sabay namin siyang binatukan pero mahina lang syempre.

Matapos yung kababuyan slash kainan namin, tumambay kami sa may sa gitna ng school, puro puno doon kaya medyo fresh yung aura.

Umupo kami doon sa pabilog na mesa, doon sa medyo malaki.

"Clarky, samahan mo muna ako. May bibilhin lang ako. Bes, alis muna kami ha?" Pagpapaalam ni Niks sakin. Tumango naman ako sa kanya. At umalis na sila ni Johan.

Maya maya namin sila Ryan naman ang nagsalita.

"Vanilla ko, magba banyo lang muna kami ha? Mag-iingat ka diyan." Tapos nginitian niya ako ng bongga sabay flying kiss. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

VANILLA NIYA?! Sira ulo ba siya? Ang lakas ng topak nun ah! Pano kung may makarinig saming iba tapos hindi namin kakilala. Baka akalain nila, boyfriend ko yung baliw na Ryan na yun! AYOKO! HINDI AKO PAPAYAG!

"Hoy babae. Lutang ka ah." Nagulat ako kay Brix kasi bigla niyang pinoke yung noo ko.

"Ayy kalabaw! Leche to. Bakit ba bigla ka nalang magsasalita diyan?" Angil ko sa kanya.

"Hay wala." Bumuntong hininga siya.

"Oo nga pala. Bakit ang lungkot mong Kupal ka? May problema?" Tanong ko sa kanya. Chance na tong sumagot siya noh. Nagsalita na siya e.

"Wala Epal." Wala daw?! Maniwala?

"Kupal to! Ano nga?" Pinipilit ko talaga siya. Pero...

Bigla nag-lay down yung ulo niya sa mesa. Inantok siya bigla?!

Kaya, tinapik ko yung pisngi niya pero hala! Ang init niya! Pisngi palang yung nahawakan ko pero ang init talaga niya e.

ANONG GAGAWIN KO?! NILALAGNAT BA TALAGA SIYA?!  BAKA NAMAN WOW MALI LANG TO AH! BAKA NANG GOGOYO LANG TO. PERO HALA TALAGA! BAKA MAGDELIRYO AGAD TO DITO!

ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?!

May Secret Admirer Ako?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon