Kabanata 2

693 25 2
                                    


Kabanata 2

Picture.

Tinignan ko muna ang kabuuan ng mall bago pumasok sa loob. I guess this is the biggest mall here in Makati. Maraming tao, pakiramdam ko hindi imposibleng may makita akong kakilala rito ngunit matagal akong nanirahan sa Singapore at hindi naman ako napapadpad sa Maynila dahil ang buhay ko ay sa Baguio lamang.

It reminds me of Causeway Point in Singapore kung saan madalas kami ni Joseph after school or when it's our rest day. And the Causeway Point reminds me of SM Baguio...

I decided to buy some coffee before I tour around this mall, my love for coffee didn't change. Nag daan man ang maraming taon may mga bagay na nanatili talaga sa tao, masasabi kong hindi lahat ng bagay ay nababago sa pag lipas ng panahon... siguro'y nasa tao nga talaga kung gusto nilang mag bago o hindi.

What about him? Pinili niya kayang mag bago? Siguro, oo. Umiling ako sa mga naiisip, I shouldn't think about him. Mukha naman siyang maayos na, hindi ko na dapat guluhin pa?

"Hey, are you a Filipino?" unknown guy asked me.

It's my fourth day here in Singapore at ngayon ko lang naisipang lumabas ng bahay. Sa apat na araw nasa loob lamang ako ng bahay at walang tigil sa pag iyak. Pilit kong tinatakasan ang mga bagay na nalaman ko, ang katotohanang dapat matagal ko ng nalaman.

Nakatayo lamang ako habang tulala sa isang store ng mall nang maalala na naman ang mga sinabi ni Ate Larry nang makarating kami rito.

"You okay?" napabaling ako sa lalaking nasa tabi ko.

Nandito ako sa isang kilalang mall sa Woodlands, nag dalawang isip pa ako kung pupunta ako rito dahil ang bilin sa akin ni Ate ay huwag na muna pumunta sa mataong lugar dahil baka pinaghahanap pa kami nila Mommy at Daddy.

"A-Ayos lang ako..." wala sa sariling sabi ko.

"Oh, sabi na Pilipino ka!" manghang sabi ng 'di ko kilalang lalaki.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya... marunong siyang mag tagalog.

"By the way miss, I'm Joseph!" nag lahad pa siya ng kamay nang mapansing hindi man lang ako gumalaw ay binawi niya ang kanyang kamay. "I'm a Filipino too, saan ka sa Maynila?" he asked.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiirita sa kanya kahit hindi ko naman siya kakilala. Ngumiti ako, I'm happy to found a kababayan here. Even we shouldn't talk to strangers but I have this gut feel that he's a good person...

"I'm not from Manila, sa Baguio ako lumaki..." I said.

"My mom from Pangasinan... by the way bakasyon ka lang ba rito?" he asked.

"Don't know" kibit balikat na sabi ko.

I'm not sure if I stay longer here, baka tulad lang din London ay lumipat din ako ng bansa. Gusto akong ilayo ni Ate sa mga magulang namin, ang ayaw niya kasi ay iyong kinokontrol kami sa dapat naming gawin.

"I'm Lorraine, but you can call me Lorry" I said when I realized I didn't introduce myself to him.

"I liked to call you Lorraine, if you don't mind!" ngumiti pa siya ng napakalapad.

Ngumisi ako ng peke, kapag inaasar ka talaga ng panahon hindi ka talaga titigilan hanggang sa hindi ka naasar ng tuluyan. Anyway I can't blame him, wala naman kasi siyang alam...

"Just Lorry!" sabi ko at umiling habang nangingiti.

"Okay, but-" umiling na lang siya at hindi na tinuloy ang sasabihin.

I Love You The Most (Book 2: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon