Kabanata 23

1K 33 35
                                    

Kabanata 23
Obey yourself.

Mahirap mapasok sa isang sitwasyong hindi mo alam kung paano tatakasan. Kailangan tama ang magiging desisyon mo para hindi lalong gumulo ang sitwasyon.

Tunog ng cellphone ko ang siyang nag pagising sa akin sa sumunod na araw. Galing sa mahimbing na pagkakatulog ay inabot ko ang cellphone sa lamesa na nasa gilid ng aking kama. Pikit pa ang isang mata nang sagutin ko ang tawag.

"Good morning..." A husky voice from the other line gives me goose bumps.

"S-Sino 't-to..." Napaupo ako sa kama, hindi pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya.

Ngunit imbis na makakuha ng sagot ay naputol ang tawag. Nagising ang diwa ko dahil sa tawag na iyon. I searched my call history, hindi kasi ako sanay makatanggap ng tawag galing sa hindi kakilala dahil iilan lang naman ang nakakaalam ng numero ko.

Napagtanto kong ang numerong tumawag kanina ay kapareho ng numero ni Ice, I didn't save his number but I remember he called me once. Agad na lumipad ang utak ko, nawala lahat sa isip ko ang mga bagay na napagtanto ko kahapon.

I had a stressful day yesterday, ngunit bakit ang gaan ng pakiramdam ko ngayon? Dahil siguro sa haba at himbing ng tulog ko.

"Good morning!" Bati ni Ate Larry sa akin nang makalabas ako ng aking kwarto. Ngunit imbis na boses ni Ate ang narinig ko ay iyong boses ng tumawag kanina.

"How's your sleep!?" She asked while preparing our breakfast.

"Nakatulog ako ng maayos... I'm sorry late na ako nagising, ikaw pa tuloy itong nag handa ng almusal!" Nahihiyang sabi ko at agad na tinulungan si Ate sa paghahain ng pagkain.

"Its okay, I used to do this when I'm alone... I think I should send Manang here." Aniya at naupo na.

"For what Ate!? I'm fine alone here, I mean kaya ko naman mag isa rito!" Sabi ko habang sinasalinan ng kape ang aking baso.

"This unit look so lonely, kapag walang tao ay mas mukhang nakakalungkot... And don't you miss Manang!?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay.

"Why don't you stay here na lang!?" Paghahamon ko sa kanya. "Ayos na si Manang sa bahay, mas malapit sa pamilya niya kesa rito sa Manila. Tsaka pumupunta naman si Lance sa bahay."

"Gustuhin ko man mag stay na lang dito, hindi pa pwede. If only I can stop my contract, although I can but I need to pay for it! My savings is not enough to pay my contract!" Kibit balikat na sabi ni Ate.

"I'm just kidding, Ate! Kung gusto ni Manang dito, edi dito siya!" Sabi ko at nag umpisa na nang kumain.

Mabagal ang pagsubo ko sa pagkain nang may napagtanto. Inangat ko ang tingin kay Ate at pinanliitan ito ng mata.

"What!?" Iritang tanong niya nang mapansin ang paninitig sa kanya.

"You're letting me to stay here!? Kasi diba, gusto mong ipadala si Manang dito kasama ko... So, I assume you're letting me stay here for long!" Nangingiting sabi ko.

"I trust what you've said yesterday! And I trust you more this time. If you disappoint me, I'll send you back to Singapore and let you live your life there!" Ate smirked.

"Don't worry it won't happen!" Natatawang sabi ko.

"Let's eat!" Umiiling pa si Ate habang natatawa narin.

Kahit na magaan na ang pakiramdam ko ay pinili ko parin na huwag na munang mag trabaho ngayong araw. I cleaned the whole unit when I realized it's been a week since the last time I cleaned here. Ate stayed to her room the whole morning.

I Love You The Most (Book 2: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon