Chapter 2-The Start

134 4 3
                                    

~ring ring ring ring~

Bumangon na ako sabay patay nung alarm clock. Bitin naman yung tulog ko!

Pero nung nakatayo na ako parang hinila pa rin ako nung higaan ko.

Waaaah! Wag ganyan.

Pero hinihila niya pa rin ako. Ayoko naaaa! Tapos parang may malaking kamay na galing sa kama tapos hinila nya yung kamay ko!

Pisti! Anong nangyayari? Kakainin na ba ako nung kama?! Grabe naman siya! Araw araw naman siya pinapalitan ng bed sheet ah. Tapos ngayon gusto niya pa kong kainin? Aba abusado na yan ah!

Kaya ang ginawa ko, ni-wrestling ko siya! Hahaha. Kala nya ah. Dinaganan ko lang siya ng dinaganan!

"Uy nak. Gising!" Nagulat ako ng may magsalita!

Hala! Anak ako nitong kama? Ibig sabihin ampon lang ako ni mama? Grabe! Hindi ko naman agad nalaman. Huhuhu *cry cry*

Pero bakit niyuyugyog ako nitong kama?

Nagulat na lang ako nang may sumirit na tubig sa mukha ko. Kaya napabalikwas agad ako.

What? Tulog pa pala ako?!

"Uy nak! Para kang baliw diyan. Bat mo nire wrestling yung kama? Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Mama.

Hala grabe lord! Nakakahiya yun ah.

"A-aah wala yun Ma. Hehehe." sabi ko.

"Ahh ganun ba? Sabihin mo lang kung nasisira na yang ulo mo nak ha? Nang paipa-check up na kita."

"Ahh sige ma." Hala! Bakit yun yung sinabi ko?

"Sige, bilisan mo na diyan. Nakahain na yung pagkain. Kilos na! Gooooo!" Ala commander na utos ni mama.

"Yes mam." sabay saludo ko.

Pagkatapos kong maligo tsaka kumain nagpaalam na ako kay Mama na aalis na ako.

Pagkababa ko galing sa kotse. Nakita ko na si Niks na papasok na rin. Kaya hinintay ko siya.

"Good morning Yannie." Sabi niya habang nakangiti.

"Good morning din." Sabi ko din ng nakangiti.

"Kamusta naman yun chocolate na binigay sayo?" Tanong niya.

"Wow naman. Yun talaga agad yung kinamusta mo? Nandun siya sa bahay nagpapalamig. Sarap nga ng buhay nun eh." Sabi ko.

"Dapat binigay mo na lang sakin e." Naka-pout siya niyan.

"Nako. Ubos na Niks. Nilantakan namin e. Hehehe." Sabi ko.

"Ayy ang damot." Sabi niya tapos naka-pout na naman.

Habang papasok kami ng classroom, pinagtitinginan kami ng mga classmate namin.

"Oh bakit? Anong problema?" sabi ko sa kanila.

Isa isa naman silang nag-ilingan tapos yung iba yumuko na lang at yung iba naman parang ewan na natatae.

Habang palakad na ako sa upuan ko para silang hinati kasi nagsihawian silang lahat. Anong nagyayari sa mga tao ngayon?

At pagkadating ko sa upuan ko, naloka ako sa nakita ko!

Arrrgh! Ano na naman ba 'to?!

Eh pano ba naman, may isang malaki as in MALAKING bouquet ng flowers sa upuan ko.

At sa gulat ko, napatitig na lang ako sa bulaklak na yun. Sino naman ba kasi ang patay? At may bulaklak pa dito. E wala naman kaming patay, baka naman nagkamali lang. Bumalik ako sa ulirat ng dahil sa isang tili.

May Secret Admirer Ako?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon