Chapter 12

4 0 0
                                    


SoldierMace thank you po sa super duper beautiful cover huehue. Anyways, thank you talaga ng marami mwuah.

****

Maxine POV

Sabado. Isang buwan na ang nakakaraan nung mapunta ako dito. Masasabi kong maganda at maayos ang pamumuhay ko dito. Naging masaya ako dito dahil sa mga kaibigan ko. Pero hindi mawawala sakin ang pagkamiss at pag-aalala sa magulang ko. Ang daming tanong sa isip ko about sa kanila. Like, how are they? Kumakain ba sila ng maayos? Nakakatulog ba sila ng maayos? And such things. I do miss them.

"Maxine bakit tulala ka dyan?"

Nabalik ako sa wisyo sa tanong ni Xeah. Napatingin ako sa kanya at bahagyang umiling at ngumiti ng matamis. Ngumiti din siya sakin at pinagpatuloy ang paggawa ng assignment sa potion class. Nagawa ko na yan kanina kaya wala na akong pinoproblema.

May kanya kanya kaming mundo ngayon. Si Xeah gumagawa ng assignment niya. Si Sandra busy sa panonood kasama si Mandy. Si Tamara, busy sa pagbabasa. At ako, busy sa kakaisip sa magulang ko.

"Pansin ko talagang tulala ka nitong mga nakaraang araw. Are you okay? May gumugulo ba sa isip mo? Kindly share it with me. If you don't want, it's okay with me." napatingin ako kay Xeah. Nakatingin siya sakin at may pag-aalala sa mukha at mata niya.

"It's nothing Xeah. Don't mind me." sabi ko at ngumiti ng tipid. Tinignan niya muna ako na parang tinitimbang kung nagsisinungaling ako. I just smile at her.

"I know you're not okay. Your smile, hindi na yan ang dating ngiti na kilala ko. If you have a problem, I'm here. You can say it to me. But if you don't want to then it's okay with me but remember, I'm always here when you need someone to hear you out." She said half smiling. Napangiti ako sa kanya at tumango. She heavily sigh and continue doing her assignment. 

Ilang araw na din akong laging tulala at malalim ang iniisip. Wala na kasi akong balita sa magulang ko. Kahit sulat man lang wala. Hindi na ako mapakali. Parang gusto ko silang puntahan dun at icheck kung maayos lang ba sila. Sana pala hindi na ako pumayag na mag-aral dito para hindi na ako nag-aalala ng ganito sa kanila.

"Kain na tayo guys." sabi ko. Narinig ko ang mga yapak nilang papunta dito sa kusina.

"Wow! Ang sarap ng ulam natin ngayon! Mukhang mapaparami ang kain ko nito!" bungad ni Mandy pagkadating nila dito. Binatukan siya ni Sandra kaya napangiwi siya.

"Sus. Kahit nga bagoong lang ang ulam marami kang nakakain." sabi ni Xeah sa kanya. Napasimangot siya kaya napatawa kaming dalawa ni Sandra.

Umupo na kami at nag-umpisang kumain. Nagku-kwentuhan kami at kung ano-ano. Minsan nagtatanong sila kung anong itsura ng mortal world at feeling ng tumira dun. Hindi pa kasi sila nakakapunta dun dahil delikado daw lalo na mga prinsesa sila dito. Wala kasing pwedeng makaalam na nagi-exist ang mundo namin.

"May mga pasyalan din ba dun sa mundo niyo? Like Mall or what?" tanong ni Mandy.

"Maraming pasyalan dun. Hindi lang Mall ang meron dun. Meron ding dagat, park at iba pa. Hindi ka magsasawang pumasyal dun dahil madaming pwedeng pasyalan dun." kwento ko. Si Mandy naman napangiti ng malapad at kumikinang ang mata sa tuwa. I'm sure magi-enjoy siya kapag nakapunta siya dun.

"I want to go there someday. Base on your story, hindi talaga ako mawawalan ng pwedeng galaan dun." nakangiti si Mandy habang binibigkas niya yun.

"Nanakit ba sila? Hindi ba nila iiwasan? O baka naman matakot sila samin kapag nagpunta kami dun." this time si Sandra naman ang nagtanong.

"It's depend. Kapag sinaktan mo sila, sasaktan ka din nila. Minsan may mga taong sinasaktan ang iba ng wala dahilan kaya kapag pumunta kayo dun make sure may kasama kayong lalake. At dun sa huling tanong mo, hindi naman sila matatakot kung hindi mo ilalabas ang kapangyarihan mo. Hindi ka din iiwasan ng ibang tao kung walang silang nararamdaman na masama sayo. Pero may ibang taong iniiwasan ang ibang tao dahil takot sila o kaya naman ay hindi lang sila sanay." mahabang lintanya ko. Napatango naman si Sandra.

Natapos kaming kumain. Si Tamara ang naghugas, schedule niya ngayon eh. Tumambay kaming apat sa sala habang nakasalampak sa carpeted na sahig. Naglalaro kami ng logic board. Kakampi ko si Tamara habang si Mandy at Sandra ang magkakampi. Si Xeah naman hindi sumali dahil busy siya sa paggawa ng assignment niya.

"Akyat na ako. Goodnight everyone." paalam ko sa kanila. They all nod and say 'goodnight' to me.

Umakyat na ako ng kwarto at nag half bath muna bago mahiga sa kama. I stare at the ceiling.

Ano na kayang ginagawa nila Mom at Dad ngayon? Kamusta na kaya sila? Kumakain kaya sila ng maayos? I want to be updated everyday. I miss them so much. I hope they're fine.

***

Kung meron mang naghahanap ng story na sinabi ko nung previous chapter I'm sorry but I unpublished it. Nawala lahat ng ginawa kong chapter so nawala na din ang plot ko. Baka sa susunod ko na lang ulit maulit yun.

Leporem Academy (School Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon