BRIX POV
"Huhuhuhu! Ang anak ko!"
"Wag po kayong mag-alala. Lagnat lang po yan." Narinig kong sabi nang isang babae. Sino naman yun?
"Hindi pwede! Marami pa akong pangarap para sa anak ko!" Hagulgol pa rin ni mom. Sure akong si mom yun, alam kong boses niya. Nanay ko siya e.
"Hon! Ano kaba naman? Ang oa mo. Lagnat lang yan. Kaya ni Brix yan. Halika na dito Hon. Nakakahiya sa kanila oh." At may narinig akong pagsara ng pinto.
Teka nga! Tama ba yung narinig ko?! Nilalagnat ako?! Kelan pa?! Bakit hindi ko alam?!
Kaya dinilat ko na yung mata ko. Para naman hindi ako mukhang tanga dito na hindi alam kung anong nangyayari sa akin.
"Waaaaaah! Yannie! Gising na si Brixy!" Napatakip ako bigla sa tenga ko! Bwisit! Ang ingay! Likas na talaga sa babae ang maingay. Kaya nakakainis e.
"Sa wakas!" Narinig kong sabi nung apat na bugok.
"Ano bang nangyari?" Mukhang tuloy akong inosente sa tanong ko tsk!
"Hindi mo alam?!" Sigaw na naman nitong si Nikka! Ang ingay talaga! Kaya binigyan ko siya ng 'magtatanong-ba-ko-kung-alam-ko look'.
"Ano kaba naman pre. Inaapoy kana pala sa lagnat tapos hindi mo sinasabi." Paliwanag ni Seb.
"Nilagnat ako?!" Nagulat naman ako doon. Oo, literal na nagulat. Hindi ko naman kasi alam e. Kaya pala parang ang bigat ng pakiramdam ko kanina pa.
"Paulit ulit lang? Tsk!" Singit naman nitong si Epal -.-
"Eh pano ako nakarating dito?" Oo, yun din ang naisip ko agad. Alangan namang nag-teleport ako. Ano to, pelikula?
"Gumapang ka papunta dito." Poker face na sabi ni Epal. Asar to.
"Ha-ha-ha. Nakakatawa." Sarcastic kong sabi.
"Sige na. Si Vanilla na magpapaliwanag sayo. Alis na kami. Bibigyan muna namin kayo ng QUALITY TIME sa isa't-isa." Sabi ni Cyrus.
"SIRA ULO!" sabay naming sabi ni Epal. Kaya nagkatinginan kami.
"Yiee, nandito pa nga kami nagtititigan na kayo diyan. Kinikilig ako Clarky! Yieeee." Sabi ni Nikka sabay kapit sa braso ni Jc. Clarky?! Pet name? Baduy ah -.-
Pagkatapos nun, ang bilis lumabas nung lima. Oo, as in ang bilis. Wala pang limang segundo nakalabas na sila! Ang lupit grabe!
"Hoy!" Nalipat naman agad yung atensyon ko kay Epal. Kahit kelan talaga, Epal =_=
"Bakit?" Tanong ko. Tapos tiningnan niya lang ako ng masama. Bakit? Ano namang ginawa ko? Aaaah! May naalala ako! Yung itatanong ko pala sa kanya.
"Teka, bakit nga pala ako nakarating dito? Anong ginawa niyo?" Tanong ko.
"Gusto mo talagang malaman?" Baliw ba to? Magtatanong ba ako kung hindi? Nabe-beastmode ako dito ah.
"Oo naman. Sira ka ba?" sabi ko sa kanya sabay pinandilatan.
"Ganito kasi yun--"
--
Break muna. Hahahah =)))
BINABASA MO ANG
May Secret Admirer Ako?!
ComédiePaano kung magkaroon ng secret admirer ang isang hindi typical na babae? Yung tipong hindi mahilig sa mga patweetums at sabi ng iba, parang boyish daw kung umasta. Sino naman kaya itong matapang na ginoo na ito? And take note! Hindi lang isa ang se...