****
Maxine POV
August 19 20**,Monday
Ito na ang araw na pinaka hihintay ko.Ang araw ng pasukan. Ano kayang mangyayari mamaya. Kinakabahan ako kasi first time kung lumipat sa ganitong eskwelahan.
Anyway,nandito pa rin ako sa loob ng kwarto ko.Kakatapos ko lang kasing maligo at nagbibihis na ako ng uniform ko.Ang cute nga ng uniform eh parang pang anime and dating.
White blouse na may red necktie then pinatungan ng blazer na gray na may lining na dark green tapos may dalawang bulsa sa magka bilang gilid then palda na 2 inch above the knee na color dark green at pinatneran ng black shoes na may 3 inches na takong at black high sock na hanggang sa baba ng knee.
Nang matapos akong mag ayos ay bumaba na ako para magluto. Maaga akong nagising kaysa sa kanila. Baka nga naliligo pa lang yung mga yun.
Nag umpisa na akong magluto ng almusal. I cooked fried rice with bacon,egg and hotdog.Kailangan kasi heavy meal ang iluto ko baka magutom yung mga yun lalo na si Mandy.
"Good morning Max,aga natin magising ah." Napalingon ako sa may pinto ng kusina, nakatayo silang tatlo habang nakaupo na si Tamara sa upuan habang nagbabasa.
"Good morning din sa inyo." bati ko pabalik.
"Anong niluluto mo?" tanong ni Xeah.
"Sinangag na may bacon,itlog at hotdog." sagot ko.
"Hmm..mukhang masarap yan." Mandy said at mukhang takam na takam na.
Naghanda ako ng plato pagkatapos kung maluto ang almusal.Inilapag ko yung niluto ko sa lamesa at nag umpisa na silang kumain.
Susubo pa lang sana ako ng pagkain nung may sumigaw dahilan para mabitawan ko yung kutsara.
"Hello errbodiieeee!!! Kayden and friends are here!!!!!!"
"Oh shit!"
"Fuck!Yung eardrums ko!"
"Ang ingay naman!"
"Hoy Kayden ang ingay mo!Maawa ka naman ay sa katabing dorm namin." Mandy said.
"Nandito pala kayo sa kusina.Di man lang kayo nag imbita." Kayden said while pouting.Aww~ ang cute.
"Psh.Bawal kasi dito ang bakulaw na gaya mo." pang asar ni Sandra.
"Eh bakit nandito ka?" pilosopong wika ni Kayden na siyang ikinakunot ng noo ni Sandra.Yari na,away na to.
"Hep.Tama na yan,kumain na tayo baka malate pa tayo sa first subject natin." awat ni Xeah sa dalawa. Naupo na yung tatlo at kumain na.
After few minutes ay natapos na kaming kumain at lumabas na ng dorm.Nung nasa hallway kami ay marami ang nakatingin samin,I mean sakin pala.
BINABASA MO ANG
Leporem Academy (School Of Magic)
FantasySometimes what is real is something we can't see Believe in yourself and always remember that there's always a magic in your heart Welcome to Leporem Academy Where school you won't believe that exist. Start date: September 17 2017 End date: ????