Kabanata 9

3.5K 70 3
                                        

Amber's POV




Nagulat ako nang biglang may pumasok sa loob ng kwarto ko dito sa hospital.




"Amber? Anak!" sigaw ni mama na naluluha. Tumakbo papalapit sa akin at bigla akong niyakap. Niyakap ko din siya pabalik. Naramadaman ko ang pagpatak ng luha niya sa manipis kong damit. Umiiyak siya at humahagulgol. Napaluha din ako habang yakap-yakap siya. Alam kong sobra siyang nasaktan sa ginawa ko. Alam kong sobra din siyang nag-alala sa akin.





"Anak buti naman gising ka na." sabi niya matapos naming kumalas sa pagkakayakap. Napansin ko ang mugtong mga mata ni mama. Napansin ko rin na parang puyat siya at parang pumayat din siya. Alam kong dahil sa akin kaya siya nagkakaganyan. Ang tanga-tanga ko kasi. Bakit ko ba naisip na magpakamatay. Tama nga si Luis sa sinabi niya sa panaginip ko. Hindi pagpapakamatay ang solusyon sa mga problema.




Hindi ako sumagot kay mama. Iniiwasan ko din siyang tignan sa mga mata. Nakayuko lang ako habang nakatingin sa mga kamay ko na pinaglalaruan ko. Nagiguilty kasi ako. Andami ko nang kasalanan sa kanya. Ilang beses ko na din siyang nasaktan. Tapos ito dinagdagan ko pa.




Biglang hinawakan ni mama ang mga kamay ko sabay sabing "Anak, Bakit mo ba ginawa 'yon?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya nag-aalala at natatakot siya. Nakita ko rin na naguguluhan siya kung bakit ko nagawang magpakamatay.





Hindi pa rin pala niya alam. Pero hindi na niya kailangang malaman pa. Ayaw ko na mag-alala nanaman siya sa akin. Mas gugustuhin ko na lang na sarilihin ang problemang ito. Pero ano namang sasabihin ko sa kanya kung bakit ko iyon ginawa? Bahala na nga.




Magsasalita sana ako kaso hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala akong maisip na palusot sa tanong niya kaya iniwas ko na lang ang paningin ko at yumuko. Hindi ko na rin sinagot ang tanong niya. Ayaw kong sabihin yung totoo sa kanya.



"Amber, bakit mo ba iyon ginawa? Alam mo bang sobra kaming nag-alala sayo. Halos mabaliw na ako nang makita ka sa kwarto mo na naliligo sa sariling mong dugo. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko sayo noon eh." sambit niya habang may lumalabas nanamang luha sa mga mata niya. "Buti na lang dumating yung mga kaibigan mo at tinulungan akong idala ka dito sa hospigal" pagpapatuloy niya.




"Ma. Ma sorry po ma. Sorry ma. Sorry." paghingi ko ng tawad sa kanya habang nakahawak sa mga kamay niya. Nakatingin din ako sa kanya habang lumuluha. "Hindi ko na po talaga uulitin. Sorry po talaga ma." wika ko.





Niyakap niya nanaman ako. Niyakap ko din siya. Isang napakahigpit na yakap ang iginanti ko sa kanya.




"Ma sorry talaga." bulong ko sa kanya habang nasa ganoong posisyon pa rin kami. Kumalas siya sa pagkakayakap namin.



"Shhh. Okay na 'yon." pagpapatahan niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha na nasa pisngi ko.




Pagkatapos naming magdramahan ni mama ay nagkwentuhan at nagtawanan kami. Nagkukwentuhan kasi kami ng mga nakakatawang karanasan namin.




Kinuwento niya sa akin yung unang pagkikita nila ni papa dati. Grabe nakakahiya si mama noon. Nakatagos daw kasi siya noon. Sobrang dami daw. Tapos puti pa yung kulay ng uniform nila dati kaya kitang-kita. Hindi niya daw alam na meron siya noong araw na iyon. Tapos habang naglalakad siya naririnig niya na parang may pinagtatawanan yung mga schoolmates niya habang dumadaan siya. Lumingon siya para malaman kung anong pinagtatawanan nila. Tumingin siya sa likod niya dahil doon daw nakatingin yung mga estudyante. Namula daw siya nang makita iyon. Halos maiyak na nga siya sa kahihiyan. But someone save her. It was papa. Tapos doon na daw nagsimula yung love story nilang dalawa.




Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon