Kabanata 40

552 27 7
                                    

This is the last chapter of ILYTM book 2... I know it's been a long journey, thank you so much for you patience. Sana ay marami kayong natutunan sa istoryang ito, dahil ako mismo ay may natutunan dito. Thank you for loving Ice and Lorry despite of their imperfections! Please wait for the epilogue, I will post it soon :) Lets spread learnings as we spread love! Always give respect to everyone! I love you guys :*


Kabanata 40
Party.

Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. I missed her too! Nang mag hiwalay kami sa yakapan naming dalawa ay nakita ko ang luha sa mga mata ni Louise.

"I'm so sorry for everything, Lorry!" Louise said almost whispering.

"It's okay, Louise... I understand you, masyado lang ak-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya ulit akong niyakap.

Kamustahan at biruan ang nangyari sa aming mag pipinsan, Joseph tried to blend with us, tumatawa sa tuwing nag bibiro sina Lance, Zue at Kuya Kit. Sumama sa amin si Ate Larry nang makita niya kaming mag kakasama.

"Lance, anak mo ba talaga 'to!?" Natatawang sabi ni Ate habang nilalaro ang anak nila Lance. "Hi, Edycell, how are you!?"

Ngumingiti si Edycell ngunit nililingon ang kanyang Mommy na siyang nag bubuhat sa kanya. She really looks Ate Edilyn, ang labi, ilong, pisngi at kutis ay kuhang-kuha. Ang mata naman ay kay Lance.

"Nagdududa ka ba!? Mukha namang sa akin nag mana ang anak ko, diba wife!?" Confident na sabi ni Lance at inakbayan pa ang asawa.

"Say hi to your Tita's!" Ani Ate Edilyn at pinapakaway ang kanyang anak.

"Sabi sayo Lance, hindi rin sila maniniwala!" Biro pa ni Zue at humalakhak.

"Dada!" Ani baby Edycell at tinuro ang kanyang ama sa likod ni Ate Edilyn.

"Yes baby!?" Masuyong tugon nito sa anak.

"Tuwang-tuwa na tinawag na 'dada' ah, ilang buwan mo tinuro 'yan sa anak mo, Lance!?" Biro na naman ni Zue.

Natawa naman kami, talaga 'tong si Zue mapang-asar talaga!

"Halatang-halata na inggit ka, Zue! Ikaw kailan ka magkakaanak!?" Biro naman sa kanya ni Kuya Kit na mukhang inlove na inlove sa asawa.

"Magkaka-anak na muna tayong lahat bago magka-anak si Kuya!" Gatong naman ni Zea.

"Ms. Larry excuse, the program will be start in a minute." Ani ng isa sa mga organizer sa opening ni Ate.

"I will follow you, thank you!" Aniya. "Find your place, guys, the event will start. See you later, baby girl!" Ani Ate bago kami iwan.

Mom and Dad had a short conversation with my cousins. Mommy is so happy to see the first born in Sarmiento's. She was so trilled and I saw how her eyes twinkled when Edycell smile at her.

"You have a beautiful daughter, Lance, how old she is!?" Mommy asked.

"Mag two po, Tita!" Lance answered.

"Ang bilis talaga ng panahon, hindi namin namalayan na may anak ka na, iho!" Si Mommy ulit.

"Siya rin naman Tita, hindi namalayan na may anak na pala siya!" Natatawang singit ni Zue.

Sinamaan siya ng tingin ni Lance at natawa naman si Ate Edilyn. Nakatanggap naman siya ng batok sa kapatid.

"Bakit ba kayong mga babae hilig niyong manakit ng lalaki!?" Inis na sabi ni Zue habang iniinda ang batok ni Zea.

"Know when to shut your mouth, Kuya!" Irap na sabi ni Zea.

Natahimik kami nang mag simula ang program. Kasali ako sa nag cut ng ribbon, palatandaan na tuluyan nang bukas ang store ni Ate. Iilang picture at speech, pagkatapos ay pinayagan nang mag libot ang mga guests sa buong store.

I Love You The Most (Book 2: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon