Chapter 10

346 20 0
                                    

Dumating na ang takdang araw ng aming Exam at bumalik kami sa Rokumeikan Kizoku at kami ay kinakabahan. Pinapasok kami sa isang silid na Japanese style.At si Sensei Hikaru ang humarap sa amin.Binigyan kami ng papel na aming sasagutan.Nasa 20 na katanungan lamang ngunit mahihirap ito.Korean Hystory ang ipapasulit sa amin.

"Ang hirap naman ng mga tanong na yan, ni hindi ko nabasa yan sa ni-research ko eh! kahit pagsama-samahin utak natin mahihirapan tayong sagutan ito." Nag-aalalang sabi ni Alison.

"Bakit yung iba nakakapasa, papano nila nalaman ang sagot?" Ani Mabelle.

"Baka talagang nagtiyaga sila mag-research, kaya pala konti lang ang nakakapasa dito.Sinabi ni Gong-li na marami na ang bumabagsak una palang."Ani Alison.

"Sana kahit multiple choice man lang, baka sakaling maka tsamba pa tayo." Desperadong sabi ni Mabelle. Napansin kong they're losing hope habang binabasa nila ang test paper.Habang nag-uusap silang dalawa ay nakatahimik lamang ako dahil ako ay nag-iisip.

"Ikaw naman Kirstein, bakit ang tahimik mo na naman dyan?"

"Teka nag-iisip lang ako."

"Nawawalan na ako ng pag-asa." Sabi ni Mabelle habang binabasa niya ang mga mahihirap na katanungan.Nakita ko silang nakapangalumbana at hirap na hirap sila mag-isip.

At kinuha ko ulit ang test paper na hawak ni Mabelle at aking pinag-aralan.

-Unang tanong.

'What are the three kingdoms of Korea?'

At biglang may naalala akong sinabi ni Gyung-suk tungkol sa tatlong kaharian ng Korea.

Inisip ko ito at binalikan ko ang aming kuwentuhan nung nasa ilalim kami ng puno.

"Alam mo ba na may tatlong kaharian ang Korea?" Sabi ni Gyung-suk habang nakaupo kami sa ilalim ng puno at nakasandal ako sa kanyang dibdib.

"Talaga? Ano ang mga iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Ito ay ang Gojonseon, Silla, at Baekji."

"Hmn?"

At nang aking ito ay naalala ay masaya ko itong sinagutan.

"Teka sigurado ka ba sa sagot na yan? baka magkamali ka! babagsak tayo?" Singhal ni Alison.

"Huwag kayong mag-alala sigurado ako, naalala kong sinabi sa akin ni Gyung-suk to."

Tinaasan ako ng kaliwang kilay ni Alison.

-Pangalawang tanong.

"_________ was the first Korean kingdom."

At naalala kong muli ang sinabi sa akin ni Gyung-suk nung sumunod na mga araw na kami ay nagkita noon.

"Gojonseon ang pinaka-unang kaharian sa Korea. At doon nakatira ang mga Royal Blood."

At nang ito ay aking naalala ay sinagutan ko ito.

-Pangatlong tanong....

'During this period, in the first century AD, the first known written reference to Japan was recorded in the Chinese ________.'
At naalala kong muli ang sinabi ni Gyung-suk.
"Book of Han!"
At akin itong sinagutan.

At ang mga sumunod na mga tanong ay nagkataon na nasabi sa akin ni Gyung-suk noon, lahat ng kanyang sinasabi ay tumatatak sa aking isipan kaya madali kong naa-alala ang mga ito.Habang sinasagutan ko ito ay manghang nakatingin lamang sa akin ang dalawa.
"Sigurado ka ba sa mga sagot mo, baka mali yan?" Sabi ni Alison, hindi ko siya kinakausap dahil nag ko-concentrate ako mag-isip ng sagot.

"Kirstein?" Makulit na sabi ni Alison.

"Huwag mo na siya storbohin, malay mo tama sagot niya?" Sabi naman ni Mabelle.

"Kungsabagay, di talaga natin alam ang sagot dyan.Yun nga lang baka mali sagot niya, tapos na ang kaligayahan natin," Sabi naman ni Alison.

Nag-focus lang ako sa aking isasagot at sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Gyung-suk ay masaya kong sinasagutan ang test paper.

Matapos kong masagutan lahat ay tiningnan ni Alison ang aking mga sagot, at nabasa niya yung pinakahuling sagot ko.

"Minsyu Park? May park na ganyan ba sa Korea?"

"Oo, hinding-hindi ko makakalimutan ang park na yan, doon namuo ang pagmamahalan namin ni Gyung-suk."

"Hay nako! kaya naman pala, palitan mo yan, siguradong hindi yan ang sagot, ako na lang ang sasagot niyan."Pagalit na sabi ni Alison at ina-agaw niya sa akin ang test paper.

"Alam mo ba na ang Minsyu Park ang pinakamatandang Park dito sa Seoul Korea?" Tandang-tanda ko nang ito ay kaniyang sinabi habang nakaupo kami sa bench at magkahawak kami ng kamay.

"Alison tama ang sagot ko, maniwala ka, hindi ako maaaring magkamali, ang Minsyu Park ang pinaka matandang park sa Seoul Korea!"

"No! ang pagkaka alam ko ay Kyonhi Park, alam ko yata yan! napanood ko sa K-drama, yan ang sagot!" Pagpipilit na sabi ni Alison.

"Sigurado ka ba Alison?" Sabi naman ni Mabelle.

"Ah basta yan ang sagot, maniwala ka sa akin!" Sabi ni Alison at nagbabalak siyang burahin ang aking sagot, ngunit pinigilan ko siya.

"Alison, please huwag mong burahin 'yan!" Pigil ko sa kaniya.

"Sino ba talaga sa inyo ang tama? Pag magkamali lang tayo ng isa, paktay na tayo!" Naguguluhang sabi ni Mabelle.

"Ako ang tama!" Giit ni Alison.

Maya-maya'y nagbukas ang pintuan at pumasok si Sensei Hikaru.

"Anong kaguluhan ito?"

"Ah wala po, ito na po ang test paper, tapos na po kami!" Sabi ko kay Sensei Hikaru at binigay ko agad ang test paper at walang nagawa si Alison.

"Tandaan ninyo, magkamali lamang kayo kahit isa ay di kayo makakapasa...Maghintay lamang kayo dito." Sabi ni Sensei Hikaru.

At nang nahawakan ito ni Sensei Hikaru ay lumabas siya ng silid.

Pagkalabas ni Sensei Hikaru ay nagalit sa akin si Alison.

"Kapag bumagsak tayo, ikaw ang may kasalanan!" Galit na sabi ni Alison.

"Ang Kyonhi Park ang tamang sagot, maniwala ka! ipapaputol ko daliri ko kung mali ako! tandaan mo yan!" Galit na sabi ni Alison at nagtatalo na kaming tatlo.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok ng silid si Sensei Hikaru, at kanyang sinabing.

"Binabati ko kayo, nakapasa kayo sa unang Task ... Perfect!" Masayang sabi ni Sensei Hikaru.

Nagtalunan ang dalawa sa sobrang saya, napaupo naman ako sa upuan at di makapaniwalang nakapasa kami sa unang Task.

"Naku kung wala si Kistrein bagsak na tayo, salamat Kirstein!" Masayang sabi ni Mabelle sa akin.

"Pasensya na Kirstein, anyway thank you ha!" Sabi naman ni Alison sa akin.

"Wala yun, nagkataon naman na naalala ko mga sinabi ni Gyung-suk sa akin, buti at natatandaan ko lahat."

Hindi na ako kinibo ni Alison at nagtatalon sila sa tuwa ni Mabelle.

Matapos naming maipasa ang unang Task ay inihatid kami ni Gong-li sa labas at suot namin ang face mask at may naghihintay sa amin na magarang sasakyan.

"Congrats sa inyo!"

"Salamat Gong-li." Masayang sabi namin sa kaniya.

"Good luck ulit sa 2nd Task ha." Masayang sabi ni Gong-li.

Masaya kaming sumakay ng magarang kotse upang ihatid sa aming mga bahay.

Dangerously in love...Memoirs of My Lost Korean Boyfriend to be published! Where stories live. Discover now