Chapter 8

7 0 0
                                    

****

Mandy POV

Naglalakad ako sa hallway nung may nakabangga ako.Buti na lang at na balance ko ang sarili ko. Tinignan ko ang nakabangga sakin,nakaupo siya sa sahig habang hawak ang likuran niya.

"Hey watch you're dinadaanan nga. Nabangga mo tuloy ako." Tumaas ang kilay ko na kasing taas ng isang 5the storey na building.

Agad siyang tumayo at yumuko ng bahagya. "Patawarin niyo po ako Prinsesa Mandy, hindi na po mauulit."

"Okay.Pero sa susunod wag kang maglalakad ng naka yuko ha." Mataray na wika ko  sa kanya. Sunod sunod siyang tumango.

Nilampasan ko na lamang siya at dumiretso na papunta sa room ko. Nang makarating ako dun ay natigilan ang mga classmates ko. Like duh?! Is they're first time seeing a goddess like me?!

Pumasok na ako sa loob at pinag sawalang bahala ang mga tingin nila sakin.Tinignan ko ang usual na pwesto namin,nandun sila at busy sa pagku kwentuhan.Kusang may gumuhit na ngiti sa aking labi dahil sa nakita ko kaya lumapit na ako sa kanila.

"Hoy Mandy may pick up line ako sayo." Sabi ni Kayden ng makalapit ako sa kanila.

Inirapan ko siya bago maupo sa upuan ko. "Tigilan mo nga ako Kayden, kakadating ko lang ako na naman pagti tripan mo." Bulyaw ko sa kanya.Napa simangot agad siya dahil dun.

"Isa lang to promise." Naka pout na sabi niya.

"Psh.What is it? Bilisan mo dahil ayoko ng pinag hihintay." Taas kilay na sabi ni Mandy.

"Mandy Tao ka ba?"

"Malamang! Bakit mo naman natanong?"

"Ahh wala.Naninigurado lang."

Agad nagtawanan ang tropa maliban lang kay Thunder. Agad ko siyang tinignan ng masama pero ang kumag,tawa pa din ng tawa.

"Good morning Class."

Nag takbuhan ang mga kaklase namin sa kani-kanilang upuan.Yung kaninang maingay na classroom ay natahimik.Parang may dumaang anghel samin.

Para kaming mga maamong tupa dahil sa sobrang tahimik at malambot na expression ng mga mukha namin.

Nag simula na si Ms.Sarah mag discuss about different type of killer's attitude.

Hindi ako nakinig sa kung anuman ang sinasabi ni Ma'am.Di naman sa pagmamayabang pero kabisado ko na ang mga ganyan.Matalino din naman ako pero minsan ko lang gamitin ang utak ko hehe.

⏩⏩ Fast forward ⏪⏪

Naglalakad kaming limang babae sa hallway papuntang right wing o sa dorm namin.Nagka hiwalay kami ng landas nung tatlong lalaki dahil sa may left wing ang dorm nila.

Nang makarating kami sa dorm ay agad akong humilata sa couch.Sila naman busy sa kung anuman.I close my eyes dahil nakaramdam na ako ng pagod at hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog.

****

"Hoy Mandy gumising ka na dyan,
hapunan na po!"

Argh!

"Mandy gising na kakain na tayo!"

Unti unting nagising ang diwa ko kaya tumayo na ako.Kabanas! Ang sarap ng tulog ko eh!

Pumunta ako ng kusina ng pikit ang isang mata at umupo sa upuan. Niyuko ko ang ulo ko at balak na sanang matulog ulit pero may biglang nambatok sakin kaya napa angat ang ulo ko.

"Ano ba?!" reklamo ko.

"Will you please shut up and eat already?!This is a dining room not your room so please don't sleep here!" Sigaw sakin ni Tamara.Huhu! Galit na siya.Nawala tuloy yung antok ko dahil sa sigaw niya.

Kumuha na ako ng pagkain at kumain na.Kahit labag sa loob ko na hindi ipagpatuloy ang tulog ko ay wala na akong nagawa.

Sayang kasi yung panaginip ko malapit na yung matapos eh.Atsaka sayang kasi naudlot yung kiss namin ni Dwayne. Hihi.Jusme!Luma landi na naman ako.Ewan ko ba kung bakit ko napanaginipan yung lalaking yun.Di na siya nakuntento, lagi na nga siyang pumapasok sa isip ko pati ba naman panaginip di pinalagpas.

Natapos na kaming kumain kaya dumiretso kami ng sala.Nag aya kasi si Sandra na mag movie Marathon kami.Ayos lang naman yun kasi Saturday naman bukas.

Isinalang na ni Sandra ang cd sa DVD player.'Let her out' ang title ng papanoorin namin, it's a horror genre movie.

Nag umpisa na ang palabas,nung una ang tahimik namin pero maya maya lang ay nagtilian kami nila Max,Xeah at Sandra.Grabe kasi nakaka gulat yung sound effect. Naka todo pa naman ang speaker.

*blaaagg*

"Kyaaahhh!!"

"Ano yun?!"

"Putaeners!Kaya ayoko manood ng horror eh!"

"Tangna!Walang takutan!"

"Hahaha! Laftrip yung mga mukha niyo!"

Nakarinig kami ng boses mula sa likod namin.Sabay sabay kaming Lumingon at nakita namin sila Dwayne at Kayden na tumatawa habang hawak ang kanilang tiyan samantalang si Thunder naman ay nakangisi lang.

Sabay kaming tumayo na apat at binugbog si Kayden.Bwisit na lalaking to,ang sarap patayin eh.

"Ahh! Aray tama na! Masakit kasi!" reklamo ni Kayden.Tinigilan na namin siya at nanood na lang.

Nasa magka bilang gilid si Thunder at Kayden tapos katabi ni Kayden si Sandra then si Maxine naman ay katabi ni Thunder tapos ang nasa gitna naman ay si Tamara then ako at si Dwayne ay nasa magka bilang gilid ni Tamara.Gulo ba? Intindihin niyo na lang haha.

Tahimik lang kaming nanonood pero kapag may lilitaw na kung sino o ano ay napapa sigaw kami sa gulat. Isama mo pa yung speaker na sobrang lakas.Buti na nga lang at soundproof ang dorm namin dahil kung hindi,baka naka istorbo pa kami sa mga katabing dorm namin.

Nang matapos ang palabas ay umuwi na agad yung boys dahil lagpas na sila sa curfew ng school.Kami namang mga girls ay dumiretso sa kanya kanya naming kwarto.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay nag half bath ako then after that ay natulog na.

****

A/N:Alam kong bulalo ang UD kaya pag pasensyahan na.Lutang si author ngayon hehe.

Dapat kagabi ko to pinublish pero nakatulog ako ng maaga kaya ngayon ko lang na ipublish hehe.

Leporem Academy (School Of Magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon