Kabanata 31

556 33 2
                                    

Kabanata 31
Home.

Mom and Dad are talking samantalang ako ay tahimik lang na tinitignan sila. Naikwento rin nila sa akin ang dahilan kung bakit sila umuwi ng Pilipinas ngayon.

Nang malaman ni Mommy na nasa Manila ako ay inayos niya ang kanilang schedule ni Daddy para makauwi. They want to see me and Ate Larry. Humingi na rin ng dispensa si Mommy sa akin sa nangyari noong huli naming pagkikita.

"Noong umalis ka ay lagi kong pinagdadasal na sana nasa maayos kang lagay..." Ani Mommy habang nag ke-kwento. "Na sana rin ay mag bago ang isip mo at bumalik ka agad."

Alam ko naman kung ano talaga ang concern ni Mommy. She promised to her friend that someday, when the time is right, I and the son of her friend will get married. Alam ko na iyon noon pa, na explain sa akin ni Ate Larry ang maaaring mangyari sa hinaharap kaya ako umalis noon kasama siya.

Sa kagustuhan kong hindi sundin si Mommy ay lumayo ako. Wala namang sinabing masama si Ate tungkol sa mga magulang namin, tanging ang planong pag papakasal ko sa taong hindi ko naman lubos na kilala ang siyang kinagalit ko sa mga magulang ko.

I'm still against on their plan. Ngunit gusto kong maayos kami nina Mommy at Daddy, I should give time to be with them.

"What you had dinner with them!?" Pasigaw na sabi ni Ate nang tawagan ko siya habang nag mamaneho pabalik ng BGC.

Naka loudspeaker si Ate dahil nasa dashboard ang aking cellphone. Kasasabi ko lang na nag dinner ako kasama sila Mommy ay iyan ang bungad niya sa akin.

"Ate calm down! Hindi naman ako sinigawan ni Mommy o sinaktan." Sabi ko pinapakalma ang kapatid sa kabilang linya.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin bago ka nakipagkita sa kanila. I told you to stay away from them!" Hindi parin nawawala ang galit sa boses niya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko rin maintindihan si Ate kung bakit kailangan kong lumayo sa mga magulang namin, pakiramdam ko naman walang intensyon na masama sina Mommy nang yayain niya akong mag dinner.

"Ate hindi naman nila ako sinaktan o pinagsalitaan ng masama. Magulang parin naman natin sila, I was surprised when Mom called and asked me to have dinner with them. Ate I miss them!" Ani ko kalmado parin.

"Anong sinabi nila sayo? Ano mga pinag-usapan niyo?" Tanong ni Ate, salamat naman at kumalma na siya.

"Nag sabi si Mommy na pwede akong tumira sa bahay sa QC, sabi ko malayo sa trabaho ko kaya ayos na ako sa condo. She just concern about the rent I pay."

"It's a trap, Lorry!" Suminghap pa si Ate.

I know, iyan din ang una kong na isip kanina nang alukin ako ni Mommy na tumira sa bahay.

"'Wag na 'wag kang titira sa bahay na 'yon. It's their way for us to realize that we can't stand alone, that we still need them! At pagkatapos ipipilit na nila ang gusto nila." May bahid na galit sa tono ni Ate.

Ilang bilin pa ang sinabi ni Ate bago niya tapusin ang tawag. Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ni Ate ay si Zea naman itong tumatawag.

"Where are you!?" Tanong niya sa akin, mahinang tugtog ang naririnig ko sa background niya.

"I'm almost there." I answered.

"Okay, I'm outside!" Aniya at agad na binaba ang tawag.

Hindi pa ako nakakapag park ay kumakaway na si Zea kaya agad naman akong nag hanap ng bakanteng paradahan. It's nine in the evening, madami na akong nakikitang taong labas pasok sa bar na kinatatayuan ni Zea.

"Ang tagal mo naman, cous!" Aniya nang makalapit ako ngunit malaki naman ang ngiti sa kanyang labi.

"Medyo traffic, galing akong QC!" Sabi ko habang inaayos ang aking buhok.

I Love You The Most (Book 2: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon