Wakas

659 26 4
                                    

This is the epilogue of I Love You The Most book 2. My last post for the first story of Sarmeinto Series. I really want to thank all of you for reading this. Thank you for your patience and understanding! Thank you for supporting Lorry and Ice's story... I hope you enjoy this, I will end the story this way! Maraming salamat dahil binigyan niyo ako ng pagkakataong maibahagi ang aking mga thoughts sa inyo, binigyan niyo ako ng pagkakataong marinig at papasukin sa inyong mga puso. Magkita-kita tayo sa mga susunod pang istoryang isusulat ko. Salamat sa inyong suporta! CAMILLA will be the next story, see you there! Lagi nating tatandaan na ang isang bagay na nakatakda para sa atin ay makakamit din natin sa tamang oras! I hope you explore too using your realization! Enjoy reading everyone! :*

Wakas.
Lifetime.

Two months of not seeing her in person is like not seeing her for three years. Everyday I wish that time fly fast, at huminto lang kapag oras na ng pagkikita namin. Only if I can control everything, even my worst enemy. The time!

That's why when I saw her after two months, I can help myself but to smile. I missed her, so much! Every time we are miles away from each other I feel so sick, pakiramdam ko ay ang bagal ng takbo ng oras at panahon sa tuwing hindi kami magkasama.

Kaya sobra sobra na lang ang takot ko nang makita siyang tumakbo pagkatapos kong mag makaawa sa kanyang pakasalan ako. What is it, baby!?

Ayaw po ba!? Hindi ka pa ba handa!? Masyado ba akong mabilis!? Kaya ko pa naman mag hintay, e! Gusto kong sabihin ang mga 'yan ngunit mabilis siyang tumakbo palabas ng venue.

I know she's mad at me. Hindi ko siya tinatawagan nitong mga nakaraang araw dahil madami akong ginagawa. I'm busy pleasing and convincing her parents that I am a worthy man for her, sumabay pa ang mga magulang ko dahil ayaw nilang maniwala sa akin.

"Hindi ba siya rin ang babaeng sinasabi mo noon sa amin ng Daddy mo!? Anong nangyari noon? Diba iniwan ka niya, tapos bumalik lang ngayon, binalikan mo naman agad! Hindi ka pa ba nakakamove-on sa Sarmiento'ng 'yon!?" Galit na sabi ni Mommy nang sabihin sa kanila ni Daddy ang mga plano ko.

I tried to move-on from her. I tried to forget her... Pero sa sobrang hulog ko sa kanya, nahirapan akong bumangon at kalimutan siya.

Akala ko noong gabing nakita ko siya pagkatapos ng tatlong taon ay guni-guni ko lang 'yon. Na imahinasyon ko lang na pinapanood niya akong kumakanta.

"I'm here without you baby
But you're still with me in my dreams
And tonight it's only you and me."

Pagdilat ko at nakita ko siya na parang totoo talagang nasa harap ko, nakatitig sa akin, malungkot ang mga mata at gulat dahil nakita ako ay agad kong pinikit ulit ang aking mga mata. Ngumisi ako, sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay paulit-ulit kong nakikita ang maganda niyang ngiti, ang kislap ng kanyang mga mata sa tuwing kasama ako noon sa Baguio.

Pati ba naman sa pagdilat ng aking mga mata ay naiimagine ko parin siya!? Masama na nga talaga ang tama ko sa kanya. Samantalang siya ay mukhang naka limot na sa Singapore. Yeah, I know where she is!

Pumunta ako doon noon, para lang makita na masaya siya habang may kasamang ibang lalaki. Syempre madali siyang makakalimot dahil sa aming dalawa ako lang naman itong hulog na hulog sa kanya.

Kaya naman nang makita ko siya sa board meeting para sa tower ni Callix ay para akong nahulog sa pinakamataas na building sa gulat. She's here! Bumalik siya pagkatapos ng ilang taon, at bumalik siyang kasama ang lalaki niya! Naka move on na talaga!

Pero bakit sa tuwing malapit ako sa kanya, sa tuwing kausap ko siya ay parang naiilang siya!? Bakit pakiramdam ko ay may nararamdaman parin siya para sa akin!? Ano Lorraine, gusto mo parin ba ako!?

I Love You The Most (Book 2: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon