Amber's POV
Naglalakad na ako pauwi sa bahay namin. Gabi na ngayon at madilim ang paligid. Sobrang tahimik. Tunog lang ng sapatos ko at mga dayong nananayaw ang maririnig mo. Halos walang katao tao dito sa kalsada. Nakakatakot. Binilisan ko ang paglalakad dahil natatakot na ako.
Biglang humangin ng malakas at naramdaman ko ang paglapat ng malamig na hangin sa aking balat. Mas lalo akong natakot dahil doon.
Kanina ko pa rin nararamdaman na may sumusunod sa akin. Ewan ko kung guni-guni ko lang 'yon o hindi. O baka naman baka naprapraning lang ako, pero malakas talaga ang pakiramdam ko na may mga sumusunod sa akin. Nararamdaman kong nandiyan lang sila sa paligid.
Binilisan ko lalo ang paglalakad ko. Baka mamaya holdaper o kaya kidnaper o baka rapist yung mga taong sumusunod sa akin. Mamaya mabalitaan o makita nalang nila mama na nasa gilid ng kalsada yung katawan ko. Ayoko pang mamatay noh!
Lumingon ako saglit sa likod dahil may nakita akong anino sa likod ng puno. Pero pag tingin ko wala na ito. Humarap ako at....
"AHH!" sigaw ko sabay suntok sa kung sino mang lalaki ang nasa harap ko.
"ARAY!" sigaw ni wait...
"Luis? Ikaw ba 'yan?"
"Aray! Ang lakas mong sumuntok Amber. Ang sakit!" daing niya.
Tinulungan ko siyang tumayo dahil napaupo siya sa lakas ng suntok ko kanina. Hindi ko naman 'yon sinasadya eh. Nabigla lang talaga ako. Atsaka kasalanan niya din naman.
Pagharap ko kasi bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Sinong hindi magugulat doon? Bigla ba naman siyang sumulpot sa kung saan. Tapos ang lapit pa ng pagmumukha niya sa mukha ko.
"Sorry talaga. Masakit ba?" paghingi ko ng tawad.
Hinawakan ko yung pisngi niya na nasuntok ko at hinilot-hilot. Ngayon lang ata ako nakasuntok ng tao. Hindi kasi ako nakikipag-away. At hindi din ako marunong lumaban.
"Okay lang basta ikaw." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko sabay hawak sa kamay kong nasa pisngi niya. Bakit parang iba siya kung tumingin? Bakit parang may kakaiba sa kanya?
"Uhm. Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko at agad tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya. Ang awkward kasi ng posisyon naming dalawa.
Si Luis nga pala ay kaklase ko. Kaibigan ko siya actually. Siya kasi yung unang taong kumausap sa akin noong unang araw na pumasok ako sa Global Cyber University. Makulit siya at madaldal. Well gwapo din siya at mayaman.
"You.. you left this in our room." tugon niya sabay pakita sa akin ng book ko sa English.
Sabi na nga ba may nakalimutan ako. Buti na lang nandito si Luis para ibigay 'yon. May quiz pa naman kami doon bukas.
"Thank you." pagpapasalamat ko sabay ngiti ng malapad sa kanya.
"Hatid na kita sa inyo." wika niya.
"Huwag na. Kaya ko namang umuwing mag-isa." pagtanggi ko kahit natatakot na akong umuwi ng mag-isa. Ayoko na kasing makaabala pa. Ang laking abala na ng ginawa ko sa kanya. Pumunta siya dito para lang ibigay sa akin yung book ko sa English tapos balak niya pang ihatid ako. Nakakahiya na sa kanya.
"No. I insist. Mamaya kung ano pang mangyari sayo." sagot niya. Ang sweet talaga niya. Kaya nagkacrush yung bestfriend ko dito eh. Tatanggi sana ulit ako kaso nauna na siyang naglakad sa daan patungo sa aming tahanan. Wala na akong nagawa kaya tumakbo ako papunta sa kanya at sumabay sa paglalakad niya.
Habang naglalakad kaming dalawa, wala ni isa man sa amin ni Luis ang nagtangkang bumasag ng katahimikan. Nakakapanibago. Dahil gaya nga ng sabi ko kanina madaldal at makulit si Luis. Pero ngayon lang siya naging ganito katahimik.

BINABASA MO ANG
Meurtrier Obsession
Mystery / ThrillerMystery || Vampire || Romance ________________________________________________________________________________________________________________ I am happened to be 'His Obsession'. But who is he????! __________________________________________________...