VANILLA' S POV
"ANO? BUMALIK NA SIYA?" Sabi ko kay Mama. May halong excitement yung boses ko.
"Oo, nakachat ko yung mommy niya kahapon. Sabi niya, 12pm ang flight ni Sky. So, by this time." sabay tingin ni Mama sa relo niya, "malapit na silang mag-landing." Nakangiting sabi ni Mama sakin.
YEEES! Makikita ko na siya ulit. Ang saya naman! Si Sky? Childhood friend ko siya, as in literal na childhood. Magka-klase kasi yung Mommy niya tsaka si Mama at nung lumipat kami ng bahay, nagulat si mama na kapitbahay lang namin siya. Halos magkasing edad lang kami ni Sky, 4 months lang ang lamang niya sakin.
So, itong araw na nga. Uuwi na siya dito sa Pilipinas. Matatagal tagal na rin kasi siyang nasa Australia. At hindi ko rin alam kung magbabakasyon lang siya dito o dito na siya magi-stay for good.
Actually, sobrang namiss ko siya.
Isipin mo ba naman, halos wala kaming communication nun. Kasi hindi naman namin alam kung paano makukuha yung phone number nila dun sa Australia. Pero dahil sa facebook, dun kami nagkaroon ulit ng communication.
Matapos sabihin ni Mama na malapit na silang maglanding, nagready na ako. Gusto kong siyang sunduin sa airport e.
Pero nung bababa na ako, nagulat ako kasi nasa baba sina Niks.
"Oh bakit?" Tanong ko agad kay Niks.
"Hihihi manggugulo lang kami dito." Sagot ni Niks.
"Oh nandito pala kayo. Pano ba yan Nak? May bisita ka e, wag kana lang sumama. Ako na bahala." Sabi ni Mama. Oo nga pala! Hindi ako makakasama. Ayoko namang iwan lang sila dito noh. Kaya, nagstay nalang ako. At umalis na rin si Mama.
Nagpahanda na lang ako kay Manang ng chicha namin. Habang naghahanap silang lahat ng movie dahil gusto nilang mag-movie marathon kami, biglang lumapit sa tabi ko si Brix.
"Vanilla." O__O Wohh! First time niya ata akong tinawag sa pangalan ko. Kaya naman tiningnan ko siya.
"I-im so-sorry for what happened last time." O__O Woh! Ume-english ang koya niyo.
Naalala ko naman yung pinagbintangan niya ako sa wala namang kabintang-bintang na bagay. Pero wala naman na sakin yun e.
"Ok na yun. Nawala na rin naman yung inis ko sayong Kupal ka e." Tinawanan ko nalang siya.
Bumuntong hininga siya. "Salamat Epal." Teka bakit parang ang bait niya?
Kahapon din kasi hindi niya ako kinukulit e. Hindi talaga siya magulo buong klase. Oo, hindi naman siya ganun kakulit o kagulo pero ibang iba talaga siya kahapon. Hay nako, hayaan mo na nga siya. Problema na niya yan.
Napagpasyahan naming manuod nalang ng The Fault in Our Stars habang nakatabi pa rin sakin si Brix na 'to. Pero nagulat ako kasi pati yung mga lalaki, nangingilid yung luha e. Kakaiba talaga!
Maya maya, may narinig na akong pagbukas ng pinto. Oh shit! Nandyan na ata siya.
Kaya naman, iniwan ko muna sila sa kwarto tsaka bumaba para makita kung sila na nga yun. At oo tama nga, sila na yun!
"YANYAN!" Biglang sigaw niya sakin sa taas. Nasa gitna palang kasi ako ng hagdan.
"SKY!" Sigaw ko sa kanya. Tapos niyakap niya ako ng mahigpit. Kaya, humiwalay na rin ako dahil baka ma-suffocate ako sa yakap niya.
"Namiss kita." Sabi niya pagkahiwalay namin.
"Namiss rin kita. Pero konti lang. Hahaha." Sabay tawa ko sa kanya, kaya pinisil naman niya yung ilong ko!
Hay nako. Hindi niya pa rin ako tinitigilan sa pagpisil ng ilong -_-
Nagulat ako kasi ang tahimik nilang lahat kaya napatingin ako sa kanila. At lahat sila nakangiti maliban kay Ryan.
At si Brix Kupal.
Bakit naman?
BINABASA MO ANG
May Secret Admirer Ako?!
ЮморPaano kung magkaroon ng secret admirer ang isang hindi typical na babae? Yung tipong hindi mahilig sa mga patweetums at sabi ng iba, parang boyish daw kung umasta. Sino naman kaya itong matapang na ginoo na ito? And take note! Hindi lang isa ang se...