Makalipas ang ilang sandali, bumalik na si Gong-li.
"Follow me!" seryosong sabi niya.
Nagtayuan kami at sumunod sa kanya.
Lumabas kami ng bar. Naglakad kami sa hallway at kumanan naman kami at sumakay ng elevator, at huminto ito sa di namin alam kung anong floor iyon.
Maganda sa floor na aming pinuntahan at full carpeted ito, pumasok kami sa isang malaking silid.Bumungad sa amin ang mga nagangandahang mga foreigner na katiwala at pinaupo kami sa isang mahabang lamesa.Sinabihan kaming maghintay.Naupo kami sa may kuwadradong cushion seat na Japanese style. Makalipas ang ilang sandali ay may dumating na isang matikas at kagalang-galang na guwapong lalaki, mga nasa mid-40's na siya at naka suot ito ng katutubong kasuotan ng Korean.Seryoso ang kaniyang mukha at may tapang.Kinabahan kami nang siya ay aming nakita.
Naupo siya sa aming harapan at nag indian sit, yumuko sa kaniya si Gong-li bilang pagbibigay galang at napayuko na rin kami. Maya-maya'y isang magandang babae naman ang dumating, nakasuot siya ng Kimono at naupo sa tabi nung lalaking kagalang-galang.
Nakaramdam kami ng kaba nang nakita naming minamasdan nila kami.
Pinakilala kami ni Gong-li sa kanila.At sila ay si Sensei Hikaru at ang lalaki naman ay si Master Joyangjo.
Isa-isa nila kaming tinititigan.
"Sseontaeghan! Sila ba ang iyong napili?" Tanong ni Master kay Gong-li.Malaki ang kaniyang boses.
"Yes Master!" Bigay galang na sabi ni Gong-li.Nagsasalita sila sa salitang Korean at nauunawan ko ang kanilang usapan. Binulungan ako ni Mabelle.
"Ano pinag-uusapan nila, mukhang galit ata si Master kinakabahan ako," Bulong ni Mabelle sa akin.
"Pinag-uusapan nila kung saan tayo nakilala ni Gong-li, at sinasabi ni Gong-li matagal na niya akong kilala," Habang nagbubulungan kami ni Mabelle ay tiningnan kami ni Sensei Hikaru ng malalim at sinenyasan kaming manahimik.Kaya napatahimik kami at yumuko para humingi ng sorry.Maya-maya'y tumingin sa amin si Master Joyangjo na may tapang sa kaniyang mga mata.Nakaramdam kami ng takot.
"Yyeogie hoewon-i doelyeomyeon silyeon-eul gyeokk-eul yong-giwa yong-giga pil-yohabnida. Ako si Master Joyangjo! Ang namumuno dito sa Rokumeikan Manila branch.Ang pagiging member dito ay kinakailangan ng lakas ng loob at tapang, dadaan kayo sa matinding pag-subok!" Malaking boses at may tapang na sabi ni Master Joyangjo. Sinalin ko kina Mabelle at Alison ang sinabi ni Master.
Binulungan ako ni Gong-li at sinabi niyang marunong magtagalog ang mga Masters sa club.
At nagpatuloy na siyang magsalita ng tagalog.
"Ang bawat myembro ay kailangang matutong ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa tiyak na kapahamakan!." Sabi ni Master Joyang-jo.
"Mayroon tayong mga kalaban!" Patuloy na sabi ni Master Joyangjo.
"Kalaban?" Kinabahang sabi naman ni Alison.
"Ang tawag sa ating mortal na kalaban ay Sumire Kizoku Group! Dapat ninyong malaman na nasa kamay ng Rokumeikan Kizoku ang isang makapangyarihang Samurai na nadiskubre noong 14th Century. At gusto nilang makuha ulit sa atin ito.Noon ay nagkakaroon ng digmaan ang magkabilang grupo para lamang makuha ang Golden Samurai."Kinabahan ako sa kanyang sinasabi at nagtanong si Mabelle.
"Dalawa lang po na grupo ang nag-aagawan sa Golden SAMURAI?" tanong ni Mabelle at siniko siya ni Alison dahil baka lumalagpas na siya sa kaniyang tanong.
"Ang Sumire Kizoku at Rokumeikan Kizoku lamang ang tanging may karapatan na humawak sa Golden Samurai, dahil hawak naman nila sa ngayon ang Silver Samurai!"
"Bakit po ninyo pinag-aagawan ang Golden Samurai?" tanong ulit ni Mabelle.
"Dahil ito ay may natatanging kapangyarihan!"
YOU ARE READING
Dangerously in love...Memoirs of My Lost Korean Boyfriend to be published!
Historical FictionSynopsis: Kirstein has a mysterious and handsome Korean boyfriend named Gyungsuk. They met in an old park in Seoul Korea.They meet there every single day and deeply fell in love to each other.But one day, Gyungsuk never came back. Kirstein is cluel...