Chapter 2

671 27 0
                                    


I'm always thinking, how can I have a self confidence? I'm not that beautiful and not so smart either. At mapag-iiwanan na rin ako ng mga kaklase ko dahil mahihinto na ako ng pag-aaral.Di kaya ng Nanay at Tatay na pag-aralin ako sa susunod na taon dahil graduating na si Ate Nica.Di nila kami kayang pagsabayin. I thought, tuluy-tuloy na ang pag-aaral ko sa Korea. I also thought that it would be me and Gyung-suk till the end, but it all came to an end. At parang isang panaginip lang na nangyari sa aking buhay ang mga panahong iyon, na mimiss ko na ang Korea at lalung-lalo na si Gyung-suk.

...    

Last day of our class, at salamat magbabakasyon na.

They are talking about their outing on the beach.At sinabi ni Eumie na magbabakasyon daw siya ng Korea. Buti pa si Eumie ay pupunta doon, samantalang ako ay hanggang pangarap na lamang na makabalik ng Korea.

"Isang buwan ako sa Seoul Korea, nandoon na ang Mama ko eh, hay makakakilala na ako ng mga Korean guys." Pagmamalaking sabi ni Eumie.

"Wow ang sarap naman ng vacation mo Eumie, pasalubong ha!" Sabi ni Kate.

"Aba oo naman, sa wakas makakarating na ako ng Korea at pupuntahan ko ang mga pinag syutingan ng mga napapanood ko na k-drama, I'm so excited!" Masayang sabi ni Eumie.

"Baka pag-uwi mo may boyfriend ka ng Korean haha." nagbibirong sabi ni Kate.

"Malay mo diba? I'm sure marami akong makikilala doon!" Excited na sabi ni Eumie.

While they were talking, I was silent... I started to feel sadness within me.

"Diba sabi ni Kirstein nakarating na daw siya sa Korea at doon daw sya nag-aral dati?" Sabi ni Kate. "Hay ewan ko ba, may nagpapanggap kasi dyan na nakarating na daw ng Korea, sino naman maniniwala dyan." Ani Eumie.

"Ay oo nga pala! ambisyosa, pero in fairness marunong siya magsalita ng Korean ha!" Sabi naman ni Kate.

"Hmp! I don't care! halika na nga sa labas at balita ko ay hindi na darating ang teacher natin." sabi ni Eumie at lumabas na sila ng silid.

Habang nagliligpit ako ng aking desk ay dumating si J.C. isa sa manliligaw ko din dati.

Guwapo si JC at habulin ng chicks.

"Pwede bang ihatid na kita?" sabi niya sa akin.

Nagtaka naman ako kung bakit? balita ko na may girlfriend na siya kaya iniwasan ko siya.

"Iiwasan mo ako bakit?"

"Sorry JC kasi hinihintay na ako sa amin."

"Masyado ka namang pakipot buti nga ihahatid pa kita eh, kung ayaw mo e di huwag!" Sabi niya sa akin at naiwan ako.I shrugged my shoulders.Sa wakas, today is our last day of school, I truly don't want to see any of my classmates. Besides di na rin ako makakabalik sa susunod na pasukan.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay narinig kong nagkakayayaan ang mga classmates ko na gumimik, wala man lang nag-aya sa akin.Binalewala ko na lang ang lahat.I wanna go home.I went out of our school and never bothered to look back, as I went on I did not realize that this is where it will all start. A life changing journey of mine.

Dangerously in love...Memoirs of My Lost Korean Boyfriend to be published! Where stories live. Discover now