Chapter 9-The Boys

81 7 1
                                    

Naloka ako kasi nagkakagulo na naman yung mga kaklase ko.

Kaya pumasok na agad ako.

"Kyaaaah! ang gwapo nila."

"Shocks! Mukhang tinupad na ni Genie yung hiling ko."

"Omg! I love him na."

Ha? Bakit sinong nandito?

Pero dahil pinagkakaguluhan pa nila, hindi na ko makiki-usyoso.

Pagkaupo ko biglang sumulpot tong si Niks.

"Good morning Yannie." Aba makangiti wagas ah.

"Morning. Bakit ngiting ngiti ka diyan?"

"Eeeeh wala naman." Wala pa daw pero makangiti kala mo walang bukas.

"Utot mo! Ano nga?"

"E kasi nak---." Naputol yung sasabihin ni Niks kasi biglang dumating na si Mam.

Kaya umayos na kami ng upo ni Niks. Nagpatuloy lang si Mam sa kakadaldal tapos maya maya.

"Ok class. Napapansin niyo ba na laging dito nilalagay yung mga transferee?" nagsitanguan naman kami. Yung iba, nagbulong bulungan. Mga bubuyog na to!

"At hindi ko rin alam kung bakit ganun, pero may new classmates ulit kayo ngayon." Nakangiti pa si Mam.

Wait! Teka!

Wait na nga, teka pa! Ano kaba naman Vanilla! Classmates ba yung sinabi ni Mam.

"Okay boys, please go infront of the class."

Nagsilapitan naman yung tatlong lalaki. Teka! Parang nakita ko na sila?

Saan nga ba? Isip isip isip!

Ahhhh alam ko na!

Nagsalubong yung mata nilang tatlong sa akin.

"Kayo?" sigaw ko.

"Uy miss!" Sigaw nung Cyrus ata.

"Uy si ateng tatlong tanong!" Sigaw naman nung moreno.

"Hey miss beautiful!" Sabi nung mukang koreanong lasing. Hahaha.

"Ehem. Pwede na bang maki-istorbo muna?" Sabi ni mam. Ayy oo nga pala! Nakalimutan ko.

"Ayy sorry mam." Sabi naming apat.

"Okay, please introduce yourselves gentlemen." Kaya nagsimula na silang magpakilala.

"Hi everyone, Im Cyrus Mortel. Sana maging close tayong lahat." Sabay ngiti kaya halos mangisay na yung mga kaklase kong babae. Cyrus pala talaga pangalan niya.

"Hello, Im Sebastian Corpuz. Tall, dark and handsome." Sabay kindat. Mukang kelangan na namin ng medic dito ah! Hahaha! Ito naman yung moreno.

"Hey! Im Ryan Cliff Vargas. 17, add and follow me on facebook, twitter, instagram. Just search, Ryan Vargas and @ryangwapo. Mapagmahal ako sa lahat lalong lalo na sa kanya." Tapos may tinuro ata siya kasi nagsigawan yung mga kaklase ko. At hindi ko naman nakita dahil hinahanap ko yung panali ko sa buhok.

Pag-angat ko ng ulo, nakatingin silang lahat sa likod ko ata pati si mam. Kaya tiningnan ko rin, pero kelan ko lang naisip na wala palang tao dun sa likod namin. Psh! So, ako yung tinitingnan nila. Bakit naman?

"Bakit?" Tanong ko sa kanila. Nginuso nila yung tatlong ugok na nasa harapan pa rin tapos si Mam pangiti ngiti pa. Anong problema nito?

Tiningnan ko yung tatlo, nakaturo sa akin yung kamay nung sino ba yun? Hay basta! Yung nagpo-promote nung facebook chuchu niya.

"Anong problema?" Sabi ko.

"Wala." sabay nag-ngitian yung tatlo. At hindi lang pala tatlo, yung lahat ng tao dito sa room. Tiningnan ko si Niks, aba! Nakangiti rin siya. Smile Day ba ngayon? Hindi ako na-inform ah.

Pinutol na ni mam yung ngitian session nila.

"Okay, take to your seats." Turo ni mam sa tatlo.

Habang nagka-klase, lingon ng lingon yung koreanong lasing sa akin. Ewan ko lang kung sa akin talaga ha? Eh ako lang naman kasi yung nasa likod niya e.

Nung nag-break time na pumunta kami ni Niks sa canteen. Tapos bumili na kami ng pagkain, habang kumakain kami biglang may sumulpot out of nowhere sa harap namin at sila Cyrus pala ito.

"Anong kailangan niyo?" Sabi ko sa tatlo.

"Ahh gusto sana naming makisabay muna sa inyo. E kasi hindi pa namin alam yung pasikot sikot dito e." sabi nung Sebastian ba yun? Ehh? Parang ginamit na nina Johan yung line na yun ah. Nagkatinginan tuloy kami ni Niks.

"E bakit sa amin pa? Madami naman tayong kaklase ah." sabi ni Niks.

"Eh kayo pa lang kasi yung kakilala namin dito e." sabi ni Cyrus.

"Ahh ganun? Sige, bahala kayo." React ko naman. Bahala sila, gusto nila e. Hahaha!

"Hay nako! Salamat ha?" sabi ni Ryan tapos may pa-shake shake pa siya sa kamay ko. Mukang ewan ah =_=

Habang kumakain kami ni Niks, nakatitig lang silang tatlo sa amin.

"Oh bakit? Nagugutom kayo? Diyan lang yung bilihan ng pagkain oh." Sabay turo ko dun sa bilihan. Parang ewan kasi eh, kumakain kami tapos pinapanuod nila kami.

"Alam namin, iniisip lang namin kung anong pangalan niyo." sabi ni Ryan. Aaaaah! Alam ko na. Hahaha!

"Oh sige sige, tutal patapos na kami kumakain. Wait lang." Kinain na namin yung konting kanin sa plato.

"Ok game. Sige na, manghula na kayo kung anong pangalan namin. Ok ba?" Nagtangunan naman sila na parang aso, yung nilalagay sa mga sasakyan.

"Oh sige sige." Sang-ayon naman nung tatlo.

"Ahm, Carla?" Sabi Cyrus. Umiling ako.

"Cris?" Sabi ni Sebastian. Umiling ulit ako.

"Beauty?" Sabi ni Ryan. Iling ulit.

"Berta?" Tiningnan ko ng masama si Ryan. Nagpeace sign naman siya.

"Petra?" Umiling ako.

"Sarah?" Iling ulit.

"Casandra?" Iling ulit.

"Sheila?" Iling ulit.

"Hay nako! Ayoko na nga. Sabihin niyo na please?" Sabi ni Cyrus.

"Sige na nga. Vanilla, yan pangalan ko." Napa-huh naman silang tatlo.

"Bakit? May problema ba sa pangalan ko?" Sila naman ang umiling ngayon.

"Ok, siya naman si Nikka." Ngumiti at kumaway naman si Niks. Nagtanguan at ngumiti naman silang tatlo.

Nagulat kami ng may biglang sumigaw...

"Hoy! Bakit nandito na kayo? Ang sabi niyo nasa airport pa kayo. Mga gago to." Ha? Kilala niyo na ba kung sino yun? E sino paba? Edi si Kupal.

Nagulat din siya na nasa iisang table kami.

"Magkilala kayo?!" Sabay naming sigaw ni Kupal.

--------

Ohhh.. Meant to be ba sila? Hahahaha!

Abangan...

kissline ❤

May Secret Admirer Ako?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon