VANILLA'S POV
"Ang totoo kasi niyan.." sabi ko.
"Ano ba?! Kanina ka pa nambibitin." Sabi naman ni Kupal.
"Leche to! Ikaw pa may ganang magalit ah. Bwisit. Sasabihin ko na nga!" Angil ko.
"Sasabihin mo rin naman pala e!" Napa-roll eyes nalang ako sa kanya.
"Eh simple lang naman e! Wal--." patulo yung sasabihin ko.
"ANO?! ANONG WAL?!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw.
"Hindi pa ako tapos magsalita." Sabi ko ng naka-poker face.
"Tapusin mo kasi! Pinapatagal pa e." Sabi ni Kupal.
"Kupal ka talaga! Pano ko matatapos e, nakikisingit ka." Sabi ko.
"Sige na, sabihin mo na." Sabi niya.
"Wala--." Naputol na naman yung sasabihin ko. Pano ko kaya masasabi yun? Sira ulo ata to e. Naba badtrip na ko dito ah.
"Ano ngang wala?!" Nabatukan ko nalang siya ng wala sa oras. Kabwisit na e.
"Ano? Sisingit ka pa?" Sinamaan niya lang ako tingin. May sakit ba talaga to?
"Teka! Nasaan yung pc ko? Nasan din yung laptop ko? Yung wii, yung psp, yung--." Ako naman ang pumutol sa sinabi niya.
"Wala dito yun." Sabi ko sa kanya.
"ANO?! SAN MO NILAGAY? NINAKAW MO? LANGHIYA KANG EPAL KA!" Nagpintig agad yung tenga ko sa sinabi niya.
"Hoy lalaking Kupal! Wag kang manghuhusga ng isang tao kung hindi mo naman talaga kilala. Hindi ka judge para manghusga. E kung suntukin kaya kita diyan nang matauhan ka? Ano?!" Nanggigil ako sa Kupal na to! Halos habulin ko na yung hininga ko sa sobrang inis.
"E saan mo ba nilagay? Ayos ka ring babae ka e, ikaw na may kasalanan tapos--."
"Tangna! Ako may kasalanan sayo?" Sigaw ko sa kanya. Hay nako, kapag ako hindi nakapagtimpi, babalibagin ko to sa hinihigaan niya.
"Oo! Saan mo ba pinaglalagay yung mga gamit kong pakialamera ka?" Sabi niya.
"Pucha! Hindi mo to bahay! Bwisit ka! Dapat pala hindi na kita dinala dito! Dapat hinayaan nalang kitang umapoy doon! Nakakagigil ka. Argh." Sigaw ko sa kanya. Kapal ng mukha nitong pagbintangan akong ninakaw yung gamit niya. Sino ba namang sira ulo ang hindi alam ang buong itsura ng kwarto niya? Sino pa ba? Edi yang Kupal na Brix Clyde Perez na yan! Argh!
"A-ano? Hindi ko b-bahay to?" Binigyan ko siya ng tinging 'hindi-ba-obvious'.
"Bakit hindi mo agad sinabi? Bwisit!" Nagwalk out na lang ako sa sarili kong kwarto. Ayos diba?
Pagkalabas ko nagulat ako kasi halos lahat sila nasa labas ng kwarto. Mukhang nakiki usyoso sila. Nako wala lang silang mapapala.
"Iha, ok na ba ang anak ko?" Umupo naman sa tabi ko yung nanay ni Brix.
"Amp, mukhang ok na po yun. Ang lakas na ng loob makipag sigawan e." Bigla namang umaliwalas yung mukha nung nanay ni Brix.
Kabwisit yung lalaki na yun! Buti na nga lang dinala ko pa siya dito sa bahay e. Kasi konsensya ko rin naman kung iniwan ko siya doon mag isa diba? Ang bigat bigat nung ungas na yun. Ako lang kasi ang nagdala sa kanya dito sa bahay. Kayo na bahalang mag-isip kung paano ko siya kinaladkad papunta sa bahay. Tinext ko na lang sila Niks na pumunta dito sa bahay dahil ang sakit din ng katawan ko. At dahil ako lang ang tao sa bahay, ako ang nag-alaga sa ungas na yun. Yung iba kasi naming kasambahay, may kanya kanyang ginagawa. Ayoko namang istorbohin pa sila. Pero kabwisit talaga yung Kupal na yun!
Pasalamat siya....
..may care ako sa kanya.
KASI FRIEND KO SIYA. SA KASAMAANG PALAD!
BINABASA MO ANG
May Secret Admirer Ako?!
HumorPaano kung magkaroon ng secret admirer ang isang hindi typical na babae? Yung tipong hindi mahilig sa mga patweetums at sabi ng iba, parang boyish daw kung umasta. Sino naman kaya itong matapang na ginoo na ito? And take note! Hindi lang isa ang se...