[The Lioness' POV]
"Ma, sorry ha. Hinde kita masasabayan pag-uwi. May practice kasi kami ng basketball. Alam mo na, may laban nanaman. Sorry talaga.."
"Ano ka ba, okay lang." Napatingin naman ako kina C2(na nasa likod niya). Ha? Tama ba yung nakita ko? Sinamaan ako ng tingin ni Dojie? O.o "Wag ka nang dumaan mamaya sa unit ko. Tawag ka na lang pag nakauwi ka na, hmm?" Kiniss ko siya sa cheeks at umalis na ko.
Sayang.. hinde ko siya natanong kung pa'no niya si Gerwell. Well, alam kong magkakaklase sina Gerwell at C2. Ay basta, nacu-curious ako. Ang nakakawkward pa kanina, hinde alam ni Den na ex ko si Gerwell. Pasalamat na lang din ako sa biglaang pagdating nina C2 kanina. Kung hinde sila dumating at inaya si Gerwell na pumunta sa sunod nilang klase, hinde ko na alam ang gagawin ko. Wala na bang iaawkward sa sitwasyong pareho mong nakasama ng di inaasahan ang ex at boyfriend mo? >____________<
Dumaan muna ako sa 7/11 malapit sa building ng unit ko at namili ng cup noodles, gatas(hinde kasi agad ako nakakatulog kaya umiiniom ako non bago matulog) at spicy chicken hotdog. Nang makapasok sa ground floor at mapaharap sa elevator ay nadismaya ako. "Out of order.." -____________-
Inakyat ko yung hagdan hanggang 4th floor. Grabe naman.. torture. Hinde kaya ng powers ko to mga readers, ang payat-payat ko pa naman. Dapat siguro magwork out na ko madalas para lumakas yung capacity ng lungs ko. Nang makarating sa unit, binagsak ko na lang basta yung mga pinamili ko dun sa lamesa at humiga don sa sofa.
Nagpahinga ako ng mga 5 minutes at nagsaing na(de rice cooker ako kaya petiks lang readers XD ) *ding dong*
Sino naman to? Hinde naman nagdo-doorbell yung si Den ah, TSAKA NASA PRACTICE SIYA ZHUTEM. -____________- nami-miss ko na agad ang Leon na yun ah.. "Anjan na.." Inubos ko yung spicy chicken hotdog ko at nagpunta sa pinto. Pagkabukas ko niyon..
"Hi neighbor-- Zhutem!" O.O
"G-Gerwell! Teka, neighbor?" Inabot niya sakin yung box ng cake.
"Oo, jan lang ako oh *turo dun sa katabing unit* sa tabi mo. Nakikitira ako kay insan." Tapos ay ngumiti siya. Shet. "Hinde mo manlang ba ko papapasukin?" Naggive way ako kahit na nasa state of shock pa din ako. "Wow, ang luwag naman.. ikaw lang dito?" Tumango na lang ako tapos ay sinara ko yung pinto. Ano ba to, napakaawkward naman nito sakin. "Kamusta ka na nga pala? Balita ko may boyfriend ka na ulit ah?" Katahimikan ang naghari sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
TLTL Book 2: She Tamed the Lion
RomantizmAt ngayon, naiba ang ihip ng hangin. Datirati'y surang-sura si Zhutem kay Den. Pero tulad ng lahat, hinde din nila inakalang magiging sila din pala. Pero maging hanggang sa huli kaya'y.. sila pa din? Abangan.. :)) (Book 2 po ito. Sa mga di pa nakaka...