Bumalik kami sa club at sinabi ni Gong-li na pag-isipan namin mabuti ang mga sinabi ni Master Joyang-jo. "Dinala niya kami sa lamesa ng mga pagkain.
"Dito na muna kayo at babalik ako mamaya, kumain lang kayo okay?'
"Salamat Gong-li!" Masayang sabi naming tatlo.Naupo kami sa aming pwesto at nag usap-usap habang kumakain.
"Ano sa tingin ninyo, gusto ninyo ba?" seryosong tanong ni Alison.
"Ako gusto ko, biruin niyo iboto niyo lang akong dalawa ay may 200 dollars na ako gabi -gabi, lalo na kung iboto pa tayo ng ibang members diba? At araw-araw ay tuturuan pa tayo magsanay para maipagtanggol ang ating sarili, nakaka excite yun! Pupunta tayo araw-araw dito at libre lahat hahaha!" masayang sabi ni Mabelle.
"At hindi lang yan, higit sa lahat marami tayong makikilalang mga bagong tao!" sabi naman ni Alison.
"Oo nga, at tingnan mo International pa hahaha!" napahalakhak na sabi ni Mabelle.
"Hay! Napakasuwerte natin dahil isa tayo sa napili na mapapabilang sa grupo ng Rokumeikan!" sabi ni Alison.
"Kayalang mapanganib dahil may mga kalaban at di natin alam kung sino sila." Pag-aalalang sabi ni Mabelle.
"Sabi ni Master ay huwag na raw tayo mag-alala, noon lang may sagupaan, pero ngayon may kasunduan na lang, kung ano man yung kasunduan na yon ay malalaman din natin yan! basta ako buo na ang pasya ko sasali ako!." Ani Alison.
"Hmn? Well I'm in, sa hirap ng buhay sa mundo at isang magandang hamon at pagkakataon na ito, isang magandang experience ito." sabi naman ni Mabelle.
"Oo nga!" ani Alison at dun lamang nila napansin na kanina pa ako tahimik at di nagsasalita.
"Ikaw naman Kirstein? Kanina ka pa tahimik dyan ah, gusto mo ba ituloy?" tanong ni Mabelle.Kung alam lang nila ay sobrang excited ako at para akong nananaginip. Gusto ko magkaroon ng panibagong hamon para makalimot sa pait na aking nararamdaman.
"Oo! buo na ang pasya ko, gusto kong pumasok sa kakaibang mundo!" may tapang na sabi ko.Ngumiti si Mabelle sa akin.
"Well goodluck sa ating tatlo!" wika ni Mabelle at pinatong niya ang kanyang palad sa lamesa at pinatong ko agad ang kamay ko sa ibabaw ni Mabelle at si Alison ang pinakahuli.
"Makakaya natin to!" masayang sabi ko sa kanila.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating si Gong-li at naupo sa aking tabi.
"Nakapag desisyon na ba kayo?" tanong niya.
"Yes! tinatanggap namin, gusto naming mapabilang sa inyo!" may tapang na sabi ni Alison.
"Well! That's good! Maaari na kayong umuwi.Tatawagan ko na lamang kayo kung kailan kayo mag susulit,"
"Pero ano ba ang pagsusulit na aming gagawin?" Tanong ko kay Gong-li.
"Kailangan ninyong mag research ng Korean at Japanese history, isa sa dalawang yun ang ipapasulit sa inyo."
"Naku ang hirap pala, papano kung yung nabasa namin ay hindi itanong?" Ani Mabelle.
"Oo nga, baka naman alam mo ang tanong Gong-li para yun na lang ang ise-search namin?" Nagbabakasakaling wika naman ni Alison.
"Iba-iba ang mga test papers at di ko alam kung ano ipapasulit sa inyo.Basta about history. Mahirap pero kung para sa inyo ito ay makakapasa kayo ok?"
"Okay!" sabay na sabi naming tatlo.
.....
Pagdating ko sa amin ay tulog na ang aking pamilya.
Nahiga ako sa aking kama.
Iniisip ko kung ano kaya ang aming kakahinatnan sa aming napiling kakaibang hamon.
Naalala ko si Gyung-suk, nangangarap na sana ay magkasama kami sa Rokumeikan Club, napakasaya ko sana, kayalang wala na siya dahil nilayuan na niya ako......
Kinabukasan..
Nag-internet ako sa isang computer shop para mag-research ngunit napakahaba ng babasahin ng history ng Japan at Korea, malalalim at ang hirap intindihin.Napangalumbaba na lamang ako sa harap ng computer. Ano kaya ang itatanong? mahina pa naman ako sa memorization, ang tanging di ko lang nalilimutan ay ang mga bawat katagang sinasabi sa akin ni Gyung-suk.
Sumunod na mga araw sa aking paggising ay nag-ayos ako, magkikita kami ngayon nila Alison at Mabelle.Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang Nanay at Tatay na maagang nagtatalo.
"Natanggal ka na naman sa trabaho, papano na tayo nyan?"Singhal ng Nanay sa Tatay ko.
"Maghahanap ulit, dyan ka na muna!" Sabi naman ng aking ama at lumabas siya ng bahay.
At nang nakita ako ng nanay ko ay sinita niya ako.
"Tinanghali ka na naman ng gising, at saan ka naman pupunta?"
"Eh nay magkikita lang kami ng mga kaibigan ko."
"At kelan ka pa nagkaroon ng mga kaibigan?" mainit na ulo na sabi ng Nanay.
"Diba po nagkita ulit kami ni Alison, yung bestfriend ko nung high school."
"Huwag kang magpapakagabi." bilin ng Nanay.
At lumabas na ako ng bahay.Nagkita kami sa isang Pizza shop sa Mall.
"Bukas na tayo magsusulit, nakapag-research na ba kayo? kinakabahan ako." Nag-aalalang sabi Alison.
"Hay! wala akong naintindihan sa mga nabasa ko, kasi ang lalalim, at sobrang haba at di ko masaulo, baka bumagsak tayo hays!" Sabi naman ni Mabelle.
"Pero kung talagang para sa atin ito ay makakapasa tayo." Sabi ko kay Mabelle.
Maya-maya ay napatingin kami sa ding-ding na salamin at may nakita kaming dalawang Koreana at isang Russian na lalaki na dumaan, masaya silang naglalakad at may mga dala silang mga branded na shopping bag.
"Di kaya mga member ng Rokumeikan Kizoku yang mga yan? tingnan mo yung aura nila kakaiba at mukhang mapera!" Sabi ni Alison.
"Baka nga?" Sabi naman ni Mabelle.
"Sana maging ganyan din tayo!" patuloy na sabi ni Mabelle.
"Sana nga! Gusto ko ng magbago na ang buhay ko, na bobored na ako." Sabi naman ni Alison.
YOU ARE READING
Dangerously in love...Memoirs of My Lost Korean Boyfriend to be published!
Historical FictionSynopsis: Kirstein has a mysterious and handsome Korean boyfriend named Gyungsuk. They met in an old park in Seoul Korea.They meet there every single day and deeply fell in love to each other.But one day, Gyungsuk never came back. Kirstein is cluel...