Sarena's POV:
"Sarena!!"
Tumingin ako at nakita ko silang lahat na papunta sakin.
"Anong nangyari dito?", tanong ni Keizha sakin.
Umiyak lang ako habang na sakin ang katawan ni Czedrick, hindi ko parin matanggap.
"Czedrick?", nabigla sila nang makita si Czedrick na duguan.
Agad naman akong tumayo at yumakap kay Keizha, ibinuhos ko lahat ng lungkot sa kanya.
"Wala na siya, hindi ko na alam kung anong gagawin...", tuloy-tuloy parin ang agos ng mga luha sa mga mata ko.
Hindi ko parin maalis sa isip ko sa nangyari sa kanya, ni hindi lang man ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos.
Nang nangyari iyon, parang gusto ko nang sumuko hindi ko na kayang ipagpatuloy to, sukong suko na ako...
Ayoko na..
Ayoko na..
"Sarena, halika muna sa loob, doon mo na lang muna ilabas yang nararamdaman mo ngayon ok?", sabi sakin ni Keizha, tumango naman ako at sinundan siya.
Habang naglalakad kaming dalawa palayo tumingin ulit sa likod ko para muling makita sa Czedrick.
~~~~~~~~
"Eto uminom ka muna ng tubig para kumalma ka..", alok sakin ni Keizha ng tubig, agad ko naman itong kinuha sa kamay niya.
Tiningnan ko ng matagal ang tubig na alok ni Keizha habang inaalala ang mga ala ala namin ni Czedrick.
Gabi na at hindi parin ako nakakalabas ng school namin dahil sa preparation namin para sa program namin para sa teachers dahil isa ako sa mga coordinators doon kasama ni Skyler, Anne at Rainier.
"Hay salamat..", sabay upo sa malapit na upuan habang tinitingnan ang mga decorations namin para sa event, nakakaproud.
"Phew.. this was worth it", sabi naman ni Anne, ngumiti na lamang ako.
"O since na arrange na natin lahat ng kailangan natin for this upcoming event, pwede na kayong umuwi..", nakahinga ako ng maluwang ng marinig ko iyon, kaya naman ay nauna na akong umalis sa kanila.
Habang naglalakad ako sa daan ay bigla namang bumuhos ang ulan.
Dali dali akong tumatakbo habang kinakalikot yung bag ko para hanapin yung payong pero wala, bad timing naman talaga oh..
Kaya naman ay tumatakbo ako sa ulan ng mabilis sa daan, umaasang may jeep na masasakyan.
"Hay nako naman, wala kasing payong..", bigla akong nakarinig ng boses sa likod ko na may payong, si Czedrick ang best friend ko a.k.a "my crush".
"Jusko naman nakakagulat ka naman..", biglang humalakhak si Czedrick dahil doon.
"Punta muna tayo sa may bench sa waiting station para mag patila ng ulan", at sabay na kaming pumunta sa waiting station at umupo doon.
Sa bench ay may kalahating ruler ang layo namin sa isa't-isa at napakatahimik namin.
"So...", sabi ko para sirain ang tahimik na vibe, "Musta ang lovelife niyo ni ano?
Nakita ko siyang biglang nanlaki ang kayang mata nang sabihin ko iyon.
"Ah- um- wa- wala naman hehehe..", pabebe pa niyang sagot.
Hay nako Czedrick halatang halata...
"Ano nga?", pangungulit ko sa kanya habang niyuyogyog yung braso niya.
"Iniwan niya ako kasama yung iba niyang lalaki..", bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya.
"Kailan yan nangyari Czed?", tanong ko.
"Nung isang araw lang..", sagot niya naman.
"Jusko, malalagot yung babaeng yon sakin tingnan niya lang.."
"Dont worry Sarena, naka move on naman agad ako"
"Hala, ang bilis mo naman makapag move on!!"
"Because there's this girl who makes my stomach fly with just her smile. The way she says my name makes my heart drop to the floor. Everything about her just makes me feel so wonderful...", sagot niya, bigla akong nacurious kung sino yun.
"Sino siya?"
"Please do not dare ask me who I like or else...I'll be forced to either tell a lie or confess my feelings to you...", bigla akong nagulat sa sinabi niya.
"Umm what?"
"I like you, Sarena...", biglang tumigil ang mundo ko nang marinig ko iyon mula sa kanya.
"Im sorry nabigla kita..", bigla akong napatigil sa pag kagulat.
"Ah- eh- dba joke lang yon? Galing mo talaga!", sabi ko.
"Hindi Sarena, totoo yun...", nakaramdam ako ng bilis ng pagtibok ng puso ko nung mga oras na iyon.
Ginamit ko na rin ang oras na ito para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
"Ummm Czedrick?"
"Ano yun?"
"I like you too...", abot tenga ang pagngiti ni Czedrick sakin at lumapit sakin.
"Im glad you feel the same way...", sabay yakap niya sakin at naramdaman ko ang pagtibok ng puso niya sa kanyang dibdib, mas naramdaman ko na ligtas ako at mas komportable ako sa kanya.
At nang pagkatapos nun ay dahan-dahang tumila ang malakas na ulan.
"O siya, tumuloy ka muna sa bahay ko kasi baka mapano ka pa malayo pa naman yung bahay mo..", alok niya sakin.
"Uh- eh.. nakakahiya naman hehehe..", sagot ko, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sinabing:
"Wag kang mag alala hindi kita pababayaan..."
Naramdaman ko ang umiinit kong mga pisngi dahil doon, narinig ko ang pag halakhak niya.
"Ang cute mo talaga kapag namumula...", asar niya sakin
"Pwe!!", sabay hampas ko sa braso niya.
"Whahahaha, wag kanang mahiya ngayong araw lang kita masosolo kasi wala sila mama..", sabi niya sakin.
"Baka kung ano pang gawin mo sakin tukmol!!", sabi ko.
"Hala.. bat mo naman naisip yan? Ikaw ahh..", pang-aasar niya sakin, namula ako na parang isang kamatis, hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Bakit ganito yung puso ko ngayon?
"Sa ayaw at sa gusto mo tutuloy ka sa bahay namin ok?", sabi niya.
"Oo na, sige na po..",sagot ko naman.
At sabay na kaming umalis ng waiting station habang magkahawak ang mga kamay namin papunta sa bahay nila..
Hinding hindi ko ito makalimutan sa buong buhay ko...
Please come back Czedrick...
PLEASE VOTE AND COMMENT!!!! <3 <3 <3 <3
(A/N: Sorry for the long wait whahahahahaha!!)
YOU ARE READING
Prom: A Night To Remember
TerrorNight full of Party.... Love... Happiness... And also... Revenge... Come and join them as they face the terror of their prom as they die one by one... Who could be the murderer? Its a one rollercoaster ride.. Its a night they wont forget... Start: A...