Chapter 11

328 21 0
                                    

Sumunod na mga araw ay bumalik kaming muli at isa-isa kaming kinausap para sa Essay at Interview.Ako ang unang kinausap ni Sensei Hikaru. 

"Ano ang dahilan at gusto mong maging miyembro ng Rokumeikan?"

"Gusto kong maging myembro dahil......." Hindi agad ako makasagot, ang tanging nasa isip ko lamang ay makalimot sa aking pait na nararamdaman, bagong mundo, bagong buhay, bagong kaibigan, at kailangan kong magpakatotoo.

"Kailangan ko ang iyong sagot."

"Dahil gusto ko pong magbago ang aking mundo na ginagalawan, makalimot sa pait na aking naramdaman."

"Ano ang pait na sinasabi mo?"

"Tungkol po sa boyfriend ko na lumayo sa akin, wala akong balita sa kanya, mula noon ay lagi ko na lamang syang iniisip.Kaya kung sakaling makakapasok po ako dito ay magiging matatag ako at matapang at kalimutan ang sakit na aking pinag-dadaanan."

"May balak ka bang maghiganti kung kanino man?"

"Wala po."

"Handa ka ba sa mga hamon na iyong matatanggap kung sakaling malalagpasan mo lahat ng pagsubok dito?"

"Opo!"

"Handa ka bang lumaban para lang sa Rokumeikan Kizoku?

"Opo!"

"Ano ang maitutulong mo bilang miyembro ng Rokumeikan Kizoku?"

"Tutulong ako na protektahan ang Golden Samurai!Gagamitin ko lamang ang tapang na aking matututunan sa oras ng pangangailangan at hindi ko ito aabusuhin, at sisikapin kong lumaban ng patas sa kalaban."

Matapos akong inter-view-hin ay nagsulat ako ng essay tungkol kung kaya ko bang kaharapin ang mga hamon bilang member at ano ang aking pakay.Habang sinasagutan ko ito ay kinausap naman sila Alison at Mabelle.

...

            Matapos ay naghihintay kaming tatlo ng resulta at kinabahan kami nang dumating na si Sensei Hikaru.

"Base sa aking pagsusuri, ay isa lang ang nakapasa sa interview."

Nakaramdam kami ng lungkot sa sinabi ni Sensei Hikaru.Napansin ko si Alison na parang kampante at feeling niya ay siya lang ang matatanggap.Nagsalita muli si Sensei.

"Huwag kayo mag-alala! dahil tatlo kayong magkakasama ay pinapasa ko na kayo!"

Laking tuwa naming tatlo at nag talunan kami sa sobrang galak.Nang naiwan kaming tatlo sa silid.

"Sa tingin ko ikaw Alison ang dahilan kaya kami nakapasa ni Kirstein haha, ang galing mo talaga thank you!"

"Wala yun, talagang pinagbutihan ko lang sumagot sa mga tanong." Ani Alison.

"Ikaw Kirstein di ka ba magpapasalamat sa kaniya? kung di dahil kay Alison ay bagsak na tayo."Sabi ni Mabelle.

"Pero wala naman sinasabi na si Alison ang nakapasa sa interview diba?"Buong tapang na sabi ko.

"Ikaw talaga Kirstein, siningit na nga kita dito ayaw mo pang tanggapin na ako ang nakapasa sa interview at essay!" sabi ni Alison.

"Sige na nga, kung ikaw e di ok." Sabi ko na lang sa kanya.

And Sensei Hikaru came in and said that I passed the interview. Napahiya si Mabelle at Alison.Nag-sorry sa akin si Mabelle ngunit tumahimik lang si Alison.

            Sumunod na araw, ang pinaka kinatatakutan naming lahat.....ang Hazing.

Dinala kami sa isang bakanteng silid.At dumating si Master Joyang-jo.

Dangerously in love...Memoirs of My Lost Korean Boyfriend to be published! Where stories live. Discover now