Pagdating namin sa guard ay may binigay na ID pass for guest si Gong-li at kami ay pinapasok ng guard.Pag-pasok namin ay may nakita kaming hagdanan pababa ng basement.Bumaba kami at may nakita kaming pintuan na may signage na Rokumeikan club. Ang akala namin ay doon kami sa loob nito papasok ngunit kumanan si Gong-li sa isang maikling hallway at pagdating sa dulo ay wala kaming nakikitang pintuan dahil puro pader lamang ito, at maliit lang ang space. "Bakit ganito?" dismayadong sabi ni Alison.
May nakita kaming nakakabit sa pader na isang malaking frame ng isang babaeng nakasuot ng katutubong kasuotan ng mga Korean.Nilapitan ito ni Gong-li at laking gulat namin nang may sinalat siya sa picture at biglang may lumabas na maliit na key pad at may tinipa siyang passcode. Inilagay niya ang kanyang kanang thumbfinger sa isang bahagi nito at biglang nagbukas ang pader.
"Kapag naging member kayo, ganyan din ang gagawin ninyo bago kayo makapasok sa loob nito!" nakangiting sabi ni Gong-li.
"Wow!" sabi naming tatlo.
Pumasok kami sa loob at nilakad namin ang isang masukal na daan, at sa dulo nito pagkalagpas namin ay may malaking lobby na Korean style.
"Ang laki pala sa loob nito?" manghang sabi ni Mabelle habang ginagala niya ang kanyang mga mata sa kapaligiran.There are young people walking around and looking at us, nginingitian nila kami at sinusuklian naman namin sila ng mga ngiti. "Wow! Kakaiba itong nararamdamn ko!" bulalas na sabi ni Mabelle. Napatingala kami sa buong paligid sa itaas, natatanaw hanggang 7th floor. May lantern ng Korean na nakasabit sa bawat paligid at may malaking Korean Chandelier sa pinakataas ng kisame.There's a terrace in every floor.Maraming naggagandahang mga ilaw ang nakabukas, maraming mga silid kaming natatanaw sa bawat floor at may magandang mga disenyo na doon lamang makikita
Sa ground floor naman kung saan kami nakatayo ay maraming mga shop sa paligid at may mga maiilaw na signage sa labas na naka sulat sa salitang Korean. Ang iba naman ay nakasulat sa salitang hapon, pinag halong Korean at Japanese style ang kabuuan ng lobby.We don't feel that we are in our own country, kakaiba ang ambiance at environment.
"Follow me!" sabi ni Gong-li at may tinuro siyang isang pinto.
Sinundan namin siya.
At binuksan niya ang pinto na may nakasulat na Rokumeikan members Club.
At nang kami ay papasok ay naririnig na namin ang mga ingay na tila nagkakasiyahan.Pagpasok namin sa loob ay may hallway pa kaming lalakarin at lumiko kami sa kaliwa at dito ay may isa pang pintuan at pumasok kami sa loob.
Bumungad sa amin ang malaking bar, with a lots of unique disco lights in the ceiling as well as an elegant couch and tables. A radiant dance floor in the middle, and a delicious banquette of food at the side. We were stunned and mesmerized by what we were seeing.Sa bandang kanan ay may winding Grand stair case, sa taas nito ay tanaw ang isang VIP room mula sa baba.
Maraming mga kabataan na nagkakasiyahan sa loob ng bar, at mga iba't ibang lahi sila.Maraming bumati kay Gong-li na kapwa niya member.
Sumunod kami kay Gong-li at pinaupo niya kami sa isang couch na may magandang table sa gitna.
"Mamaya ay makikilala ninyo si Sensei Hikaru at Master Joyangjo."
"Talaga? Sino naman sila? Excited na kami!" sabi ni Alison.
"Sila ang mga Masters dito."
"Bakit iba't ibang lahi ang mga nandito?" tanong ni Mabelle.
"International to, yung mga nakikita ninyong nandito ay mga Koreans, Americans, Russian, Chinese, Japanese, Spanish, Europian at iba pa, pero Korean at Japanese ang pinaka marami at kayo lang ang pinay, how exciting diba?" Aniya.Nakaramdam kami ng sobrang galak.
"Nagpupunta pa sila dito?" tanong ni Mabelle.
"Oo gaya ko, dito ako nag-apply maging member kasi yung nag-recruit sa akin ay naka base na ngayon dito sa Manila.Kaya nandito ako, at may mga branch ito sa iba't ibang lugar sa Asia, sa America at sa Europa."
"Ibig sabihin dahil lang dito, ay dito ka na rin nakatira sa Manila?"
"Oo,"
"Eh papano ka nabubuhay dito, may trabaho ka ba?" tanong ni Mabelle.
"I don't need to work, kase dito pa lang ay malaki na ang kinikita ko."
"Hay oo nga pala, lalo akong nagiging interesado!" sambit ni Mabelle.
"Napakaganda pala sa loob nito, akala ko maliit lang sa labas, dambuhala pala pagdating sa loob!" sambit naman ni Alison.
"Oo nga kakaiba talaga to!" sabi ko naman.
"Parang wala tayo sa sariling bansa natin, alam ba ito ng Government na may ganitong uri ng club?" tanong ni Mabelle.
"Of course, alam ito ng mga higher official anywhere in the world pero secret.At kahit may nakakaalam, walang sinuman ang pwedeng makielam sa rules ng Rokumeikan, since 14th century it has its own.Rokumeikan Kizoku is untouchable!"
"Ha?" di kami makapaniwala sa aming narinig.
"Malaki magbayad ng taxes ang Rokumeikan Kizoku at nakakatulong ng malaki ito sa ekonomiya kung saang branch man ito meron." Nakangiting sabi ni Gong-li.
"Eh saan sila kumukuha ng perang pambayad?"
"Ikaw naman Mabelle, tanong ka ng tanong eh, sinabi na nga ni Gong-li na kapag member na tayo malalaman din natin yan!" sabi naman ni Alison kay Mabelle.
Umalis si Gong-li at sinabi niyang maghintay lamang kami, at maya-maya'y may lumapit na mga katiwala at nagbigay ng inumin sa amin.
Napapatingin kami sa paligid at para kaming nananaginip.
"Ano kaya mangyayari kapag naging member tayo dito?" sabi ni Alison.
"Oo nga, baka naman may bayad naku wala kong pera!" sabi ni Mabelle.
"Ano ka ba wala ngang bayad.At bihira lang ang napipili dito! diba sabi ni Gong-li na kikita pa tayo, excited na ako.Papano kaya tayo kikita?." Interesadong sabi naman ni Alison.
"Bakit kaya ikaw ang napili Alison na maging member? at thank you at sinama mo kami." Sabi ni Mabelle sa kaniya.
"Sabi ni Gong-li talagang gusto niya ako una pa lang niya akong makita, hindi ko siya pinilit di gaya ng iba dyan!" pasaring na sabi ni Alison sa akin.Nakaupo lamang ako at di ko na lamang siya pinansin.Nililibot ko ang aking mga mata sa paligid at namamangha ako sa ganda ng loob ng club. "Sino kaya yung Master na sinasabi ni Gong-li, ano kayang sasabihin sa atin? Nakaka nerbiyos naman," Kinakabahang sabi ni Mabelle.
Habang nag-uusap si Mabelle at Alison ay panay ang masid ko sa paligid, I'm trying my luck to see Gyung-suk but I'm thinking to myself, its imposible to see him in this kind of place.
YOU ARE READING
Dangerously in love...Memoirs of My Lost Korean Boyfriend to be published!
Historical FictionSynopsis: Kirstein has a mysterious and handsome Korean boyfriend named Gyungsuk. They met in an old park in Seoul Korea.They meet there every single day and deeply fell in love to each other.But one day, Gyungsuk never came back. Kirstein is cluel...