Chapter 1: The Announcement

107 13 62
                                    

Keizha's POV:

Kringgggg!!!!

Kringgggg!!!!

Gosh....
Nakakaasar tong alarm clock nato panira ng tulog...

Dahan-dahan akong bumangon habang pakamot-kamot pa sa ulo kong sabog-sabog dahil sa himbing ng pagkakatulog, bigla akong natauhan nang makita kung anong oras na.

"5:30?!?!?!", agad akong napatayo sa kama ko at nagmamadali akong pumasok sa shower namin sa bahay, jusko 6:00 pasukan namin ang hirap ng ganitong schedule.....

Nagmamadali pa akong magtoothbrush na halos masugatan na gilagid ko ng toothbrush...

Ouch.

Pagkatapos ay nagmamadali akong nagbihis ng uniforme, nakalimutan ko pang magsuklay at magpulbo, hayst...

Bumaba ako at nakita ko si mama na wala sa kusina, nakakita naman ako ng sulat sa mesa namin.

Sorry anak, kailangan kong umalis ng maaga dahil sa trabaho, may meeting pa kami sa Quezon kaya kailangan kong umalis ng maaga ngayon, nagiwan na ako ng extra pera sa ibabaw ng refridgerator para makakain ka sa may Mini-Shop sa tapat ng school niyo para makakain ka ng breakfast... Hayaan mo may dala ako mamaya na masarap ng pasalubong pag-uwi ko..

Love you nak....

Love,

Mama

Agad naman akong pumunta sa refridgerator at kinuha ang pera iniwan sakin ni Mama, pagkatapos ay lumabas na ako at nagmamadali akong naghanap ng masasakyang jeep.

"6:13 na shems...", kinakabahang sabi ko dahil malalagot nanaman ako kay Sir...

Jusko sir sana wala ka pa sa room...Bumaba ako sa jeep at time-check, 6:21 na..

GG ako..

Agad akong pumasok sa paaralan ng Lakeview Institute at pumunta sa room namin at hindi ako makapaniwala sa nakita ko..

WALA PA SI SIR~~!!!

Heaven to sakin!!


Kaya confident akong pumasok sa room, at nakita kong nakatingin ang iba sakin.


"Aga mo Keizha, pasalamat ka wala si Sir today..", sabi naman ni Kathleen, ang pinakamagandang despacito sa lahat a.k.a KathlengDyosa ang tawag sa kanya.

"Atleast nageffort dba?", sagot ko at inilapag ang bag ko sa upuan ko.

"Guys excited na ba kayo?, malapit na yung prom night ng batch natin!!", agad naman na bungad ni Ansherina samin ni Kathleen.

"Aba syempre, mahuyo kayo sa kagandahan ko sa prom ay charot peace tayo whahahahaha", asar na sabi ni Kathleen.

"Excited ako syempre pero still, nagaalala ako..", malungkot na sabi  ko.

"Luh bakit?", tanong ni Anshe.

"Kasi alam kong walang mag-aask sakin para maging ka partner sa prom night..",sagot ko naman, masakit kaso ito yung katotohanan.

"Hala siya, trust me meron yan wag ka agad masalita niyan, gusto mo ibigay ko sayo yung isa kong kapartner?", sabi ni Kathleen.

"Wait what?, isa mong kapartner?!, gaano kadami ba partner mo Kath??", tanong ko.

"Maybe mga...",nagiisip parin si Kathleen.

"Mga 3 siguro, ay charot", humahalakhak na sabi ni Kathleen, nahawa naman kami sa tawa niya, loko-loko talaga tong si Kathleen.

Prom: A Night To RememberWhere stories live. Discover now