Chapter 6

384 24 0
                                    

Until I got home, nakakaramdam ako ng pagkainteres sa Rokumeikan Kizoku club at nakatatak sa isip ko ang pagtatagpo namin ni Gong-li. Pag pasok ko sa aming bahay ay nadatnan ko ang aking Nanay at Tatay na nagtatalo.

"O bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ng nanay ko.

"Ah nakita ko po kasi si Mabelle at Alison mga kaklase ko nung high school, niyaya lang po nila ako kumain sa labas."

"Kung gusto mo pang kumain may natira pang ulam dito."

"Busog na po ako." sabi ko sa kanila at umakyat na ako ng aking silid.

I can't sleep that night.Di ko akalain na nakita ko si Gong-li.Naalala ko yung dalawang Koreana na nakita ko kanina, di kaya member din sila ng Rokumeikan club?

Bumalik na naman ang aking alala-ala tungkol kay Gyung-suk. Bakit ba niya ako iniwan ng walang paalam? Naiiyak na bulong ko sa aking sarili. I keep asking to myself.Nasaan na kaya siya?

......

Makalipas ang isang linggo, namasyal akong mag-isa sa Mall.Gusto ko lang mag palamig dahil ang init sa bahay.I didn't received any calls from Gongli.Sina Mabelle at Alison naman, di nila sinasagot mga tawag at text ko.

Naglakad-lakad ako sa loob ng Mall.Ang dami kong nakikitang mga bagay na gusto kong bilhin pero gaya ng dati laging hanggang tingin lang.

At sa aking paglalakad ay may nakita akong ikinabigla ko, parang nag mamalik-mata ako sa aking nakikita. I saw Gong-li and he is with Alison at magkahawak pa sila ng kamay, nagtaka ako kung bakit? Samantalang nung huli kaming nagkita ay nagmamadali ng umuwi si Alison at di sya interesado kay Gong-li.Nagpasya akong lapitan sila, ngunit nagmamadali silang maglakad hanggang natabunan na sila ng mga taong naglalakad at nawala sa aking paningin.Nakaramdam ako ng tampo kay Alison.Di na ako mapalagay ng mga sandaling iyon.Bakit sila magkasama? Bakit di nila sinasabi sa akin? This is unfair! Maya-maya'y my cellphone rings, ang tumatawag ay si Mabelle.

"Hello, Kirstein, magkita tayo ngayon sa tapat ng John's coffee shop!" Excited na sabi ni Mabelle.

"Ah ok sige, pupunta na ako ngayon!" interesadong sabi ko at bumaba ako ng escalator at nagpunta sa coffee shop at natanaw ko si Mabelle na nakaupo sa may pang dalawahang upuan at umiinom ng coffee shake, nilapitan ko siya agad.

"Hi! Mabelle!"

"Hello Kirstein!" nakangiting sambit niya.

"Nakita ko simAlson at Gong-li magkasama sila!" nagtatakang sabi ko.

"Alam mo ba, ni re-recruit kami ni Gong-li at pupunta na kami mamaya sa Rokumeikan Kizoku Club. At sa wakas makakapasok na kami doon!" masayang sabi ni Mabelle.

"P-pero dapat kasama ako?"

"Naku sorry girl kami lang ni Alison ang pwede eh." sabi ni Mabelle at di siya makatingin sa akin ng diretso.

"Ano? B-Bakit kayo lang?" niinis na sabi ko.

"Ewan ko, kaming dalawa lang ang kinukuha ni Gong-li eh."

"Ha? bakit kasama ni Alison si Gong-li? Ano nangyari?"

"Ganito kasi, nung naka-alis ka na, sinabi ni Alison na gusto daw niyang makipag kaibigan kay Gong-li, kaya yun hinabol namin siya, buti at naabutan namin.At alam mo ba? Na love at first sight si Gong-li kay Alison at mula nungngabing yon, araw-araw na silang nagkikita,"

"Ha? Pero bakit di man lang sinabi sa akin ni Alison? nakakatampo naman." nagtatampong sabi ko. "Ah eh, ewan ko ba dyan kay Alison. Pero okay lang yun kasi isinasama naman niya ako eh, kung di dahil sa kanya ay hindi ako makakasali, kaya salamat talaga sa kanya."

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Mabelle.They met Gong-li because of me! pinauwi nila ako yun pala ay lalapitan nila. Maya-maya'y dumating si Alison at laking gulat niya ng nakita niya akong kasama ni Mabelle.

"Hi!" bati ko sa kanya.

"Ah ikaw pala Kirstein, kamusta na?" Aniya.

"Ok lang naman, nakita kita kanina kasama mo si Gong-li?" Nakakunot noong sabi ko sa kanya.

"Ha eh?" sabi ni Alison and she appears that she doesn't know what to say at all. Maya-maya'y papalapit si Gong-li.

"Hello Kirstein!" Masayang bati ni Gong-li sa akin.

"Gong-li!" nabiglang sabi ko sa kanya.

"O tara na, excited na ako eh." Biglang sabi ni Alison at niyaya na niya agad si Gong-li na umalis.

"Maiwan ka na namin Kirstein." Nagmamadaling sabi naman ni Mabelle..

"W-Wait sandali lang, sama 'niyo naman ako o." nakiki-usap na sabi ko sa kanila.

"Saan ka sasama? Sa school namin?" Pagsisinungaling na sabi ni Alison.

"Alison huwag na nga tayo maglokohan, wala ng pasok ngayon at alam ko kung saan kayo pupunta!"

Napatingin siya kay Mabelle at pinabatid niya sa pamamagitan ng kanyang mga mata kung bakit niya ito sinabi sa akin.

"Sorry Alison, nasabi ko sa sobrang excited," malumanay na sabi ni Mabelle.

"Well, pero pasensya na Kirstein kasi kami lang ni Mabelle ang nire-recruit ni Gong-li, nagmamadali nga kami eh, sige dyan ka na, kita na lang ulit tayo."

Hinawakan ni Alison ang kamay ni Gong-li.Kanya itong niyayayang umalis na at iwan ako, at napatingin sa akin si Gong-li na parang naguguluhan.Hinatak ni Alison ang kaniyang kamay at nilalayuan na nila ako, ngunit hinabol ko sila.

"Gong-li! naneun gag sipda! (Gusto ko sumama!)" Habol na sabi ko.

Napalingon sa akin si Gong-li.

"Hwagsilhae? (Sigurado ka?)

"Yes!" Malakas na sambit ko.Bumaling siya kay Alison.

"Alison, why you told me that she really doesn't like to come?"

Aking nalaman na sinabi pala ni Alison kay Gong-li na hindi na ako interesado dahil hindi raw ako papayagan ng mga magulang ko at natatakot ako.Sinabi rin niyang sinabi ko raw na huwag na nila akong piliting isama.

"Wala naman akong sinasabi sayo na ganon Alison?" nagtatakang sabi ko sa kaniya.

"Ha eh?" walang masabing dahilan si Alison.

"I will take her!." biglang sabi ni Gong-li.

"No!"Nagmamatigas na sabi ni Alison.

"Gusto niya pala sumama, come with us Kirstein!" sabi ni Gong-li at napansin kong napasimangot ang mukha ni Alison na halatang-halata na ayaw niya ako isama.

Ngunit wala siyang nagawa dahil si Gong-li na mismo ang nag-imbita sa akin.

"Kirstein, shall we?" nakangiting sabi ni Gong-li at nakaramdam ako ng kakaibang excitement.

Pagdating namin ng Rokumeikan club ay saktong kumagat na ang dilim.Nagtungo na muna kami sa isang tabi.

"Please stay here for a while and I need to go first, I'll be back." Sabi ni Gong-li at sinuot niya ang facemask at mag-isang pumasok sa loob ng club.At nang siya ay naka-alis ay nakasimangot na naman si Alison.

"Buti na lang at sinama ka ni Gong-li!" masayang sabi ni Mabelle.

"Oo naman talagang isasama niya ako, matagal ko na siyang kaibigan eh." sabi ko at nakita kong inirapan ako ni Alison.

After a while, Gong-li came back, may dala siyang tatlong facemask at pinasuot sa amin.

Dangerously in love...Memoirs of My Lost Korean Boyfriend to be published! Where stories live. Discover now