Kabanata 6

818 21 7
                                    

Kabanata 6

Home.

Walang masyadong pinag bago ang bahay na kinalakihan ko, si Manang kaya ang nag alaga ng bahay sa loob ng tatlong taon? Malinis ang labas ng bahay, ang mga tanim na halaman sa paso ay buhay na buhay at mukhang nadagdagan ang mga ito.

Hindi mo maiisip na walang nakatira sa bahay na ito dahil mukhang may taong na ninirahan dito, malinis at alaga ang bahay. Napatulala na lang ako, hindi ako makapaniwala na nasa harap na ako ng bahay ko makalipas ang tatlong taon.

"Ayos ka lang?" tanong ni Ate nang makalabas siya ng sasakyan.

"I can't believe that I'm finally home!" I said and smiled at her.

"Ako rin, ilang beses ko rin tinanggihan ang pag-uwi rito" sabi niya. "Let's go inside!" tinapik niya pa ang aking balikat.

Nandyan kaya si Manang? Nanatili kaya siya rito ng tatlong taon? Kamusta na kaya siya? Nasaan kaya ang mga pinsan ko? Alam kaya nila na nasa Baguio na kami ni Ate? Ano kaya ang nangyari sa buhay nila sa tatlong taong nag daan? Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko alam kung sino ang makakasagot.

Napatalon ako nang maramdaman ang pag hawak ni Joseph sa aking kamay. Doon lamang nawala ang mga iniisip ko. I looked at him, ang mga mata niya ay naninimbang, para bang pilit niyang binabasa ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Let's go inside..." sabi niya sa mahinang boses.

Binalik ko ang tingin sa bahay, nakita kong binubuksan ni Ate ang malaking pinto. Naunang mag lakad si Joseph papunta kay Ate at ako naman ay nag patangay na lang sa kanya dahil hawak niya parin ang kamay ko.

Kumalma ang damdamin ko nang hawakan ni Joseph ang aking kamay, para bang kanina pa ako nag hahanap ng bagay na susuporta sa akin at mag papakalma. Naabutan namin ang pag bukas ni Ate ng pinto at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kung sino ang nag hihintay sa amin sa loob.

"Welcome home Ate Larry-" sabay-sabay at malaking ngiting bati ng mga pinsan ko, tumahimik at ngunit unti-unti ring lumiit ang mga ngiti nila nang makita ako at si joseph sa likod ni Ate.

"OMG! Lorry!" matinis na boses ni Zea ang siyang nangibabaw sa katahimikan at agad siyang pumunta sa akin para sa mayakap niya.

Napabitiw pa ako sa pagkakahawak ni Joseph sa aking kamay dahil sa sobrang higpit ng yakap sa akin ni Zea. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata, niyakap ko pabalik si Zea. I missed her!

"Where have you been? Gosh! You look so pretty" hindi makapaniwalang sabi ni Zea habang pinupunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

My cousin is crying! I thought she forget me, I thought she's mad at me. Hindi na rin napigilan ng luha ko ang pag buhos. Niyakap ko ulit si Zea at mahigpit niya rin akong niyakap pabalik.

Nakita ko ang maluha-luhang mga mata nina Krisha, Kuya Kit, Ate Yna at ang gulat sa mukha ni Zue. Nakita ko si Louise sa isang sulok, gulat din ang makikita sa kanyang mukha ngunit hindi man lang siya ngumiti nang tignan ko siya.

Ngumiti ako sakanya ngunit nang walang matanggap na ngiti galing sa kanya ay bumaling ako sa mga pinsan kong palapit na sa akin para samahan kami ni Zea sa yakapan.

"I miss you guys!" paos na sabi ko.

Lahat ng pangamba at takot na meron ako kanina habang nasa byahe ay nawala na lang bigla. I'm still welcome, they still waiting for me to come back. I'm so happy right now, walang mapag lagyan ang saya ko ngayon.

"We missed you so much, Lorry!" ani Kuya Kit nang bumitiw kami sa yakap. "Saan ka ba galing? Hinanap ka naming, halos mabaliw kami nang mawala ka bigla" he asked at inakbayan si Ate Yna.

I Love You The Most (Book 2: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon