Chapter 12-The Talk

46 3 0
                                    

Halos araw araw na talaga akong may natatanggap na regalo. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero nakakailang kasi e.

Hindi lang sa bahay nagbibigay yung admirer na yun pati na rin sa school. Minsan iiwan niya doon sa locker ko na hindi ko alam bakit niya nabubuksan yun! Minsan naman, iiwan niya doon sa upuan ko. Minsan naman, iiwan niya doon sa harap ng classroom namin at yung teacher pa namin yung nag-aabot sakin! Nakakahiya kaya grabe! Kulang nalang pati sa banyo, mag iwan siya ng regalo -_-

Nandito kami ngayon, sa bahay. Oo, tama kayo ng nabasa KAMI. Nandito ang buong new friends maliban kay Brix. Hindi ko naman siya friend eh -.- At pinilit lang daw siya nina Johan dito. At oo, nabuhay si Johan! Magdiwang tayo! Ewan ko ba diyan bakit siya umabsent nitong nakaraang araw, tinamad siguro.

"Brix, bakit nga pala kayo lumipat dito malapit kina Yannie?" Tanong ni Niks sabay nguya ng piattos. Hays bakit ba niya tinatanong yang Kupal na yan? -_-

"Huh? Malay ko. Hindi ko alam sa magulang ko."  Sabi ni Kupal sabay nguya din ng clover chips.

"Ahh." Yun nalang ang nasabi ni Niks.

"Bakit nga ba kayo nandito? Anong gagawin niyo?" Sabi ko sa kanila dahil ang tahimik ng atmosphere puro nguya lang nila ang nariring ko.

"Hmm. Kwentuhan lang tayo." Sabi ni Cyrus.

"Getting to know each other, a little to well~" pagkanta ko naman habang nagsu-sway yung ulo ko. Hahaha! Nag-pop lang kasi sa utak ko yun eh. Grabeng mood swing naman to.

"Baliw." Sabi naman ni Kupal pero hindi nakatingin sakin at naka-focus lang siya doon sa kinakain niya.

Hindi ko nalang siya pinansin baka mainis lang ako.

"Alam niyo ba nung bata ako, lagi akong binubully." Napatingin naman kaming lahat kay Brix. Oo, Brix muna tawag ko sa kanya ngayon. Sayang naman yung binigay na pangalan ng magulang niya kung puro Kupal ang tawag ko sa kanya. Pero ngayon lang yan. Nagulat kami dahil nagkwento siya bigla. Oo, literal na nagulat talaga.

"Hindi ko alam kung bakit. Pero siguro dahil ang payat ko nun, mukha akong weak. Yung itsura ko nun, mukhang kabully bully talaga." Nagpatuloy lang siya sa pagkwento pero habang nagku-kwento siya, hindi pa rin siya nakatingin samin doon pa rin sa pagkain niya. Medyo naawa naman ako sa kanya.

"Hindi ko magawang magsumbong kay Mommy tsaka sa teachers ko nun dahil lagi nila akong tinatakot na bubugbugin daw nila ako kapag nagsumbong ako." Sabi ni Brix.

"Grabe naman yang mga classmates mo! Ke bata bata pa e, nangbubugbog na agad. Tsk tsk." React ko naman.

"Oo classmate ko sila pero mas matanda sila sakin. Siguro, mga dalawang taon ang agwat nila sakin. Naiinis na nga ako nun e, pero wala talaga akong magawa. I'm so weak that time. I can't protect myself. I feel so helpless.  Ayun ang pinaka-worse childhood memory ko." Sabay tingin sa aming lahat. Pero natigil yung tingin niya sakin. At na-stuck din yung tingin ko sa kanya.

Ewan ko ba pero nakaramdam ako nang lungkot sa mga mata niya. Parang ang dami niyang pinagdaanan. Grabe! Hindi ko inexpect na magiging ganito ako sa kanya. Parang nung mga nakaraang araw lang, galit na galit ako sa kanya. Tipong makita ko pa lang siya, nabadtrip agad ako. Tapos ngayon naman, naaawa ako sa kanya. Hay buhay nga naman.

Naalis lang yung pagtititigan namin nung nag-snap si Johan sa harap namin.

"Ok lang kayo? Parang may nakikita na akong hearts sa paligid niyo oh." Sabi ni Niks.

"Baliw!" Sabay naming sabi ni Brix. Kaya nagkatinginan na naman kami!

"Oh yan na naman sila. Haaaay! Love at never first sight na yan." Sabi ni Niks na mukhang kinikilig pa.

"Ewan ko sayo Niks. Nababaliw kana nga! Johan pansinin mo yan oh." Sabay tulak kay Niks papunta kay Johan na katabi lang din naman niya.

"Huh? Bakit ako?" Pagtatakang tanong ni Johan.

"Eee ene be! Weg ke ngeng genyen." Bruhilda na to! Kala mo naipit yung dila.

Pagkatapos nung asaran at kwentuhan namin, umuwi na rin sila dahil mag-gagabi na rin. At least kahit papano may nalaman ako sa mga bago kong kaibigan. Yes, I considered them as my friends. Wala namang masama na makipag-kaibigan sa lalaki diba?

Naghanda na kami ni Mama ng hapunan namin para makakain na kami. Nagulat si Mama kasi may bago na daw akong kaibigan. At mas natuwa siya nung nakita niyang kaibigan ko na daw si Brix. Hindi naman kilala ni Mama si Brix personally pero natuwa talaga siya. Kung alam lang ni Mama ang katotohanan. Hays.

Pagkatapos namin kumain, hinugasan ko na yung pinagkainan. Naman! Kelangan e. Masipag naman ako kahit papano.

Sa kadahilanang, hindi pa ako inaantok kaya lumabas ako sa bahay. Tutal may bench naman sa gilid namin kaya umupo muna ako.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Akala mo malapit na magpasko. Ang lamig. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakaginhawa.

"Para kang sira ulo diyan. Baka mapagkamalan kang naka-drugs nang mga makakakita sayo." Dahil busy ako sa pagramdam ng simoy ng hangin, hindi ko namalayang may tumabi na pala sakin. Kaya agad agad kong dinilat yung mata ko! Baka mamaya, rapist pala to. Kawawa naman ang pagkababae ko! Huhuhu.

Pero hindi naman pala. Kasi si Brix yun.

"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot dito? Nakakatakot ka e." Sabi ko.

"Ako? Nakakatakot? Sa gwapo kong to?" Sabay himas ng baba niya.

"Che! Nasapawan mo na yung hangin dito ng pagkamahangin mo." Sabi ko naman.

"Oo na. Oo na." Aba himala, hindi lumaban ang lalaki na to.

Biglang may dumaang anghel samin. Bigla kasi kaming nanahimik eh. Kaya nag-ingay na ako.

"Kaya ka ba salbahe sakin kasi nabully ka dati? I mean, gusto mo lang maranasan nang tao nasa paligid mo kung ano yung naramdaman mo nung bata ka." Ewan ko, bigla ko nalang natanong sa kanya.

Hindi pa rin siya nagsalita. Hays! Ano ba to? Baka naman may iba pa siyang dahilan. Nakakaloka! Bakit kasi tinanong ko pa yun e. Para lang akong baliw!

"Ahm, sige wag mo--." Naputol bigla yung sasabihin ko.

"May iba pa akong dahilan. Gusto mo bang malaman?" Seryoso niyang sabi.

--
Pabitin muna. Hihihih ❤

May Secret Admirer Ako?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon