Keizha's POV:
"EZEKIEL!!!"
Sigaw ko nang bigla kong nakita si Ezekiel na nawalan ng malay, agad naman akong punta papunta sa kanya kasama si Joshua, Skyler, at Rainier.
"Ezekiel, Ezekiel gumising ka..", habang inuuyog si Ezekiel, ngunit wala pa rin siyang malay, nakita ko nang maigi ang sugat ni Ezekiel sa braso, parang matutuklap na ang balat niya, ang sakit talaga.
"Guys tulong!!, nakita niyo namang may kailangan ng tulong dito oh?", sigaw ko, ngunit nakatayo parin ang ilan, parang walang pake.
"Eto first aid kit sa bahay, may bandage din dyan, enough para matakpan yung sugat at mapigilan pag-labas ng dugo ni Ezekiel", sabi ni Kathleen, atleast may tao parin na kahit papano may natulong parin kay Ezekiel.
Agad naming binuksan ang first aid kit at ginamit ito sa malalim na sugat ni Ezekiel, agad na kinuha ni Joshua ang bondage at ibinalot ito sa sugat ni Ezekiel habang tiningnan naman ni Skyler ang pulso ni Ezekiel, sana buhay pa siya.
"Guys buhay pa si Ezekiel im sure na makakarecover agad siya, kailangan niya lang ng rest kasi halos maubusan na siya ng dugo", sabi ni Skyler, nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko iyon, sana makarecover na agad siya.
"But for now ipagpahinga muna natin siya, dalhin natin siya sa isang higaan para magpahinga siya..", dagdag pa ni Skyler, wow grabe, magchechemistry kaso ang galing sa medical...
Binuhat naman nila Rainier at Joshua si Ezekiel at inilagay siya sa isang upuan kung saan pwede makapagpahinga si Ezekiel, sana ok lang siya.
Pero nakakapagtaka parin, bakit hindi tumulong si Carmela kay Ezekiel, halos mamatay na siya kaso hindi parin siya tumulong, bakit kaya? May masama bang nangyari kanina?
Tiningnan ko si Carmela ngunit umiiwas lang siya sakin kasama ang mga kaibigan niya, bakit ang weird niya nga6yon?
Binantayan ko na lang si Ezekiel kasama si Joshua, hoping na makarecover na siya agad.
"Guys, kailangan na nating makalabas dito, may namatay na dito, gusto niyo bang madagdagan pa?", sabi pa ni Anne, sumangayon naman ako sa kanya.
"Kailangan na natin mag tawag sa cellphones natin ng tulong, para ma imbestigahan to", sabi ni Allyssa.
Agad namang nilang kinuha ang kanilang mga cellphone at nagsimulang tumawag ng tulong, naglakad-lakad pa sila around the house para makahanap ng signal, parang hindi yata sila nakasagap ng signal.
"Come on..", narinig ko bang bulong ni Rovel, kaso parahas lang din ang tunog na tumutunog sa cellphone din ng iba ang naririnig namin.
*Beep* *Beep* *Beep*
"Shit wala parin!!"
"Not Reached.."
"Walang Load"
Yan ang mga kadalasang mga reaksyon nila, ano nang gagawin namin??
"Shit, wala, wala na talaga", pagdabog pa ni Elisa.
"Ano nang gagawin natin dito eh nakita na nga nating may mga namamatay na satin tapos nandito parin tayo, mas magandang umalis na tayo dito kung ayaw niyong matulad kay Sydnie or Frankie", sabi ni Seth.
Lahat sila ay sumangayon sa sinabi ni Seth, pero may sinabi si Rainier na mas nagpakaba samin.
"Guys, lumabas kaming apat nila Kirsten, Kyla,at Roishell at nakita ko na nakakadena na ang pinto palabas ng estado na ito malaki at mahigpit ang pagkakatali nito sa pinto, paano na tayo niyan?"
YOU ARE READING
Prom: A Night To Remember
HororNight full of Party.... Love... Happiness... And also... Revenge... Come and join them as they face the terror of their prom as they die one by one... Who could be the murderer? Its a one rollercoaster ride.. Its a night they wont forget... Start: A...