Kabanata 32

492 25 9
                                    

Kabanata 32
Chance.

Pagkahatid sa akin ni Ice sa condo ay hindi agad ako nakatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kanina, hindi parin kumakalma ang pakiramdam ko. Nakatitig lang ako sa puting dingding ng aking kwarto, pabalik-balik sa isip ko kung paano tumitig si Ice sa akin, kung paano niya ko halikan.

"I prepared a report, ready na para iharap sa mga board." Nang maalala ang sinabi ni Ice kanina ay agad kong kinuha ang laptop para mag bukas ng email.

When I saw his email agad ko iyon binuksan. He send two files, a powerpoint presentation and pdf file. Una kong binuksan ang pdf at nakita ang kumpletong progress report sa construction at may mga recommendations pang kasama.

"Ginawa niya talaga 'to, huh!" Manghang sabi ko sa sarili.

The report is detailed! Ready na talaga para sa presentation... I scan the whole documents, at nakita ang iilang mga report na wala akong kopya. Siguro'y kahit wala si Ice at hindi nag ta-trabaho ay mayroon siyang inutusan tumingin sa mga trabahong iniwan niya.

KaicelRoisse:
Hey, you should sleeping by now!

Nagulat ako nang mag pop-out ang message niya sa akin sa gmail. Napangiti na lang ako habang nag ta-type ng reply.

SarmientoLorraine:
Binabasa ko yung sinend mo.

Bumalik ako sa pagbabasa ng report ngunit wala ng pumapasok sa isip ko dahil hinihintay ko ang reply ni Ice. I wonder what he's doing right now, at bakit ang tagal niyang mag reply!?

KaicelRoisse:
You can read it later, early morning. Sleep now!

Ilang minuto pa bago siya nag reply. Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ko habang binabasa ang reply niya. Even I'm just reading his message I can hear his serious voice! See, that's his effect on me!

SarmientoLorraine:
I can't sleep. I think I need to read this para antukin ako.

Nangiti ako sa reply ko sa kanya. Baka kung ano ang isipin ng isang 'yon. Pilit kong binabalewa si Ice at ang usapan namin habang binabasa ang buong report ngunit hindi ko talaga mawala sa isip ko.

KaicelRoisse:
Can I call?

Mas lalong lumala ang nararamdaman ko. Itong magkachat lang kami grabe na huramentado ng puso ko paano kaya pag narinig ko ulit ang boses niya? Baka tuluyan nang lumabas ang puso ko sa dibdib.

Bago pa man ako makapag-tipa ng sagot ay nag ring na agad ang cellphone ko para sa tawag ni Ice. I still didn't save his number, nakabisado ko na lang ito noon.

"H-Hello..." Nauutal na sagot ko.

"You should sleeping! Next time stop drinking alcohol, you can't sleep!" Seryosong bungad niya.

Hindi naman kasi yung alak ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog, sure ako na siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ngayon! Hinawakan ko ang parte ng aking dibdid kung saan nararamdaman ko ang pagtibok ng aking puso.

"Hmm. O-Okay..." I said, walang maidugtong.

"What are you doing!?" He asked.

"Hmm, nothing. Y-You!?" Nag dadalawang isip pa ako kung dapat ko ba siyang tanungin.

I heard him chuckled. "I thought you're reading the files I send you..." Nanunuyang sabi niya.

"Kanina, nung nakita ko pagbukas... Ikaw? Anong ginaga-" hindi ko pa natatapos ang tanong ko ay sumagot na siya agad.

"I'm thinking of you!" Diretsong sagot niya, seryoso, walang pag-aalinlangan at siguradong-sigurado na sabi niya.

Natahimik ako, pinapakiramdam ang puso ko at siya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.

I Love You The Most (Book 2: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon